Leap into the unknown

14 5 0
                                    

"Mukhang dito na matatapos ang buhay ko" bulong ni folie sa sarili, ngunit biglang lumiwanag ang wrist ni kc, Sobrang liwanag na nagawang balutin ang madilim na paligid na nakakalisaw na ilaw at mula sa liwanag na iyon ay lumabas ang isang kakaibang relo sa kamay niya at kahit si kc mismo ay hindi makaniwala

"Ano iyan?!" Sigaw ni folie habang patuloy na parin silang nahuhulog sa kawalan na halos hindi marinig ni kc dahil sa lakas ng hanging sumasagupa sa kanila.

Halata sa mukha ni kc na wala siyang kaalam-alam kung ano ang relo pero parang inuudyok siyang pindutin ito at hindi siya nagdalawang isip na hampasin ng napakalakas ang relo.

Isang kakaibang enerhiya ang ipinakawalan ng relo at naglabas ito ng maliliit na piraso ng bagay na humulma sa ehre para maging isang mahiwagang bagay na mistulang skateboard na mabilis na napunta sa paa ni kc at agad ding humawak si folie dito.

Naglabas ito ng booster sa likuran at agad isang malakas na buga ng sumabog na enerhiya mula sa booster nito ay bumulusok sila ng napakalakas

"Ang angas nito pre wohooo!!" Malakas na andrenaline na sigaw ni kc na halos ma-tanggal ang panga nilang dalawa sa bilis nitong hatiin ang malakas na hangin na animoy matalas na sandatang humahati sa ipo-ipo.

Takang-taka si folie at hindi makapaniwala kung saan nangaling ang kakaibang gamit ni kc na ngayon niya ang nakita dahil nagbibigay ng out of this world na enerhiya.

Subalit na-antala ang kanilang saya ng napalingon sila sa ibaba at nasulyapan na papaakyat narin ang napakaraming crushipede mga uri ng centipede na may galamay at pansipit ng lobster sa harapan at pumispiswit ng agiw ang kanilang mga bibig, lalo silang kinilabutan ng makitang libo-libo itong mga halimaw ang papalapit para lapain sila.

Nagsabit lahat ng agiw ang mga ito para hulihin silang dalawa.

"Wala nabang mas ibilis ito" sigaw ni folie bago sila abutan ng agiw.

At kusang maliksing gumalaw ang hoverboard at mabilis na inilagan ang mga agiw ng mga halimaw na parang may tumutulong sa kanilang mag mani-obra.

"Papaano mo nagagawa yan" pagtataka ni folie.

"Hindi ko din alam ehh?" Litong-lito na sagot ni kc.

Nagpatuloy ang dalawa hangang sa umabot sila sa cliff na pinaghulugan sa kanila kanina, kitang-kita sila ng mga tao kasama narin si arzus at ang kanyang mga exalt.

"Imposible ito? Atakihin niyo na sila!" Utos ni arzus.

"Opo masusunod kamahalan" agad silang pinaulanan ng mahika ng mga forseer sa ibat-ibang parte ng kanilang pupuntahan, pero hindi parin sila tinamaan dahil parang may sariling utak ang board ni kc na automatic na iniilagan ang mga atake papalapit dito.

Kitang-kita sa mukha ni arzus ang pagkaaasar at ang pangigigil sabay biglang siyang naglabas ng maitim na robe na nababalutan ng malakas na kadilamang enerhiya, nag-anyong pagpak ang robe at mabilis siyang inilipad nito para habulin ang dalawa.

Binalutan ng robe ang boung paligid ng kadiliman at ang lahat ay mistulang nag slowmo sa bagal kaya mabilis niyang naabutan ang dalawa.

"Hangang diyan nalang kayo!"pagbawal nito sabay hinarang ang kamay niya sa dadaanan ng dalawa at may namoung napakalakas na bola ng kadiliman sa palad niya na kayang lumusaw sa boung paligid

"Hindi mo kami mapapigilan!" sigaw ni kc at lalong pinabilis ang board at naglabas ito ng napakalakas na rocket booster na tumulak ng sobrang bilis sa dalawa at bomuo ito ng sonic boom barrier na nagmistulang volt tackle ni pikachu.

"Kung ganun maglaho kayo sa kawalan!" Sabay pinakawalan ang dark matter sa kamay ni arzus at nagsalpukan ang dalawang atake na naglabas ng napakalas na pagsabog at hangin na tumulak palayo sa lahat ng mga nandoon at napuno ng usok ang paligid.

Fool's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon