CHAPTER | 3

58 1 0
                                    

Yoko POV.

"WHAT THE HELL?" Naiiritang ungot ko pagkatapos itinalukbong ko ang kumot sa mukha ko. Ang aga aga nabubusit ako dahil sa lakas tunog ng alarm na hindi akin.

"Wake up, princess"
Bati mula sa pamilyar na boses na kinabubwisitan ko. Naramdaman ko na may humila ng kumot ko

"Ano ba?!! Will you stop bothering me?!"
Napaupo na ako sa kama. "Ouch!" Doon ko naramdaman ang sakit ng ulo ko.

"drink that hangover pills on your bed side table~" matipid na sabi nito

Inirapan ko ito at kinuha ang gamot kasama ang isang basong tubig tsaka ito ininom.

"Prepare for your class Princess"
Napairap ako sa tawag nito saakin, kagabi pa ito nakakabuwisit. Ang aga aga kuha agad nito ang Inis ko.

"You're not my nanny, you're my body guard!"

Umalis ito sa pagkakasandal sa wall tila walang narinig at lumakad siya papunta sa coffee table set ko sa tabi ng pintuan ng balcony ng kwarto ko.

Napagmasdan ko ang built nito habang naglalakad, bukod sa matangkad siyang tao fine and fit din ang katawan nito kaya nga ganun ganun lang niya ako bitbitin kagabi. Kung magpapalit ito ng trabaho sigurado ako na bagay siya maging sundalo.

Ang presko din talaga ng amoy nitong tao na ito dahil halos bumalot sa loob ng room ko ang amoy niya. Tapos andami ata nitong combat pants ksi consistent ito sa ganitong suot.

"What are you doing here? You can wait outside Faye" sabi ko nung humarap na ito, ayokong makita nito na sinisipat ko siya ng palihim. Pasalampak na umupo ito at nag dekwarto at nag cross arms, kahit hindi na nito sabihin alam ko na dito niya ako sa loob aantayin.

"Arghh you're so annoying!! I'll tell dad na kumuha ng ibang bodyguard" banta ko dito

"Go ahead princess, Sasamahan pa kitang mag sumbong"- sabi nito habang makatitig saakin. Hindi nito suot ang shades, naka lagay lang ito sa ulo niya kaya kita ako ang mga mata nito na nangaasar.

"Talaga!"

Padabog akong tumayo at nag punta sa extension room ko to prepare sa pag pasok..

Nakakabuwisit talaga!! Nitong masakit ang ulo ko may nakakabuwisit pa na makakasama ko oras oras.. gosh!!


SABAY KAMING lumakad papalapit sa sasakyan na nag hihintay saamin sa labas ng mansion

Nauna ito at pinagbuksan ako ng pintuan ng backseat. Hindi ko sana tatanggapin pero pumasok nalang ako..

Bumukas ang kabilang pintuan sa backseat at pumasok na ang walang imik kong bodyguard

"Goodmorning mam"
"Goodmorning Martinez"
Bati ni kuya Alvin,

"What's good in the morning kuya Alvin,"
sagot ko dito, natawa lang ang aking driver at pinaandar ang sasakyan..

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, she was seating in crossed legs and arms while looking outside of the window.

Ok naman itong Martinez na ito pag tahimik ehh , wag lang magsalita at kumilos dahil napaka bastos at walang modo.

My BODYGuard FayeXYokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon