CHAPTER 8

112 2 0
                                    

Jadell

"Butler Kim, sa susunod po na tatakas itong si Flyde 'wag nyo syang papayagan. Baka po kasi kung anong mangyari sa batang 'to" Bilin ko kay Butler Kim na syang nagbabantay kay Flyde. Narito na kami sa kotse at papunta na kaming Hospital. Nakayakap naman sa akin si Flyde.

"Naku! pasensya na po Young Lady. Iniyakan nya po kasi ako dahil gusto nya raw po kayong makita kaya naawa ako at sinamahan ko na" paliwanag nito.

"Okay. Pakibilisan na lang po baka hinahanap na sya ni Firro" Saad ko.

"Okay po Lady"

Ng makarating kami sa Hospital ay agad din kaming dumiretso sa room ni Flirr. Malayo pa pero tanaw na tanaw na namin ang mga lalaking nakaitim na sa tingin ko ay mga butlers at bodyguards na hindi magkamayaw sa pag iikot.

"I think you're Dad is looking for you na" I said to Flyde. Tumingala naman ito sa akin at ngumiti.


"I'll go first Mommy"

Bumitaw na ito sa kamay ko at tumakbo papasok sa kwarto ni Flirr. Kinausap ko muna ang mga bodyguards at butlers bago ako sumunod kay Flyde.

"It's fine Son. Just don't do it again..okay?"

"Yes Daddy"


I smiled when I saw them hugging each other. Napaka sweet talaga nila sa isa't isa.

"Bad boy. You made your Dad worried"


I said. Gulat namang napatingin sakin si Firro. Ngumiti na lang ako sa kanya saka bumaling kaagad kay Flirr.

"MOMMY!"

Napangiti ako ng tumakbo para yumakap sakin si Floyd. The cold young man. I squat my legs para makapantay siya.


"Hi baby Floyd" Bati ko rito saka ginulo ang buhok nya. Sumimangot  naman ito kaya napatawa ako ng mahina.

Tumayo ako ng maayos saka bumaling naman kay Firro na tahimik lang na nakatingin sa akin.

Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko sya. Hindi naman siguro masama kung aangkinin ko muna ang pamilya ni Jian kahit dalawang buwan lang. Hindi naman siguro masama kung maging masaya ako sandali kasama nila. Gusto kong maranasan ang masayang pamilya na hindi ko naranasan sa pamilya ko.


"Pumapayag na ako Firro. I will stay with you. With the four of you" Masayang pahayag ko. Tila nagulat naman siya sa narinig.

"R-really?"

"Bakit, ayaw mo ba?" Sumeryoso ako.

Naglakad siya palapit sa akin at hinapit ako para yakapin.

"Thank you wife. You don't know how happy I am right now. Thank you"

Niyakap ko rin siya pabalik. I smiled. Bakit ba napaka sweet ng yelong robot na 'to.

"I love you" Aniya. Napangiti ako.

"Can we join?"

Natawa si Firro ng kalabitin kami nina Floyd at Flyde. Ngumiti ako sa kanila. And we formed into a family hug.


__________


"What do you want to eat baby?" I asked Flirr. Gising na sya at wala na rin yung mga pantal nya sa katawan niya.


Sabi ng doctor ay pwede na syang umuwi bukas. It's been 3 days magmula ng pumayag ako sa gusto ni Firro. Kung sweet sya noon. Mas lumala pa ngayon.

INSTANT WIFE, INSTANT MOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon