PAGDATING namin ng bahay kagabi, nag-text ako agad kay Noë. Wala lang. Sinabi ko lang na naka-uwi na kami, na thank you because I had a great time, at na proud ako sa kanya kasi mas confident na siya ngayon pagdating sa Calculus.
Siniguro ko naman na Ate Noë ang tawag ko sa kanya kasi mamaya ‘yung bakulaw ang makabasa n’ung text. Magdududa ‘yun kung bakit hindi ko siya ina-ate sa text.
Nakatulog ako at nagising na kinabukasan, wala pa rin siyang reply. Pinilit kong pigilan ‘yung disappointment pero alam mo ‘yun? Sa likod ng isip ko, hindi ko maalis ‘yung mga emosyon ko dahil lang hindi siya nag-reply.
Naligo ako at nagbihis ng pang-alis, saka ko inayos ‘yung carrier ko ng bow ko. Binilang ko rin kung kumpleto ‘yung mga arrows, saka ko isinara ‘yung zipper ng duffel bag at binuhat na ‘yun.
Nag-vibrate ‘yung telepono ko na nasa kama. Nagmadali akong kunin ‘yun at napangiti ako nang makita kong text galing kay Noë ‘yung pumasok.
Noë: Hi, Kev! Sorry! Nakatulog ako kagabi then nagbiyahe na kami kanina. Kakarating lang namin dito kina Lola! I had an awesome time din last night! Thank you for dinner. Next time talaga ako naman ang taya ah.
Next time. Next time talaga.
Nag-type ako ng reply.
Kevin: Hi, Ate! No problem. Sige, next time ah.
‘Tapos may bigla akong naisip.
Kevin: Nga pala. Kumusta kayo ni D? Sana hindi ka niya inaway kagabi.
Noë: INAWAY AKO! HAHAHA Pumunta siya sa bahay. Nag-usap naman na kami.
Kevin: Are you okay?
Noë: Yeah. I’m okay.
Kevin: Nag-selos siya sa ‘kin?
Noë: Haha yeah. Pero hayaan mo lang ‘yun. Wala naman tayong ginawang masama. Saka ‘yun nga. Hindi kasi nakikinig n’ung sinabihan kong lalabas tayo. It’s not your fault.
Alam mo, medyo nakunsensya pa rin ako. Medyo lang. Kahit wala akong balak na agawin siya kay Mon at kahit inosente sa kanya ‘yung paglabas namin kagabi, naisip kong… lumabas pa rin kami. Kung ako ‘yung nasa katayuan ni Mon, papayag ba akong lumabas siya kasama ng ibang lalaki?
Hmm.
Pakiramdam ko, magseselos ako pero hindi ko naman siya puwedeng i-control. Ano ‘yun? Bawal siyang lumabas kasama ng iba niyang mga kaibigan? Lalo na kung ‘yung kaibigan na ‘yun eh mas batang kapatid ng best friend niya? Hindi naman siguro ako ma-te-threaten kung ako ‘yung boyfriend niya di ba?
It’s not your fault either, reply ko.
Noë: It’s okay. We talked about it. We’re okay.
Noë: Anyway, I already bought the Hitchhiker’s Guide audiobooks for you! Download mo na lang ah. I really hope you enjoy them.
Nagulat ako na natuwa.
Kevin: WHAT?! Wow! You didn’t have to! Pero thanks, Ate! I’m going to listen to them right away.
Noë: You’re welcome! Tell me your favorite parts!
Kevin: I will. Thanks ulit!
Noë: You’re welcome!
Kevin: Enjoy your time with your family.
Noë: I will. Ingat sa training! Don’t hurt yourself haha
Kevin: Haha I won’t!
BINABASA MO ANG
A Moondrop Date
Novela JuvenilON GOING ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED I've been in love with Arsinoe Nefertari Pronstroller since I was three. Siya ang first at alam kong forever ko nang love. Pero may mga hadlang sa future relasyon namin, namely: 1) mas mas matand...