Yoko's Pov
Usual na araw, walang pasok, ito ako ngayon pauwi na galing sa gimik naming magkakaibigan.. Hating gabi na pero hindi ako natatakot dahil kasama ko si kuya Alvin..
Ito ang Unusual naman sa araw ko dahil maghapon ko di nakita si faye. Ipinasuyo nga nito kay Kuya Alvin ang pag sama saakin sa Hangout place namin na club. Tinanong ko si Kuya Alvin kung bakit pero wala daw binigay na rason si Faye.
At naiirita naman ako dahil itanggi ko man o hindi, umasa ako na makakasama ito kaya nag ayos talaga ako at nag suot ng mejo sexy na damit para magpapansin saknya. Tapos wala rin naman pala ang magaling.
Pumasok ako sa malaki naming Sala at naramdaman ko ang bahagyang kilos sa kusina kaya lumakad ako para silipin ito.. Nakita ko si Nanang Tina na nagluto "late na siya magdinner?"
"Nanang? Ginabi po ata kayo ng kain?"
Tanong ko dito"Oh Hija! Kakauwi mo palang?"
"Opo Nanang"
Ngiti kong tugon, malapit na ito saakin dahil ito ang kasa ksama ko kapag ang Daddy at Mommy ay umaalis at naiiwan kami ng Kuya ko."Aba hindi ito para saakin, nilutuan ko ng lugaw yung iyong Bodyguard dahil di pa kumakain simula kanina"
Napa kunot ako ang noo
"Si Martinez po ba Nanang?"
"Ay, Ou~ sya nga, Pey ba pangalan nuon?"
Tumango ako dito at bahagyang natawa sa pagbigkas ng pangalan ni Faye.."Faye ho Nanang, bakit daw po di pa nakakakain?" Balik kong tanong.
"Ah.. Faye pala yun?~oh sya~ Ay ganito nga kasi, paano ba naman iyong batang yon. Aba'y masama na pala ang pakiramdam kagabi pa hindi manlang nagsasabi, kung hindi ko pa kinatok kanina at kinamusta di ko pa malalaman"
Nakaramdam ako ng pagaalala kay Faye
I was so stupid, sana tinanong ko manlang ito. Nilagnat siguro ito dahil nababad sa tubig kahapon.Kumuha si Nanang Tina ng mangkok at isinalin ang niluto nitong Lugaw, ipinatong nito sa tray kung asaan ang tubig ay gamot..
"Nanang ako nalang po mag dadala nito, I think ako ung rason ng pagkakasakit niya, nabasa kasi siya nung tumulong siyang maglinis saakin sa School kahapon"
Tinignan ako ni Nanang na nalilito"Ay ganun ba? Oh paano~ Hindi na kita sasamahan?"
"Kaya ko na po ito, pahinga na po kayo Nanang, pasensya na po at naabala pa kyo"
"Ay wala iyon Hija, oh sya sige at samahan lang kitang bitbitin ito sa itaas ikaw na ang magpasok sa kwarto niya."
Lumakad na kami pataas ng makarating na kami sa tapat ng pintuan iniwan na ako ni Nanang Tina at inilagay nalang nito ang mga ibang kailangan gaya ng plangganita at bimpo sa maliit na table sa harap ng kwarto ni Faye.
"Maiwan na kita ha"
"Salamat po Nanang, Good night po"
Nang makalayo na si Nanang Tina,
Dahan dahan kong binuksan ang kwarto ni Faye. Firstime kong makapasok dito at bumungan saakin ang amoy na musk na plagi kong naamoy kay Faye.Madilim ang paligid at tanging lampshade lang nito ang bukas.. Hinanap ng mata ko ang kama at nakita ko si Faye na nakatalikod saakin habang nakatalukbong ng kumot.
Nakaramdam ulit ako ng awa dito..
"Nanay Tina, iwan mo nalang po jaan sa table kakainin ko po yan mamaya" Sabi ni Faye sa nanghihinang boses.
Nilapag ko ang tray sa side table nito.
"Magaling ka naman palang magtagalog eh"
Sabi ko habang nakatayo sa tabi ng kama nito, agad itong humarap saakin at halata ang gulat sa mukha nito..
BINABASA MO ANG
My BODYGuard FayeXYoko
RomanceYoko Alejo Unica Hija at heredera ng Alejo Lahat nakukuha niya, lahat napapasunod maliba sa bodyguard niya na nuknukan ng sungit na si Faye Martinez. Kaya ba niyang mapasunod ito kung ang puso niya ay naging alipin na nito?