Being into ruin

8 0 0
                                    

Pagdating nilang tatlo sa pinakadulo ng hukay na ginawa ng dark worshiper, nakita nilang halos limang tunnel ang pagpipilian para magpatuloy at tanaw sa lagusan ng mga tunnel na ito ang itsura ng mga d
Madadaanan, ang una ay merong napakaraming patak ng asido mula sa itaas na eevaporate ito pagdating sa lupa upang muling mapunta sa itaas na muling ibabagsak ang mga ito, ang kalawa ay may napakabahong amoy na parang nakakabaliw pag-napadami ang langhap mo dito, ang ikatlo ay nababalutan ng lava pinalilibutan nitl ang boung lagusan na animoy dagat-dagatang apoy, ang ikaapat ay may behemoth eater na natutulog, ang ikalima ay ilog na puno ng kidlat ng electric eal eater.

Napansin nilang may nakasulat sa pader ng dungeon at dahil napakadaming alitaptap sa paligid ay madali lang nila itong makita, subalit walang ideya si kc at folie kung paano basahin ang mga ito.

"Ang sinaunang wika naming leheva" bangit ni zan habang tinititigan ito.

"Kaya mo palang basahin yan zan? wow di na tayo mahihirapan nito, kanina pa ako napapakamot sa ulo ehh" sambit ni kc napangiti narin, ang akala niya ma-stuck na sila dito.

"Tanging mga taga leheva lang ang makakabasa nito" sabay lalong lumapit sa pader at sinimulan na ang pagbabasa "Mag-ingat isang malagim na kapangyariyan ang nag-aabang, ang mapunta ito sa maling kamay ay pagkawasak ng lahat, upang malaman ang inyong hangarin piliin sa limang pinto ang nag-iisang lagusan na tanging mapagkumbaba lamang ang makaka-alam" sabay hinanap ni zan ang katublong ng kasulatan at napansin niya ito sa pinaka-ilalim.

-akoy siyay lumikha at nagbigay

Nang makita niya ang mga katagang iyon pumasok sa isip ni zan ang mga taong mapagkumbaba sa siyudad nila at lahat sila ay may parehas na trabaho, dahil doon sigurado na si zan sa tunay na kasagutan.

Dahil iisa lang ang nilalang na nabou sa vulcan at binuo ang bayan na naging leheva.

"Dito sa pangatlong lagusan" sambit ni zan na medyo kinakabahang pumasok sa pangatlong tunnel sabay may kinuha sa bulsa at ini-abot ito kay kc at folie.

Isinawsaw ni zan ang dahon ng hervesa sa lava at hindi ito nalusaw bagkus lumaki ito at kayang sakyan ng isang tao, kaya tig-dalawang hervesa silang tatlo, ang isa ay para gawing balsa ang isa naman ay para gawing payong sa mga pumapatak na lava mula sa itaas.

"Wow ang galing naman nito!" bangit ni kc habang tinatahak nila ang mala-ilog na lava, sakto ang lake at gaan ng hervesa para masakyan at gawing payong.

Sobrang init ng paligid at ng hangin na akala moy nilulusaw nito pero sa tulong ng hervesa ay pinalalamig nito silang mga nakasakay, nagbibigay ito ng magaan na hanging nagpapakalma sa kanila at napagtanto nila na same ito ng malamig na feeling pag-kinain nila ang hervesa, nagiging malamig na menthol ang kanilang pang-amoy at pakiramdam.

Hangang sa malagpasan nila ang lava sabay paglabas nila sa tunnel ay tumambad sa kanila ang napakalaking lugar, sobrang laki nito na parang may dalawang higanteng sinlake ng building ang naglaban dito, ang mga pader nito ay nababalutan ng kakaibang letra.

"Isang god sealing room, para walang makapasok ng sapilitan dito" sambit ni zan dahil ang kuwartong ito ay hindi mabubuksan ng paghuhukay mula sa labas o kahit ano mang mahika "Ngunit para saan?" Bulong niya at sa kalagitnaan ng kuwarto ay may nakaluhod na kalansay na animoy humihingi ng pugay sa hari in a knighting way.

At sa likuran niya ay isang kakaibang bato na umiilaw at parang may kung anong enigma ang nakatago sa loob nito na nababalot ng misteryosong kapangyarihan.

"Mukhang nahanap na natin ang kayamanan" bangit ni zan at dahang-dahang lumapit dito na parang insektong nasilaw sa ilaw, sumunod naman si kc at folie sa likuran niya at paglapit nila sa gitna ay biglang tumayo ang kalansay.

Fool's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon