Three

228 14 0
                                    

MAY QUIZ ako bukas kaya para magkaroon ako ng pagkakataong makapag-aral, binigyan ko ng ilang math problems si Noë para i-solve sa loob ng thirty minutes. At least may kalahating oras ako para magbasa. Hindi ko alam kung paano ako nakaka-concentrate, eh tuwing humihinga ako, naaamoy ko ‘yung cologne niya. 

N’ung nagsimula na akong mag-imagine na nakasubsob ako sa gilid ng leeg niya at sinisinghot-singhot siya, ipinilig ko ang ulo ko. Noon ko napansin na hawak niya ‘yung phone niya na nakatutok sa ‘kin.

Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakapangalumbaba sa mesa, nakatingin sa kanya, saka ako kumurap-kurap. 

Bumungisngis siya saka inihinto ang pag-re-record sa ‘kin at ibinaba ang telepono niya. 

“Ang seryoso mo eh,” biro niya. “Kanina pa kita kinukuhanan ng pictures, ngayon mo lang napansin.” 

Mahina akong tumawa. “Sorry. May quiz kasi ako bukas.” Sumenyas ako sa papel sa harapan niya. “‘Tapos mo na ‘yung problems?”

“Yup.” Itinulak niya palapit sa ‘kin ‘yung papel. “Pero hindi ko alam kung tama ah.”

Alam ko naman na ‘yung sagot sa pinagawa ko sa kanya. Mali ‘yung sagot niya sa unang problem kaya pina-explain ko sa kanya ‘yung solution niya. Siya na ‘yung nakapansin na mali ang sagot niya. Tumawa siya—at patago akong bumuntong-hininga sa pagka-lovesick—‘tapos inayos ang solution niya. 

Tama naman ‘yung sagot niya sa second at third problems pero pina-explain ko pa rin sa kanya. Hindi ‘yun para marinig ko kung gaano ka-sweet ‘yung boses niya ah, o para matitigan ko siya habang nakatungo siya sa papel niya, pero para na rin maging mas malinaw sa kanya ‘yung proseso kung paano niya nararating ‘yung mga sagot niya. 

Tumango ako nang maipaliwanag niya sa ‘kin nang tama ‘yung solution. “Good. Tama.”

“Can I have one more?” tanong niya na may nag-aalangan na ngiti. “Pambawi d’un sa mali kong sagot sa una.”

“Ah. Sure.” 

Naghanap ako saglit ng simpleng problem online saka ko pinasolve ‘yung nakita ko sa kanya. Sinubukan ko ulit magbasa ng notes ko pero alam ko naman nang niloloko ko lang ang sarili ko. 

Patago ko na lang pinanood si Noë. 

Naka-uniform pa rin siya, maayos ang pagkaka-ponytail ng buhok, fresh ang itsura na para bang papasok pa lang siya sa school imbes na kanina pa kami naka-uwi. She was biting her lower lip as she used a pencil to write down her solution on the piece of paper. Kunot ang noo niya sa tindi ng concentration niya. 

I wonder if she knew how she looked like while studying, or if she even knew at all how beautiful she is. 

“There!” 

Nagulat pa ako n’ung sumigaw siya. Itinulak niya ulit ‘yung papel sa harapan ko. 

“Wait. Explain ko na.” 

Pinilit kong intindihin ‘yung sinasabi niya pero ang totoo, pinakinggan ko lang ‘yung boses niya. Tama naman kasi ‘yung sagot niya. 

“Yup,” sabi ko. “Tama! Good job!”

“Yay!” Pumalakpak pa siya saka hinila ulit papunta sa kanya ‘yung papel niya. “Sana umabot hanggang bukas ‘yung information. Kahit hanggang sa matapos lang ‘yung quiz namin.” 

Ako naman ang natawa. “Kaya ‘yan. Alam mo naman na eh. Hindi ko na nga kailangang masyadong i-explain sa ‘yo kanina.”

“Eh kinakabahan pa rin ako. Hindi kita kasama bukas. Baka malimutan ko lahat.” 

A Moondrop DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon