Seven

230 14 0
                                    

“‘ETO ‘YUNG Zara na ‘yun,” gigil na gigil na sabi ni Noë habang nasa kotse kaming dalawa kinabukasan. Magkatabi kaming naka-upo sa backseat at iniabot niya sa ‘kin ang phone niya kung saan may picture ng isang matangkad na babaeng nakasuot ng pulang 2-piece bikini at naka-pose na parang model sa beach. 

“Paano mo nasiguro?” tanong ko matapos ang isang mabilis na sulyap. 

Maganda naman ‘yung babae at maganda ang katawan, objectively speaking, pero hindi ako interesado. Iba ang type ko. 

“Una ko ‘yang napansin n’ung ni-like niya ‘yung isang post ni Dylan eh. Naging friends sila after ng boys only weekend ng barkada niya sa Zambales. Hindi ko pa pinansin noon kasi tanga pa ako.” She snorted. “Kanina ko lang ni-stalk ‘yung profile niya. Ang dami niyang posts about a mystery boyfriend at may pictures siya na kita lang ‘yung kamay n’ung lalaki. I checked them against Dylan’s posts, and yeah, leche. They were at the same places on the same dates. A lot of them eh nangyari pagkatapos niya akong ihatid sa bahay o kaya bago niya ako sunduin.” 

“Shit. I’m so sorry.”

“Yeah, well,” mariin niyang saad na matalas ang mga mata. “Binilang ko na rin para alam ko kung ilang beses akong ginago ni Dylan kasama ang babaeng ‘yan.” 

“Ano’ng gagawin mo ngayon?” 

“You mean aside sa pagpapakulam sa kanilang dalawa?” 

Napangiti na ako. “Yeah, aside from that.” 

She shrugged. “Tungkol sa kanila? Wala. Ano’ng gagawin ko? Susubukan kong bawiin si Dylan? Huwag na ‘no! Sa kanya na ‘yung gagong ‘yun. Hindi ko kailangan ng cheater. Now, if you’re asking what I’d do for myself, mag-mo-move on ako. That’s what I’m going to do.”

Kailangan mo ng tulong? 

Iba yata ang interpretation niya sa kung paano ako tumingin sa kanya kaya sinimangutan niya ako. 

“Bakit? Di ka naniniwala?” hamon niya habang pinandidilatan ako.  

Nagtaas ako ng mga kamay at nagpigil ng tawa. “Hindi!”

“Hindi?!” sigaw niya.

“No! Naniniwala ako!” tawa ko na kasi sinundot niya ako sa tagiliran. “Naniniwala ako! And I think that’s the best thing you can do for yourself, ‘yung mag-move on.”

She gave me a determined look. “’Yun talaga ang gagawin ko ano,” sabi niya ‘tapos natahimik siya saka bumuntong-hininga. “Fine. I know madalas sabihin ‘yun ng mga newly single pero mayamaya, makikipagbalikan naman. It’s just…” 

Nilingon ako ni Noë and her eyes were sad. “It’s not worth it, you know? Hindi ko alam kung paano at bakit nakikipagbalikan sa taong nanloko sa kanila ang mga babae… or, yeah, mga lalaki na rin. They were betrayed in this deep, fundamental way but they’re willing to trust in the same person again. Hindi ko yata kaya.” 

Muli siyang nagkibit-balikat. “Maybe if the other person is worth it? Maybe they love the other person enough? Pero si Dylan? What we have… had, I don’t think it’s worth going through the effort of rebuilding the trust he broke. Near the end of the relationship, I was already thinking of giving up. So bakit ko pa susubukang ayusin? This just gives me an easier way out.” 

“Easier?” tahimik kong tanong. 

Mahina siyang tumawa. “Oo. Wala nang usap-usap. Mas mahirap pa ‘yun eh, ‘yung uungkatin pa namin where we went wrong o kung puwede pa naming ayusin. Alam niyang dealbreaker sa ‘kin ang cheating so tapos na agad ang usapan.” 

A Moondrop DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon