CHAPTER 8

71 3 0
                                    

Chapter 8: Dine with him

“WHAT the hèll, Elvis! Sino ang babaeng ito?!” sigaw ng babae. Namumula agad ang mukha niya dahil sa inis at galit nang makita na may babae sa condo ng fiancé niya.

Puwede naman siyang magtanong nang hindi ganyan ang reaksyon niya. Ang overacting naman niya.

Nakapasok na siya sa entertainment room ni Vladimier, tapos nanlilisik pa ang mga mata niya. Kung makatingin siya sa akin ay parang may ginawa kami nang masama ng fiancé niya.

Kung susugod man siya sa akin ay nakahanda naman akong protektahan ang sarili ko. Hindi ako magpapakalmot sa kaniya, ’no. Ang suwerte naman niya kung ganoon. Naglakad na nga siya palapit sa akin. Ni hindi ako nakaramdam nang takot.

Subalit bago pa man siya makalapit sa kinatatayuan ko ay humarang na si Vladimier. Ang malapad na likod niya ang bumungad sa aking paningin. Dahil sa lapit niya ay nanuot sa ilong ko ang matapang na pabangong gamit niya, pati na rin ang aftershave niya.

“What the hèll are you doing, Agatha?” malamig na tanong ng lalaki sa kaniya. Nang lalagpasan niya ito ay hinawakan na ang magkabilang braso niya saka siya hinila palayo. Lumalabas tuloy na pinoprotektahan ako ng isa.

“Who’s that girl, Elvis? What’s she doing in your condo? Are you cheating on me?” Gusto ko sanang ngumiwi dahil sa sunod-sunod na tanong niya.

Nakakita lang siya ng babae ay niloloko na agad siya? But anyway, I can’t blame her. Ganito rin siguro ako kapag nakita kong may babae ang fiancé ko. I’m glad na wala akong ganoon. But better ang magtanong muna, huwag humusga agad-agad.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito kasabay na tumunog ang doorbell. Tiningnan ako ni Vladimier. “Open it,” marahan na utos niya. Tumango ako, nang madaanan ko sila ay muntik pa akong abutin ng babae. Ang haba pa naman ng kuko nito. “The hèll, Agatha! Kung hindi ka titigil ay palalabasin kita!”

Binilisan ko na lamang ang paglalakad ko para makalayo na rin ako roon. Ayoko talagang nai-involve sa awayan ng relasyon ng dalawang tao. Kahit wala naman akong ginagawa sa kanila.

I checked the door camera first, nakita ko naman na delivery man lang. Base na rin sa kasuotan nito, kaya naman binuksan ko na ang pinto. Para makuha ko na ang food order. May pinirmahan pa ako bago nagpasalamat at nagpaalam ang lalaki.

Food panda ito, may kabigatan din. Malamang ay marami siyang in-order. Tumingin ako sa isang pinto. Kahit hindi ko alam kung ano iyon ay roon na rin ako nagtungo. Wala siyang dining area, kitchen na agad iyon pero malawak pa rin ang espasyo nito. Lalo na iyong island counter niya.

Inilapag ko sa counter ang paperbag. Dahil nauuhaw ako ay kumuha ako ng cup sa cupboard. Mahabang baso ito, kahit simple lang ay sumisigaw ang kamahalan nito. Mabigat kasi.

Napatingin ako sa water dispenser. Ngunit ang refrigerator ang nilapitan ko. Nang buksan ko iyon ay puro beer, energy drink. May tray ng itlog. Bottled water. Tapos wala ng puwedeng kainin dito, maski prutas ay wala siya.

Sa pitcher na lang ako kumuha ng tubig at nagsalin. Isinara ko na rin ito. Naglakad-lakad pa ako sa loob ng kusina. Hanggang sa naisipan ko na lang na buksan ang food cabinet.

Wala siyang stocks, na maski noodles ay wala. Isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi siya rito madalas kung umuwi. Baka nga ay pumupunta lang siya sa unit niya kapag nag-bo-bonding na silang magkakaibigan.

Sana mag-grocery siya. Mas mainam kung luto mo ang kinakain mo kaysa ang mag-order ka sa restaurant. Mas healthy pa, hindi ko naman sinasabi na hindi healthy ang pagkain na in-order sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Veiled Motives | Lies Between Lines Series #3 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon