Chapter 5: Living his condo
YES, ang ginawa kong pag-atake sa dalawang lalaki ay nakahihiya na iyon. Kasi mga kaibigan naman pala niya ang mga ito. Well, pagkakamali na rin nila iyon.
Kung bakit kasi ganoon ang paraan nila sa pagpasok. Alerto lang ako because this is my job. My job to protect Elvis Vladimier. Isa pa, hindi ko agad sila nakilala sa unang tingin pa lang. Biglaang eksena rin kasi ang ginawa nila.
“I think may nabaling buto sa likod ko, Vladimier,” narinig kong reklamo ng isang lalaki at nang bahagya ko lang itong sinulyapan ay agad ko rin siyang namukhaan.
Kennedy Alcazar, he was one of Elvis Vladimier’s best friends. 28 years old and his birthday is August 2. He is the owner of Alcazar Shipping Lines, he is also one of the so-called billionaires in the country and he owns two yachts. Except for their ships.
The second guy is Thanatos Ventura. He’s an hotelier and owner of Ventura Hotel, among the ten branches they were able to build abroad. He was born on December 27, 1995. Siya rin ang pinakamatanda sa dalawa, and I also know he’s already married but hindi nga lang maganda ang relasyon nila. Last time I checked, his wife asked for a divorced but there’s not much info about that either. Kennedy is engaged just like his friend, Vladimier.
“Kasalanan mo ’yan. Ano ba kasi ang trip niyong dalawa? Pumasok kayo sa opisina ko na may dalang baril para lang takutin ako, ha?” nanunuyang tanong ni Vladimier sa mga kaibigan niya at idinikdik niya ang laruan sa mesa.
Kinuha iyon ni Thanatos. “Laruan lang naman ito.” Naramdaman ko pa ang pagsulyap sa akin ng dalawa. Sinalubong ko iyon at yumuko pa ako bilang paggalang.
“Sabi kasi ni Tito Dix ay may personal bodyguard ka na at gusto lang namin na i-test kung gaano ka ba kabilis na protektahan niya,” paliwanag naman ni Kennedy. Ano’ng klaseng dahilan naman iyon?
Gusto niya rin yata ang masaktan talaga at natutukan ko pa sila ng baril.
“At ngayon? May napatunayan na ba kayo?” tanong ni Vladimier. Yeah, iyon na lang ang itatawag ko sa kaniya. Sa isip ko lang naman.
“Well, nakagugulat. Dahil babae ang personal bodyguard mo and, hindi ba siya pagseselosan ng fiancé mo, Vladimier? Mas maganda pa yata siya kaysa sa fiancé mo—”
“Shut up,” mariin na suway ni Vladimier kay Kennedy. Humalakhak lang ang huli. Ako naman ay nag-iwas lang ulit nang tingin.
“I will introduce myself to her,” he said and stepped towards me. Tumigil siya sa harapan ko at pinagmamasdan ko lamang siya. Hindi mapagkakaila na guwapo rin si Kennedy. May kahabaan ang buhok niya at ang dulo niyon ay nakatabon sa noo niya. Malamlam pero malamig ang mga mata niya. Kasing dilim ng langit iyon. Matangos din ang kaniyang ilong at manipis ang natural na mapula niyang mga labi. He was wearing his black suit at ang nasa ilalim niyon ay puting v-neck t-shirt. Puting sneakers ang suot niyang panyapak at kung hindi ako nagkakamali ay nasa 6 feet 1 inches ang heights niya. Alam ko rin pareho lang ang mga taas nila. “I’m Kennedy Alcazar, isa ako sa matalik na kaibigan ni Vladimier. What’s your name?”
I looked at Vladimier, na ngayon ay seryoso niya rin akong tinititigan. Hinihintay ko kung ano ba ang magiging desisyon— Wait, sinabi ko ba na desisyon?
Wala namang masama na magpakilala ako sa mga naibigay niya. Isa pa ayokong maging rude. Dahil baka magalit sa ’kin ang binabantayan ko.
Hahawakan ko pa lamang sana ang kamay niya nang makita niyang naka-hand glove ako. Tinanggal ko ’yon at nakipagkamay na ako sa kaniya. Masasabihan ako na maarte.
“Chendra Alderto,” I uttered my name. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. “As far as I know, you are already engaged to the daughter Villardez family, am I right Sir?” I asked him and his eyes widened.
BINABASA MO ANG
Veiled Motives | Lies Between Lines Series #3 (SLOW UPDATE)
RomanceWGG 2ND ANNIVERSARY COLLABORATION Genre: Office Romance x Secret Identity Chendra Veronna A. Chavez, she's a personal ladyguard of Elvis Vladimir Amadeus. The CEO of Amadeus Real Estate Company and engaged-to-be-married. Isang pinagbabawal ang mag...