PAGKATAPOS n’un, nagdatingan na ang karamihan sa mga bisita ni Ate Ina. Pinalitan na rin nila ang mga ilaw sa loob. Pinatay na nila ang house lights. Ilang spotlights na lang ang bukas at ‘yung mga ilaw na may effects na parang mga bituin sa kisame ng club at ‘yung parang crescent moon sa stage. Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa nila pero parang puno ng glitter ang dark blue na backdrop doon kaya mukhang night sky.
Five minutes bago mag six PM, inabutan kami ng servers ng mga champagne flutes na may sparkling non-alcoholic wine/juice, ‘tapos nagsalita na ang emcee para i-welcome ang mga bisita ni Ate Ina.
Inalalayan ko si Noë na tumayo na para sa grand entrance ni Ate. Sa tabi ko, buhat-buhat ni Tita Mere si Mace na sinusubukang abutin ang champagne flute na hawak ni Tita para tikman ang “milk” na laman n’un.
Tumawa si Tita Mere at hinalikan sa ilong si Mace saka dinistract ang anak niya sa pamamagitan ng pagturo sa stage kung nasaan ang papa niya.
Ipinakilala ng emcee sina Tito Ash at Tito Lex na pinalakpakan namin. Kumaway sila sa mga bisita, saka tumango si Tito Ash kay Tito Marlon.
Pagkatapos n’un, nagsimula nang tumugtog ang piano music, at nagsimulang kumanta si Tito Ash.
It was a ballad, never before released, na alam kong isinulat nina Tito Ash at Tito Lester, at na sina Tito Marlon at Tito Ron ang nag-arrange. It was a song specifically written for Ate Ina for her birthday.
And Tito Ash and Tito Lex were lead vocals.
Then spotlights flared up to focus on the balcony. Naghiwalay ang kurtina sa pinakagitnang private booth at lumabas si Ate Ina sa gitna ng mga “aww” at palakpak ng mga bisita.
Mukha siyang prinsesa, except she wasn’t in a poofy pastel, Cinderella gown.
She wore a bronze-colored gown that wrapped around her lithe body. It had thin straps on her shoulders and a high slit up one leg. She wore matching strappy sandals on her feet that made her taller than our dad who was standing beside her, looking both proud and teary-eyed at the same time.
Tumawa si Ate Ina nang magpunas si Dad ng mga luha kahit pa parang basa rin naman na sa luha ang mga mata niya. Nagsimula silang maglakad papunta sa hagdanan.
They made it down the stairs, and Noë leaned closer to me.
“She’s so beautiful,” she sighed dreamily. “And I’m glad that we used that waterproof mascara because despite what she said, I knew she was going to cry.”
Tumungo ako at halos mabaon ang ilong ko sa mabango niyang buhok. “Dapat pati si Dad ginamitan n’yo ng waterproof mascara.”
Bumungisngis siya. “I don’t think that would help Tito Tommy. Isipin mo na lang kapag kasal na ni Ina. Kailangan natin ng kapote at rain boots sa simbahan.”
Pinanood naming umakyat ng stage ang daddy at ang ate ko habang kumakanta sina Tito Ash at Tito Lex.
Ang ganda ng mga boses nila. But then again, maganda naman ang mga boses ng mga Montesines. Singer naman talaga ang karamihan sa amin pero idol ko sina Tito Ash pagdating sa kantahan.
Alam mo bang minsang kinanta ni Tito Ash ‘yung Chandelier ni Sia na hindi siya pumiyok o nasintunado? Saan ka pa?
Nang matapos ang kanta at niyakap na ng mga tito namin si Ate Ina at inabutan na ni Tito Lex ng panyo ang tatay namin para pamunas ng mga luha, inaya na kami ng emcee na itaas ang mga champagne flutes namin at kantahan si Ate Ina ng “Happy Birthday”.
BINABASA MO ANG
A Moondrop Date
Teen FictionON GOING ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED I've been in love with Arsinoe Nefertari Pronstroller since I was three. Siya ang first at alam kong forever ko nang love. Pero may mga hadlang sa future relasyon namin, namely: 1) mas mas matand...