Leheva Kingdom

5 0 0
                                    

Sa pagmamadali ng lahat na simulan ang paghahanap sa Mhytical items, di maiwasang mapukaw ng kuryosidad si folie ng nagyelong katawan ng kawal ni prinsesa esgard. 

Lumapit siya dito para hawakan na parang wala siya sa sarili nakatulala at parang may napakalalim na iniisip at hindi na alintana ang paligid.

"Hoy bawal lumapit diyan!" bigla siyang pinigilan ng isa sa mga kawal.

Subalit sa paghawak lamang ni folie sa kawal na pumigil sa kanya ay bumugso sa kanyang isipan ang ala-ala na naranasan nito, dahil sa pag-andar ng misteryoso niyang kapangyarihan na kayang similip ng mga glimpses ng ala-ala, hindi niya alam kung paano niya na-activate ang kapangyarihang ito bagkus kusa lang itong gumagana.

Sa loob ng alaala ng kawal na ito ay naglalakbay sila kasama ni esgard.

Pagdating ng mga kawal sa isang malawak na canyon na tinatawag nilang canyon of the bravea, nabigla silang lahat sa nakitang halos nawala ang maalamat na canyon at isang dambuhalang butas nalang ang pumalit dito na animoy kinain nito ang boung parte ng napakalawak na canyon ng parang isang black hole ang may kagagawan nito.

Ang napakalakas na pinsala ay nag-iwan ng napakalalim na hukay sa canyon na halos walang katapusang lalim na nababalutan ng kadiliman.

Agad inutos ng prinsesa na bumaba silang lahat at sa pangunguna niya ay parang may naramdaman silang kakaiba, subalit bago pa nila magawa iyon malaman ay may bumagsak na sa harapan nila na parang bulalakaw.

Nang mawala ang usok sa pinag-landingan nito ay lumabas ang isang nilalang na nababalutan ng napakalakas na enerhiya ng kadiliman may nakakatakot itong pakpak ng paniki at hindi mo maaninag ang mukha natatakman ng kadiliman.

Agad nagbigay ng wasiwas ang nilalang na ito ng kakaiba niyong armas na isang gitarang may blade sa dalawang gilid na animoy axe ay nalusaw ang parte ng katawan ng mga kawal na tinamaan ng enerhiya nito na parang matatalim na hangin ng kadiliman.

Walang pagsasayang ng oras na inatake siya ng princesa at nagawa niyang mapuruhan ito gamit ang maalamat na espadang si savior subalit lalong lumakas ang enerhiya ng misteryosong nilalang at kumalat ang kahindik-hindik na enerhiya nitong kulay itim na lila na nag-anyong sungay at lalong lumaki ang pakpak nito at nagkaroon ng claws na animoy pakpak na ng dragon at  nagsaboy ito ng matatalim na balahibo sa paligid at tumarak sa mga tauhan ni esgard.

Ang iba sa mga tauhan ay nagawang malabanan ang pagkalat ng kadilaman sa kanilang katawan at naalis ang balahibo nito pero ang iba naman ay nilamon nito at parang wala sa sariling nilusob si esgard, sinubukan niyang pigilan ang mga tauhan na nawala sa katinuan at pilit siyang pinagtutulungan, subalit kahit ilang beses niyang napatumba ang mga itk ay parang zombie na muli paring tatayo para atakihin muli siya na mas lalong bumabangis kada minuto.

Ngumiti lang ang mala-demonyong nilalang na parang nang-aasar at sabay lumipad ng napakabilis papalayo.

Habang sinusubukan siyang habulin ng prinsesa ngunit hindi siya makaalis sa mga sandamakmak na umaatake sa kanya, kaya nakatakas ng walang kahirap-hirap ang misteryosong demonyo.

Mga ilang minuto ay nagawa ni esgard patigilan ang mga tauhan na nakontrol ng kadiliman gamit ang pag seal sa mga ito.

At walang pagdadalawang isip na nag cast si esgard ng napakalakas na apoy na bumalot sa napakaking butas sa canyon para sirain ang barrier ng kadiliman na bumabalot dito, inubos ng prinsesa ang buo niyang mahika para masindihin at makagawa ng nangangalit na liyab na kayang balutin ang napakalaking butas.

Sa kabutihang palad ay hindi siya nawawalan ng malay sa pagkawalan ng enerhiya dahil sa sobrang lakas ng mahika na pinakawalan niya na kayang sumira ng isang kingdom dagil ito sa tulong ng mga halos isang daang mages sa likuran niya at pinapasahan siya ng enerhiya sa kanyang likuran.

Fool's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon