CHAPTER | 8

88 3 1
                                    

Yoko Pov.

"Ize, kamusta ang ating mga reports ok na ba?"
I ask my trustworthy secretary at kaibigan na nobya ng bestfriend ko na si Marissa.

"Don't worry Yoko prepared na yung mga papers na need mo para sa presentation later." Paninigurado nito saakin

Napangiti ako dito, maaasahan talga itong aking kaibigan. Kung wala ito sobrang malulubnok ako sa paper works ko dito sa company ng dad ko. Since kapag wala akong pasok sa school lang ako nagpupunta dito. Si Ize lang talaga ang aking napapakisuyuan at naiiwanan sa mga gawain na dapat ako ang gumagawa.

"Thanks, Ize,"
I said while checking the presentation again.

I was preparing meticulously dahil may Investor kami na darating mamaya, ito ay mula pa ng New York. Hindi naman ako natatakot na hindi mapaOO ito pero gusto ko na maipresent ko ng mabuti ang company na meron kami sa mga tao na makakaharap ko mamaya.

while checking the papers again, palihim akong napatingin sa bahagi ng office ko kung nasaan si Faye, Naka upo ito sa sofa sa area ng coffee set table ng office ng dad ko.. Tahimik na nag cecellphone.

Halos dalawang araw akong hindi masyadong naglalalabas. Hinayaan ko muna ung sarili nag magisip-isip matapos ung paghihiwalay namin ni Andrew. At sa mga araw na iyon hindi ko rin ito nakausap o nakita.. Pero kanina..

<Flashback>

Papalabas na ako sa aking kwarto nakita ko si faye na nakatayo sa open  space ng 2nd floor sa tabi ng hagdan pababa.

She just bowed at me and didn't say a word. Naka shades nanaman ito kaya hindi ko nanaman kita ang mata nito.

Tutuloy na sana ako pababa ng hablutin niya ang file case bag ko sa kamay ko..

Makikipag agawan sana ako dito pero nagulat ako sa sinabi nito.

"Stop being stubborn Yoko"

Nagulat ako dahil sa pag gamit nito ng pangalan ko... Pangalawang beses ko na itong narinig na ginamit ang pangalan ko sa ganitong toni ng boses and damn! It was so nice to here that..

Tinitigan ko ito ng masama

Aba! Matapos ang ilang araw na pagkawala nito akala mo kung sino maalalahanin kunwari.. Eh nakipag landian lang naman pag balik na pagbalik. Tse!

Magsasalita pa sana ako pero nauna na itong bumaba. Antipatika talaga!!!

<end of flashback>

Tumayo ako at nilikom ang mga papel na nasa desk ko para sa presentation mamaya. Ayokong malate lalo na sa meeting, mas maigi na mauna ako..

Naramdaman ko ang pag tayo ni Faye at susunod sana ito.

"It's ok, you can stay here"
Sabi ko rito na nakatingin sa magandang mukha nito na hindi ko parin makita ang mata.

Hindi ito umalis at nakipag titigan pa ito habang lumalakad papalapit saakin

"Martinez"
Sita ko dito, naiinis na ako. Nakita ko ang pag taas mg kilay nito na parang may gustong sabihin. Parang hindi nagustuhan nito ang paggamit ko ng apelyedo nanaman niya.

"didn't you hear me, Martinez?"
Tumigil ito sa harapan ko at pakiramdam ko tumatagos ang tingin nito sa kaluluwa ko.

"I'm just doing my job" Saad nito, na ubod ng lamig na attensyon. Tsaka ako nilampasan at binuksan ang pintuan na tila inaantay ako na lumabas.

My BODYGuard FayeXYokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon