Twelve

219 15 1
                                    

HINDI NA sumama sila Mommy sa paghatid sa 'min para na rin dumiretso na sa pag-uwi si Manong Aris. Dumaan muna kami kina Tito Ash sa BGC para kunin 'yung susi ng condo at para sa last minute bilin ("You can buy groceries para hindi na ninyo kailangang sa labas pa kumain" mula kay Tita Mere habang inaabutan ako ng isang malaking bag na puno ng snacks para sa biyahe, at "mag-uwi ka ng ube jam!" mula kay Tito Ash na nagpuslit ng isang bag ng Lay's mula sa bag na bigay ni Tita Mere) bago namin sinundo si Noë sa kanila.

Kasama niya ang parents niya na naghihintay sa 'min sa gate, at todo bilin din sila sa 'min bago kami makasakay ulit sa SUV.

("Mag-lock kayo ng bahay d'un ah!" mula kay Tita Irene na inaabutan si Noë ng isang malaking bag na mukhang puno rin ng snacks, at "mag-uwi kayo ng ube jam!" mula kay Tito Ross na pumupuslit ng isang chocolate chip cookie mula sa lalagyan na nasa ibabaw ng mga laman ng bag.)

Hinalikan kami pareho ni Tita Irene sa pisngi, saka sila bumalik ni Tito sa gate nila at kumaway sa 'min bago nagsimulang magmaneho palayo sa bahay nila si Manong Aris.

Nilingon ko si Noë nang marinig ko siyang bumungisngis at ngumisi siya sa 'kin saka masaya pang pumalakpak.

"Sorry! Super excited lang ako," sabi niya. "Out of all of my awesome ideas, this is the most awesome. Di ba? Di ba? Tell me this is awesome," pangungulit niya na may kurot pa sa braso ko.

Hindi ko na napigilan 'yung ngiti. Ang cute-cute kasi talaga niyang baby.

"Yeah, this is awesome."

You're awesome.

"I made a list," sabi niya at inilabas ang phone niya para i-check 'yung list app niya. "Pagdating natin ng Baguio, pumunta muna tayo sa condo ni Tita Mere para iwan 'yung mga gamit natin, 'tapos saka na tayo lumabas para bumili ng groceries." Sinulyapan niya ako. "May alam ka bang lutuin?"

"Instant pancit canton?"

Naningkit siya. "Aside from that."

Napangiti ako. "Breakfast. Expert akong magprito ng breakfast food."

"Okay." Tumungo siya ulit sa phone niya. "Puwede tayong bumili ng mga lulutuin pang-breakfast. I can cook pasta so that solves a few more meals. 'Tapos madali namang kumain sa labas since I checked the location of Tita Mere's place. May convenience store d'un and a few restaurants sa malapit."

"Saka madali lang namang mag-commute d'un," dagdag ko. "Madali lang pumunta kahit saan."

"Yeah, oo nga."

Gusto ko sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala pero alam ko rin naman na mas secure siya at mas masaya kapag maayos niya 'yung listahan niya. Di na bale kung masunod niya ang mga nand'un o hindi, basta maayos muna niya 'yun bago siya kikilos.

"I want to eat out para sa first meal natin though." Idinikit niya 'yung isang kanto ng phone niya sa labi niya saka ako tiningnan. "Mag-lunch na lang muna tayo sa labas, pasyal-pasyal, saka tayo mag-grocery bago tayo umuwi? Para hindi natin dala 'yung pinamili natin."

"Okay," sabi ko lang ulit. Wala naman akong reklamo kahit ano pa 'yung gusto niyang gawin.

By the time nakarating kami ng bus station sa Cubao, naplano na ni Noë bawat minuto ng four days at three nights namin sa Baguio.

Tinulungan pa kami ni Manong Aris na ibaba ang mga bag namin. Tig-isang duffel bag at backpack lang naman kami kaya lang may dala rin kaming tig-isang higanteng eco bag ng pagkain. Parang pang-field trip lang.

"Ingat kayo d'un," sabi ni Manong Aris nang iabot niya sa 'kin ang backpack ko.

"Sa susunod po, magpapasuyo kami magpahatid, Manong Aris," biro ni Noë.

A Moondrop DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon