CHAPTER 3

117 8 0
                                    

Chapter 3: Hired

I TYPED “bad news” sa group chat namin nina Mommy at Chendro. Yes, may ganito kami para palagi kaming update at hindi na kailangan pa ng paisa-isa ko silang i-chat sa Messenger. This is mom’s request.

Hinintay ko na sasagot silang dalawa at ilang segundo pa lamang ay lumitaw na nga pangalan nila at profiles. A sign na nagtitipa pa lamang sila ng mensahe.

“Better luck next time, anak,” a message from Chanaha Alderto. That’s my mother. Iyon ang pangalan niya sa  social media account niya.

“That’s normal, Ate. Not everything we want comes instantly. But don’t give up, there is still hope.” Napangiti na lamang ako nang mabasa ko na ang message nila. Nag-thank you lang ako sa kanila.

Dito naman sa headquarters namin ay mayroon kaming sariling opisina kasama pa ang iba naming kasamahan.

Kumatok ako sa pinto bago ko ito binuksan at nadatnan ko sa loob na iyon ang dalawang taong naging kaibigan ko rito.

Sina Klein at Jamie. Si Klein ay isang hacker namin at gamay niya ang computer, kahit na ano’ng technology ay talagang malawak ang kaalaman niya. Mas matanda siya ng limang taon kaysa sa akin dahil na rin mas nauna siya at si Jamie naman, his girlfriend. Tatlong taong lang din ang age gap namin. Marami na siyang experience bilang isang bodyguard.

Mayroon naman akong karanasan dahil madalas niya akong kasama sa pagbabantay ng mga politician.

“Ano’ng ganap, C?” tanong ni Jamie. Nakaupo siya sa table ni Klein at nakakrus ang magkabilang braso niya.

Puting longsleeve lang ang kasuotan niya at itim na slacks din. Maganda si Jamie at mabait pero maldita kung minsan. Si Klein naman ay mabait din pero madalas ay tahimik. Matangkad siya at model type.

“Bad news,” sabi ko lang at lumapit sa puwesto ko.

“Hindi ka napili?” usisa ni Klein. Tumango ako.

“Ayaw ng lalaking iyon sa babae,” kunot-noong sagot ko at umalingawngaw ang malakas na boses ni Jamie.

“Jamie, seriously?”

“Woman’s hater ba siya? Ayaw niya sa babae? Imposible iyan. Lalaki ay ayaw sa babae?” nakataas ang kilay na tanong niya at natatawa pa rin siya. Wala namang nakatatawa roon, ah.

“Hindi naman lahat ng lalaki ay kailangan ng babae, Jamie. Don’t laugh like that. Parang nagiging witch ka na,” komento ni Klein.

“Surprising, Klein,” sambit lang ni Jamie. “Anyway, huwag mo nang masyadong dibdibin iyon, C. Hintayin natin ang pagbabalik niya rito.”

Nilingon ko siya at nagtaka ako sa kaniyang sinabi. “Paanong babalik pa siya kung nakapili naman na siya?” tanong ko.

“Kilala ko ang Amadeus family. May pasabog sila sa hina-hired nilang bodyguards at dadaan pa sa mga test nila. Goodluck na lang din sa kanila. Last time kasi ay may na-injured na kasama natin. Kung sino ang maka-s-survive ay hired na agad siya,” mahabang paliwanag niya at napatingin naman ako kay Klein. He just nodded. Alam niya rin ang tungkol doon.

“Amadeus’ things,” he just said.

Kung may nakakikilala man sa ’kin, maliban kay Ma’am Leyla ay ang dalawang ito. Isa sila sa pinagkakatiwalaan ko at si Klein naman ang tumutulong na maghanap ng information about the tragedy. I’m lucky to have them as my close friends. Maaasahan din kasi sila.

ILANG minuto ang nakalipas ay pumasok sa opisina namin si Ma’am Leyla. Napatayo pa ako at sumenyas siya na umupo na lang ulit ako.

“Huwag sanang sumama ang loob mo, Chendra. Alam ko na nakitaan ka niya ng potensyal kaya ganoon ang sinabi niya. He doesn’t want to have a female bodyguard. Dahil kailangan mong tumira sa bahay niya kapag ikaw ang pinili niya. His mother hated that, lalo pa na engaged na ang anak niya,” mahabang paliwanag niya.

Veiled Motives | Lies Between Lines Series #3 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon