CHAPTER SIX: A DANDELION AMONG THE WEEDS

42 4 0
                                    


pagka-ilaw ng berdeng pedestrian sign, agad na tumawid si Sweden papunta sa isang pamilyar na KALYE, ang Avenue 11. malawak ng daanan sa gitna na yari sa gobble stones. sa magkabilang gilid, magkatapat ang mga kainan mula sa simpleng karenderia, hole-in-the-wall food stalls, snack bars, cafes at mga high-end restaurants.

"hi, Sweden!" napalingon sya sa bumati. ngumiti sya dito at kumaway.
"pasok ka na? sabay na tayo." anito.

"sige ba." tugon nya. sumabay na itong maglakad kasama sya.

"nga pala, nakakuha ka na ng form para sa entrance exam sa MPU?"

tanong nito sa kanya. ang kasabay nya ngayon ay ang kanyang dating kaklase sa grade seven na si Ricky. ito ang tinuring nyang best boy bestfriend mula pa nung nasa grade four pa lang sila.

"hindi pa, eh." tugon nya dito. "baka bukas, pagkatapos ng duty ko sa library. eh ikaw?"

"alam mo, bilib talaga ako sa sipag at tyaga mo. mantakin mong may part-time ka dito sa Avenue 11, meron pa dun sa Avenue 15. werpa ka talaga, Sweden. sobrang lodi kita." anito na nag-thumbs-up  sa kanya. napangiting inayos nya ang kanyang salamin.

"ganun talaga, Ricky. kailangan kong magsumikap dahil wala naman akong ibang aasahan kundi sarili ko lang." aniya. napakamot lang ito sa ulo.

"oo nga pala. pambihirang pamilya naman kasi ang meron tayo, Sweden. dapat sa edad nating ito, nag-aaral lang tayo, hindi nagtatrabaho." palatak nito sabay iling. she sighed.

"tama ka. pero wala na tayong magagawa kasi." she said, shuffling her feet while walking. "kapag 'di tayo nag-sariling sikap, wala tayong mararating. ang mga magulang natin, wala silang pakialam makapag-aral man tayo o hindi. kaya tayo na lang ang kikilos. ayokong matulad sa kanila."

pangarap na nya magmula nung maging mulat sya sa masukal nilang komunidad ang maka-alis duon for good. kaya gagawin nya lahat para magkaroon sya ng degree. sa ganung paraan lang nya maiaahon sa kagulohan at kahirapan ang inosenteng kapatid. ayaw nyang lumaki itong mga barumbado ang nakakasalamuha.

"nakakatuwa ka talaga, Den. kung magsalita ka, parang hindi ka sixteen years old. kapag nag-uusap tayo, para kang trenta anyos. mas mature ka pa yata kesa sa mga nakatatanda mong kapatid. at least ikaw, may goal ka talaga. hindi tulad ng mga kamag-anak natin na puro lang pasarap ang alam."

"ganyan talaga kapag lumaki ka sa makasariling pamilya. tatanda ka ng maaga." wika nya. parehas silang natawa sa kanyang sinabi.

"dito na lang, Ricky. kita na lang tayo ulit." aniya sa kaibigan.

"sige. ingat, Sweden." tugon nito. nag-high five silang dalawa saka ito pumunta sa pinapasukan nitong cafe. gaya nya, nagpa-part-time din ito. yun lang kasi ang pwede sa mga minors gaya nila. kinuhanan naman sila ng permit sa DOLE ng kanilang mga amo kaya wala silang naging problema. pareho sila ng baranggay na tinitirhan at pareho ring barumbado ang mga magulang.

pumasok sya agad sa backdoor ng The Virgo Diner, isang high-end at fine-dining restaurant sa buong ciudad. dumiretso sya sa locker at nagbihis ng uniporme--khaki pants, gray shirt, plastic apron at gloves. inayos nya ang kanyang buhok at pinusod ito tsaka sinuot ang head cap. matapos nito, pumunta na sya sa kanyang pwesto.

"naku, mabuti at nandito ka na. andaming guests ngayon kaya sobrang busy nina Chef. dali, kilos na!"

nagkumahog syang nagsimula pagkasabi ng Supervisor nila. nasa Housekeeping department sya at nagtatrabaho bilang part-time dishwasher.

naging sobrang abala nila sa mga sumunod na oras. ang restaurant na ito ang pinakasikat at dinadagsa ng mga bisita sa Avenue 11. halos 'di na lumalanding sa hugasan ang mga plato, baso, mangkok, kubyertos at iba pa dahil dumagsa nga ang mga kumakain. nataon kasi na payday ngayon kaya maraming nagpa-reserve ng mga mesa. tutok na tutok si Sweden sa ginagawa hanggang sa time-out na nya. nagbihis syang muli at umalis na. ngayon nya natanggap ang sahod---P3,500. napabuntong-hininga sya. kulang ito. sa gamot pa lang ni Mari, 'di na sapat. may utang pa sila kay Aling Greta.

ngunit mas mahalaga ang maintenance meds ng kapatid. at iyun ang uunahin nya.

sa sahod nya, 300 na lang ang natira. ngunit ayos lang dahil nabili naman nya ang pang-isang buwang gamot ng kapatid. nilagay nya sa sling bag ang supot ng mga gamot pati na ang natirang tatlong-daan.

sa overpass sya dumaan para makauwi na. nahabag sya habang pinagmamasdan ang mga taong ginawa ng tirahan ang tulay. kalunos-lunos ang kanilang kalagayan. nagsasapin lang sila ng karton o 'di kaya'y styrofoam. meron pang isang babae na ang sanggol nitong anak ay nilagay lang sa basyong karton ng prutas. parang nilukamos ang puso nya ng marinig ang palahaw'ng iyak ng munting anghel. pinapatahan ito ng ina pero ayaw nitong tumigil. 'di kalayuan sa paanan ng tulay, may isang nakatayong botika. walang pagdadalawang-isip na bumaba sya at pumasok doon. pagkalabas nya, may dala na syang isang feeding bottle at dalawang sachet ng infant formula milk. katabi ng botika ay isang karinderya. bumili sya ng ulam at kanin saka tinimpla ang gatas. kaagad syang umakyat pabalik ng tulay at nilapitan ang kaawa-awang mag-ina.

"ipainom nyo po itong gatas kay baby, Ate. huwag po kayong mag-alala, safe po ang brand na ito para sa lahat ng sanggol ayon pa dun sa pharmacist." aniya. nakita nya kung pa'no naluha ang ina na agad kinarga ang sanggol. automatic na tumahan ito ng matikman ang sarap ng gatas.

the mother look at her with tears-stained face. larawan ito ng isang inang naghihikahos at talagang walang-wala sa buhay. wala silang pinagkaiba.

"salamat, hija. napakabuti ng iyong puso. sa lahat ng dumaraan dito, ikaw lang ang nagmalasakit sa amin ng ganito. maraming salamat talaga." wika nito na 'di napigilang humikbi. marahan nyang tinapik ang balikat ng ginang.

"wala pong ibang makakaintindi sa mga hikahos gaya natin kundi tayo-tayo lang din, Ate. sige po, maiwan ko na kayo. heto po palang pagkain sa styro box. pagkatapos po ni baby, kayo naman po ang kumain." aniya saka tumayo. panay ang pasasalamat ng ginang hanggang sa makababa sya ng tulay.

P50 na lang ang natira sa P300 nya. ngunit nakangiti syang naglakad at wala syang panghihinayang. may tao syang natulongan na hini malipasan ng gutom---at yun ang talagang mahalaga.

sa paglalakad nya pauwi, madadaanan nya ang pinaka-marangyang residencia sa buong Metroceanna, ang Elysian Meadows. sa greek mythology, paraiso ang lugar na iyun. isang lokasyon na tanging ang mga nakahiga sa pera ang may karapatang tumira. nilagpasan nya lang ito. kahit siguro sa bangungot, hindi sya makakapasok sa lugar na yun.

ang kanya namang tinitirhan ay nasa likod ng Elysian---ang Baranggay Kapus-Palad. a shabby, unruly, uncouth and rustic place in contrast to the grandeur and finesse of their very posh village neighbour. kung ga'no kalinis at karangya ang Elysian, ganun naman ka-dumi at kahirap ang kanilang lugar.
at ang pangalan nito ay akma talaga sa mga taong nakatira.

isa itong tatlong ektaryang lupain na dinonate ng mga maperang angkan ng mga Zhang at Legazpi sa gobyerno. dito na sila pinatira magmula nang masunog ang dati nilang tirahan. at sa paglipas ng panahon, ang relocation site na ito ay naging pugad na ng mga notorious sa batas.


prostitusyon, illegal gambling, bawal na gamot pati na human trafficking at child pornography. name it, this place has it. katunayan, karaniwang tanawin na sa kanya ang mga unipormadong mga opisyal gaya ng mga Pulis, PDEA at NBI. habulan, putok ng baril at mga napapatay'ng salarin. mga batang malnourished at malalaki ang tyan, mga kabataang ka-edad nya na nagiging ina pero hindi asawa. at karamihan sa kanila, walang paki kung nakapag-aral sila o hindi. ang ilan sa kanila, sa prostitusyon ang kinasadlakan. at ang masaklap, isa sa mga iyun ang nakatatanda nyang kapatid.

nakatayo sya sa paanan ng bakal na tulay, nakamasid sa gulo ng kinagisnang paligid. like a dainty dandelion among the ruffian weeds. ang bukod-tanging naiiba sa lahat ng magkakapareha.

nilingon nya ang matayog at matibay na pader ng Elysian. gaya nito ang mga pangarap nya. mahirap abutin pero kanya pa ring aabutin, anuman ang mangyari. hindi sya susuko.

hindi lang para sa kanya o sa kapatid. kundi para na rin maging halimbawa sa mga kabataang gaya nyang nawawalan na ng pag-asa.
**************0O0******************

malayo ang mararating ng busilak na puso ng isang taong may pangarap at may goal na gustong maabot. you'll go the distance, Sweden. sure ako riyan.
aja! fighting!

Please read, vote and comment po sana. please po. Salamat 😊🙏

METROCEANNA TALES III: Close to You Where stories live. Discover now