One

642 30 24
                                    

A/N: This is one of my self-published book that was supposed to be, originally, for Wattpad, pero ni-self-pub na lang namin. This book is three years old today so I decided to share this abridged version. Let's do the once a week update again. Sana po mapanindigan ko.

I hope you enjoy reading this book as much as I enjoyed writing it!

The complete but unedited version is available in my Ko-fi. Link is in my profile if you want to support my work.

The complete, edited version is available in PDF format from Elisean Books. Link to purchase is in my profile.

---

“AYOKO NGA SA ‘YO!” sabi ni Ate Noë, first and forever crush, and first at malamang ay forever ko na ring love. Pero hindi naman niya sa ‘kin ‘yun sinabi, buti na lang. Hindi naman niya alam kung ano ‘yung nararamdaman ko para sa kanya kaya walang dahilan para i-reject niya ako nang gan’un. Isa pa, kakapasok ko lang sa kusina kung saan sila nag-me-merienda ni Ate Karina kaya imposible na ako ang kausap niya.

“Bakit?” tanong ni Ate Ina na natatawa. 

“Kasi ang iksi ng pasensya mo kapag hindi makasabay agad ‘yung tinuturuan mo!” sagot ni Ate Noë. “Kaya ka nga hindi puwedeng peer tutor eh! Masungit ka!” 

“I’m not that bad!” depense ni Ate Karina sa sarili niya. 

“Oh yeah? Kaya ba pinaiyak mo si Brittany So?”

Umikot ang mga mata ng ate ko, and at that moment, kitang-kita ko si Mommy sa kanya. Hindi lang dahil kamukhang-kamuha niya ang nanay namin pero ‘yung expression at ‘yung attitude? Parehong-pareho eh. 

“Ano ba? That was years ako! At hindi ko kasalanan na umiyak siya,” mataray na sabi ni Ate Karina. “First off, I was trying to teach her fractions, Noë. Fractions! Kung ibinaba muna niya ‘yung phone niya at tumigil siya sa pakikipaglampungan d’un sa boyfriend niyang manloloko, di naintindihan sana niya how fractions work.” 

Umiling si Ate Noë pero halata naman ‘yung pagka-aliw sa mukha niya n’ung abutin niya ‘yung bote niya ng paborito raspberry-flavored iced tea. “I still think sinadya mo ‘yun.” 

“Of course, I did!” amin ni Ate Ina na halatang hindi pinagsisisihan ang ginawa niya sa kawawang Brittany So, kung sino man ‘yun. “Aside from teaching her math, I was also trying to save her from her asshat boyfriend.” 

“Well, ayoko lalong magpa-tutor sa ‘yo kung pati love life ko eh papakialaman mo. Oh, hi, Kev!” 

Napahinto ako sa pa-stealth walk ko sana papunta sa ref. 

“Hi, Ate,” I mumbled. 

Hindi ko siya matingnan nang diretso kasi mahiyain ako eh. Kaya itinuon ko na lang ‘yung mga mata ko sa laman ng refrigerator kahit pa kukuha lang dapat ako ng tubig. 

Gusto mong malaman kung gaano katagal na akong in love with Ate Noë? Well, my whole life minus two and a half years lang naman. I’m fifteen now. 

Hindi ko alam kung alam niyang may feelings ako para sa kanya. Pinilit ko kasing itago ‘yung nararamdaman ko kasi una, mas matanda siya sa ‘kin. Yeah, it was a little more than two years pero kapag teenagers pa kayo, malaking bagay ‘yung gan’ung age difference. Ikalawa, best friend siya ng ate ko. Protective ‘yun sa best friend niya. Di na baleng baby brother niya ako at dapat na sa ‘kin siya kampi, tatanggalin n’un lahat ng puwede niyang tanggalin sa katawan ko kapag malaman niyang hindi lang basta crush ang nararamdaman ko para kay Noë. Kay Ate Noë. Buti na ‘yung ligtas ang mga dapat ligtas. May ilang body parts pa akong di nagagamit na gusto ko pang magamit. 

A Moondrop DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon