CHAPTER 6

129 7 2
                                    

Chapter 6: Incident

AFTER his lunch ay bumalik din siya sa work niya at nagpalamon na naman siya sa mga papeles niya na nakatambak sa mesa niya.

Being a CEO is not easy at ang makita lang siya na ganito ay napapangiwi na ako. Kapag ikaw mismo ang owner ng kompanya ay lahat ng trabaho ay nasa iyo at obligasyon mo ’yon. You can say no to your works but I know. Magpapatuloy pa rin ito without his presence. Marami siyang staffs na puwede niyang pagkatiwalaan.

Naibigay na rin niya sa ’kin ang schedule niya. 8 a.m ang eksaktong pagpasok niya sa trabaho, Monday to Friday and 5 p.m ang out niya. Free day niya kapag Saturday and Sunday. But most of the time ay kasama niyang mag-bonding ang mga kaibigan niya. Pumupunta sila sa golf club, at kung ano pang sports na alam nila.

Every morning, 5 to 6 a.m ay lumalabas siya sa bahay niya para lang mag-jogging. Sa Monday and Tuesday ay diretso naman siya sa gym para sa work out niya.

How about the date with his fiancé? Wala bang naka-scedule?

Napalingon naman ako sa kaniya nang nag-aayos na siya ng mga gamit niya at kahit ang dami-dami niyang trabaho ay hindi man lang siya nagmukhang stress or something.

Matigas pa rin kasi ang ekspresyon ng mukha niya at masyado ring malamig ang mga mata niya. Ang buhok niya ay quiff hairstyles and medyo curly siya. Ewan ko kung sinadya niya bang ipakulot iyon or what. But nevermind.

“Let’s go,” malamig na sabi niya at agad na akong sumunod sa paglabas niya.

We went to parking space using his private lift. Blue Corvette ang sasakyan niya at agad niyang pinatunog iyon. Walang sabi-sabi naman niyang hinagis ang susi at dahil hindi ko naman pinaghandaan iyon ay nagkukumahog pa ako sa pagsalo.

Hindi naman ako nabigo at napasakamay ko rin naman iyon pero may sasakyan ang palapit sa kinaroroonan ko. It’s too late to avoid that at iyong pagbangga na lang nito ang inabangan ko.

Naramdaman ko na ang impact ng kotse at tumama lang ang kaliwang braso ko. Sinadya ko ring gumulong sa hood nito para hindi ako masaktan o magkaroon ng fracture sa parte ng katawan ko.

Nang mapasalampak na ako sa sahig ay ang kaliwang braso ko agad ang hinawakan ko. Mariin kong piniga ito dahil na-lock yata ang buto ko.

“What the hèck?!” Narinig ko naman ang pagmumura niya.

Hindi huminto ang sasakyan at nagmamadali naman siyang lumapit sa kinaroroonan ko habang nakatapat na sa tainga niya ang cell phone niya.

He contacted his security guard para lang harangan ang kotse na iyon at kasabay nang paghawak niya sa braso ko na ikinaigtad ko. Wala namang masakit sa akin at hindi ako napuruhan. But when I meet his eyes, the concern is evident.

“I’m fine, Sir,” walang emosyon na sabi ko.

“How sure you are that you’re fine?! The car dumped you!” sigaw niya at nang akma na niya akong bubuhatin ay nagprotesta ako.

I don’t want to be failed sa first day of work ko! Dahil lang sa aksidenteng ito na hindi naman talaga ako nasaktan.

“I am, Sir. I’m fine,” mariin na saad ko at sinubukan pa rin niya akong buhatin pero mabilis akong tumayo.

Nainis siya sa ginawa ko. Umigting ang panga niya at mariin na napapikit pa. “This is my fúcking fault. I’m sorry.” Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

Akala ko ay suplado siya at ang salitang “sorry” ay wala sa vocabulary niya. Oh, well. I already judge him for that.

“No, it’s my fault. Nagpabaya ako, Sir,” sabi ko lamang at binuksan ko na ang pinto sa backseat. Yumuko ako bilang paggalang.

Marahas na bumuntong-hininga siya at kalaunan ay sumakay na rin siya sa kotse niya. Nagtungo na rin ako sa driver’s seat at nagmaniobra na.

Sa High Tower Condominium siya pero pagkalabas namin ng kompanya niya ay pinahinto niya iyon nang makita niya ang kotse kanina.

Bago ko pa man siya mapagbuksan ng pinto ay agad na siyang nakababa mula sa kotse niya. Sinundan ko agad siya at nakita ko na lamang na hawak na niya ang kuwelyo ng damit ng isang lalaki na mukhang nasa mid-30’s pa lamang.

“Sir, wait,” aniko ko at pinigilan ko na siya.

“Plano mong tumakas kahit nakabangga ka na, ha?” malamig na tanong nito sa lalaki at kitang-kita ng dalawang mata ko na nahihirapan ito.

Tinanggal ko ang mga kamay ni Vladimier at ayaw pa niyang magpapigil noong una.

“Calm down, Sir. Ako na po ang bahala rito,” sabi ko at pinindot ko ang earpieces ko para maka-contact ulit ako kay Klein.

“What’s happening, C?”

I felt relief dahil hindi busy si Klein at this moment. “Magpadala ka ng tauhan mo rito, Klein. We need to fix this uhm—” Nawala ako sa sasabihin ko dahil sa lamig na tingin na ipinupukol sa ’kin ni Vladimier. “Nagkaroon lang ng kaunting problema.”

“Oh, okay. Ako na ang bahala.”

“Thank you, Klein,” sambit ko.

“No problem, C. Anyways, naipadala na namin ang bagahe mo. Tanungin mo na lang ang babaeng nasa information desk. Diyan namin iniwan. Nag-alangan pa kung ano ang mayroon. So, pina-check namin sa kanila. Just use his name.” Hindi naman ako nabahala kung nabuksan ang mga gamit ko. Babae lang naman kasi iyon.

“Thank you again, Klein. Mamaya na tayo ulit mag-usap,” sabi ko at muli ko lang pinindot ang earpiece ko. “Let’s go home, Sir.” He took a deep breath. Pagdating namin sa condominium ay ako na ang nagbukas ng pinto sa kaniya. I bowed my head. “Mauna na po kayo, Sir. Susunod na lang po ako.”

Hindi ko makikita ang reaction niya kasi nga nakayuko pa ako. “At saan ka naman pupunta?” malamig na tanong niya.

“Kukunin ko lang po ang mga gamit ko. Mabilis lang po ito,” magalang na sagot ko.

“Nasaan? Kunin natin.” Doon na ako napatingin sa kaniya at kahit nagulat ako ay hindi ko pa rin iyon pinahalata.

“Nasa information desk lang po,” sagot ko at tinalikuran na niya ako.

“Good afternoon, Sir,” magalang na pagbati ng babae kay Vladimier. Sandali iyong yumuko at gumuhit sa mapula niyang labi ang matamis na ngiti niya. Na halos mapunit na rin ang mga labi niya.

Vladimier looked at me. Tiningnan ko naman ang babae. “Kukunin na namin ang maletang iniwan namin kanina, Miss.”

“Ah! Yes po, wait lang.” Napansin ko na naman ang pagtapik-tapik ni Vladimier sa may counter. Napapansin ko siya na madalas niyang gawin ang bagay na ito. “Heto na po, Sir.”

Kukunin ko pa lamang sana iyon nang maunahan na ako ni Vladimier at wala na naman akong nagawa pa. Nagpaalam ako sa baabe bago ako umalis doon.

Bakit ba ganito ang isang ito? Ibang-iba ang ugali niya noong una ko siyang nakita. Biglang nagbago agad, ah.

Nasa 7th floor lang ang unit niya dahil iyon ang nakita ko nang pinindot niya iyon sa elevator. Ewan ko kung magandang idea nga ba ang mag-stay ako sa condo niya. Kahit puwede naman akong i-provide ng condo ng superior ko na malapit lang sa client namin. Napatingin pa ako sa maleta ko at hindi man lang iyon lumapag sa sahig. As in dala-dala niya, kaya naglalabasan ang mga ugat sa braso niya. Ang higpit din nang hawak niya roon.

Veiled Motives | Lies Between Lines Series #3 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon