Eight

247 20 2
                                    

“HI!” bati sa ‘kin ni Noë nang salubungin niya ako sa labas ng gate nila. 

“Hi, Ate,” sabi ko na may mahiyaing ngiti. Bigla kasi akong nahiya din talaga, saka nag-isip kung ano ‘tong ginagawa ko. 

Makikitulog talaga ako sa kanila, sa bahay ng love of my life… na bagong break na best friend ng ate ko. Sabi nga sa Facebook, “It’s Complicated”.

Pero nakalimutan ko naman ‘yun agad n’ung nakita ko ‘yung ngiti ni Noë. 

Mukhang masaya naman siya na nand’un ako. Hindi naman siya mukhang naiinis o na napipilitan lang na i-entertain ang baby brother ng best friend niya. 

Nakipag-agawan pa siya sa ‘kin sa backpack ko pero nagmatigas ako na hindi ‘yun ibigay sa kanya. 

“Ako na, Ate! Pero ‘eto na ‘yung dalhin mo,” sabi ko sabay abot ng dala kong tub ng ice cream.

“Hey! Wow! Thanks!” sabi niya. ‘Tapos ay kumaway na siya kay Manong Aris bago bumusina si manong at nagmaneho na paalis. 

“’Lika na,” aya ni Noë. “Pasok ka. How did training go?”

Noon na lumaki ulit ‘yung ngisi ko. “Okay lang. I had a great time. Natalo ko si Kei.” 

Bumungisngis si Noë. “Do you always compete with each other?” 

Nagkibit-balikat ako na nakangiti pa rin. “We compete with everyone.” 

“Kevin!” tawag ng mommy ni Noë nang makapasok kami. Pababa siya ng hagdan nang pumasok kami at sa ‘min na siya dumiretso. 

“Good afternoon po, Tita,” bati ko na humahalik sa pisngi niya. 

Inakbayan niya ako. “Ang tangkad-tangkad mo na!” puna niya na tinitingala pa ako. “How have you been?”

“Okay lang po, Tita Irene. Thank you po for having me.” 

Pabiro niyang hinampas ang braso ko. “Naku, thank you for coming. Wala nang ibang sinabi ang Tito Ross mo mula kanina kundi itong bonding session n’yo. He’s really excited.”

“Naku, Mom, si Kevin din po,” natatawang sabi ni Noë at nilingon ko siya. Ewan ko kung bakit pero para kasing biro ‘yun ng babae  tungkol sa boyfriend niya. 

O ilusyonado lang talaga ako. 

“Hindi nga ako imbitado sa date nila eh!” nakalabi pang dagdag ni Noë. 

Tumawa rin si Tita Irene. “Parang ayaw nga rin akong isama ng daddy mo! Tutulugan ko lang daw siya mamaya.” 

“O, eh totoo naman!” biro ni Tito Ross na papalabas na ng study niya. 

“Good afternoon po, Tito!” bati ko. 

“Good afternoon!” sagot ni Tito na tumitigil sa tabi ni Tita Irene bago niya ito inakbayan. “Sabi ko dito kay Tita mo na huwag na tayong samahan kasi mamaya ma-istorbo lang tayo ng hilik niya.”

Siniko ni Tita si Tito Ross sa tagiliran. “I do not snore!” 

Ngumiti lang si Tito, ‘yung ngiti na makikita mo lang sa mga lalaking in love na in love sa nginingitian nila. “But you will fall asleep.” Binalingan ako ulit ni Tito. “Anyway, gusto mo na bang simulan ‘yung isang docu, Kevin?”

“NO!!!” sabay na sigaw nina Tita Irene at ni Noë bago pa ako makapayag. Hinila ni Tita ang braso ni Tito Ross kasabay ng paghatak ni Noë sa braso ko. “Hayaan mo muna magpahinga si Kevin, ano ka ba?” tawa ni Tita. “Noë, go show him where he’d sleep first. ‘Tapos ilayo mo muna siya kay Dad hanggang makakain tayo ng dinner ano?” Asawa naman niya ang hinarap niya. “Then you can go and watch your documentaries.” 

A Moondrop DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon