Chapter 1: Chendra’s introduction
CHENDRA VERONNA A. CHAVEZ’s POV
INILAPAG ni Mommy ang punpon ng bulaklak sa lapida ng daddy ko. Pagkatapos niyang tanggalin ang mga dahon sa ibabaw nito at malinaw ulit naming nabasa ang pangalan ng lalaking nagbigay rin sa amin ng buhay.
Cheldon V. Chavez
Born on September 13, 1978
Died on September 13, 2017“Pitong taon na naman ang nakalipas, mahal ko. Nandito na naman kami ng mga anak mo,” pagsisimulang saad ng aking ina at sinulyapan pa niya kami ni Chendro, na nakatayo lamang sa likod niya.
Ang nag-iisa kong nakababatang kapatid na first year college pa lamang at pareho kaming sumunod sa yapak ng aming namayapang ama na si Cheldon Chavez. Pumasok din siya sa Horizon Academy na hindi rin basta-basta nakapapasok ang mga taong walang lakas nang loob at kung hindi rin matalino.
Sa academy na iyon ay balewala ang mga mayayamang tao. Kailangan na may skills ka at pasok ka sa standard nila bilang isang estudyante nila. Karamihan doon ay mga batang mahihirap na nagkakaroon ng scholarship.
Alam mo iyong nakatatawa?
Kung sino pa ang masipag mag-aral at matalino ay sila pang mga bata na hindi kayang pag-aralin ng mga magulang nila. But I can’t judge the others. Mayroon din naman kasi na anak mayaman at talagang matatalino rin. Sa academy ring iyon ay hindi uso ang inggitan. Mas nanaig ang friendship. Hindi magulo.
Inangkla ko ang kamay ko sa kaliwang braso ng kapatid ko at pinapanood lang namin si mommy na tila kinakausap si daddy.
“Parang wala pa ring pinagbago ang 7th anniversary ng daddy,” sabi ko. Kasi tila sariwa pa rin ang mga alaala nang huli namin siyang makita at noong hinatid na siya sa huling hantungan.
Ganito pa rin ang pakiramdam. Masakit na parang nadudurog pa rin ang puso ko. Sumisikip din ang aking dibdib.
Kaming tatlo lang ang naiwan nang araw na iyon, pagkatapos ilibing si daddy. Umuulan pa nang malakas, na sumasabay iyon sa paghihinagpis at lagluluksa naming mag-iina.
16 years old pa lamang ako at that time at si Chendro naman ay 13 pa siya. Napakabata pa namin noong namatay si daddy at isa siya sa inspirasyon namin pero binawi agad siya sa amin ni Lord.
Gayunpaman, hindi naman siya nagkulang sa amin. Kasi noong nabubuhay pa siya ay marami siyang naituro sa aming magkapatid. Na kahit din abala siya sa trabaho niya ay mayroon pa rin siyang oras para sa amin.
Dating namumuno sa isang malaking security agency ang daddy namin. Kung saan na galing din sa kaniya ang mahuhusay na bodyguards.
Mabuting tao si dad pero dahil sa isang trahedya ay nasangkot siya. Alam namin na inosente lang siya at na-frame up ng mga taong nais siyang ibagsak at nangangako ako na hahanapin ko ang mga taong iyon. Pagbabayarin ko sila sa kasalanan nila sa aking ama.
Kahit sariling mga kamay ko pa— Napahinto ako nang maalala ko ang sinabi noon ni daddy.
“Always remember that, Chendra. Ang paghihiganti ay isa ring makasalanan. Hindi mo makukuha ang hustisya kung ang mga kamay mo ang maniningil. Dadanak lalo ang dugo at hindi matatapos ang labanan. Hayaan mo ang batas na gumawa ng trabaho nila, anak.”
Napabuntong-hininga ako. “Are you alright, Ate?” Chendro asked me. Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinila ko na siya paupo sa tabi ng mommy namin.
“Hi, Dad. Kumusta ka naman diyan? Huwag kang mag-alala sa amin, dahil maayos po ang lagay namin,” sabi ko at hinawakan ni mommy ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Veiled Motives | Lies Between Lines Series #3 (SLOW UPDATE)
RomanceWGG 2ND ANNIVERSARY COLLABORATION Genre: Office Romance x Secret Identity Chendra Veronna A. Chavez, she's a personal ladyguard of Elvis Vladimir Amadeus. The CEO of Amadeus Real Estate Company and engaged-to-be-married. Isang pinagbabawal ang mag...