CHAPTER FIFTEEN: SWEET TEENAGE AFFECTION

31 3 0
                                    


"my father hid your family background from me. I just found out later na parehong naka-kulong ang mga magulang at kapatid mo. at bata pa lang, nagtatrabaho ka na. pinagsasabay mo yun sa pag-aaral mo at pag-aalaga sa 'yong kapatid." wika nito. nanatili lang syang tahimik at nakatingin sa sandwich na 'di nya naubos. "I'm sorry."

napatingala sya at tumingin dito. Eugene's expression softened and her blue eyes look at her calmly. the snobbish aura no longer shows on the athlete's face.

"forgive me for judging you, for all the rashness of my actions and the snide remarks that i said. inaamin kong mali ang mga nagawa ko, lalo na yung tungkol sa pera. i have learned now the error that i made and i'm really sorry."

there's much sincerity in Eugene's voice. ramdam nya na taos-puso ang paghingi nito ng kapatawaran.

she gave the athlete a warm, close-lip smile. then she she replied,

"ayos lang. at tinatanggap ko ang paghingi mo ng paumanhin. lahat naman tayo nagkakamali. salamat at nauunawan mo 'ko."

"thank you. alam mo sa totoo lang, kahanga-hanga ang determinasyon mo at pangarap. ako kasi, kahit hiwalay na ang mga magulang ko---hindi naman nila ako pinabayaan. responsable silang mga tao. ako nga dapat ang mahiya sa 'yo. nagawa mong mabuhay sa araw-araw na 'di umaasa sa iba. yung iba, liwaliw at social media ang inaatupag pero ikaw, nagtatrabaho at nag-aalaga ng kapatid." Eugene said. umangat ang isang sulok ng labi nito saka ngumiti ng kaunti. she blushed and look at the sandwich again.

"ako na lang ang meron si Mari, ang bunso kong kapatid. kaya hangga't kaya ko, aalagaan ko sya."

"hindi ka ba nahihirapan? ayon pa sa background check ng staff ni Papa sa 'yo, may Down's Syndrome at Epilepsy ang kapatid mo. nadala mo na ba sya sa doktor?" tanong nito. tumango sya.

"may nagsagawa ng medical mission dati kaya dinala sya ng kapitbahay naming guro at pinatingnan. kaya nga sya may mga mine-maintain na gamot hanggang ngayon. k-kaya ko tinanggap ang offer na maging study buddy mo. para mabili ko ang mga gamot nya. kapag napaliban kasi ang pag-inom nya, sinusumpong sya ng sakit nya."

natahimik sila sandali saka ito nagsalitang muli.

"let me make it up to you this time. hayaan mo 'kong makabawi." anito. nahihiyang tumanggi sya dito.

"n-naku, wag na. okay na yun." aniya. imbes na sumagot, tumayo ito.

"I insist. halika na, may mga ipapakita ako sa 'yo sa lugar na 'to." anito. nahihiya ma'y tumayo na rin sya at sumunod dito. pagdaan nila sa kawayang tulay, muli syang napatingin sa naggaganahang mga bulaklak.

"yan ang Persephone's Bloom. at itong tubig na tinutungtongan ng cottage, tinatawag itong The Lotus Pond. sinunod kasi ang disenyo nito mula sa naturang bulaklak. come, let me show you."

nang tingnan nya ang cottage mula sa malayo, mistula nga itong malaking bulaklak ng Lotus na nakalutang sa kalagitnaan ng asul na lawa. sadyang kahanga-hanga at nakakabighani ang lugar na ito. walang katulad ang karikatang taglay nito.

"dun tayo. may isang espesyal na lugar tayong pupuntahan dito." anito na naglakad patungo sa isang sulok doon. at dun, kita nya ang isang nakadaong na bangka. itinulak ito ni Eugene sa tubig saka lumingon sa kanya.

"sumakay ka na. pupunta tayo sa kabilang dulo ng lawa." anito, holding out a hand to her. "don't worry, marunong akong sumagwan. hindi kita ipapahamak."

kahit nag-aalangan, inilagay nya ang kamay sa palad nito. nakakahiya tuloy ang kagaspangan niyun sa lambot ng palad nito.

inalalayan sya nito na makasakay ng tama at makaupo sa bangka. kinabahan pa sya ng bigla itong umalog kaya napakapit sya sa magkabilang katig nito.

"relax. i won't let you fall into the water, trust me. kaya umupo ka lang ng maayos dyan. ako nang bahala."

Eugene begins to row the boat on the lake's serene waters. huminahon na rin sya nang lumalawig na ang bangka, maliban na lang sa maya't-maya nyang pagka-gulat kapag may tumatalong isda mula sa ilalim. tumitingin sa paligid si Eugene kaya napagmamasdan nya ulit ang mukha nito.

she's beautiful in a boyish way at malakas ang dating. with the two of them sitting across each other in a boat, voyaging on a crystal clear, blue lake---her heart is beating so fast in her chest. yumuko sya at ngumiti, kasabay ng pamumula ng kanyang mukha. nahawakan nya pa ang palad nito kanina. it's a simple gesture but to her, it's a sweet affection. kahit alam nyang walang ganung intensyon si Eugene, pero pinadama nito sa kanyang espesyal sya kahit ngayon lang.

dumaong na ang bangka nila sa kabilang dulo ng lawa. inalalayan sya ulit nito pababa. laki ng pasasalamat nya at 'di umeksena ang kanyang kalampahan at nakababa sya ng maayos. pero ang talagang nagpa-kilig sa kanya ng husto ay ang makitang hawak pa rin ni Eugene ang kamay nya. their hands are clasped with each other as they walk on a gobble-stone walkway. Eugene's hand feels so warm. ang gaan sa pakiramdam, ayaw na nyang bumitaw.

"we're here." sabi nito, sabay bukas sa isang kulay pilak na pantaong gate. hawak-kamay silang pumasok.

and she's amazed yet again by what she's seeing.

it's a solemn, intimate and peaceful place. maliit lang ang lugar na pabilog ang hugis. napapalibutan ito ng mga bonsai trees, palmeras, mga puno ng mangga at hile-hilerang vineyards na hitik sa mga ubas.

"ang mga ubas na yan ang ang tanyag na Alexandrian variety na galing sa Italy at Japan. pwede kang kumuha sa kaya mo lang dalhin." anito. "go, get all you can have."

natutuwang namitas sya hanggang sa bumigat ang bag nya. kumain sya ng isang pumpon at napaka-tamis ng mga ito.

"if you're done, lapit ka rito." wika nito. lumapit sya dito at nakita nyang nakatayo ito sa harap ng isang bantayog. isa iyung nililok na imahe ng isang maganda at petite na babaeng nakasuot ng isang magarbong damit, kagaya nung mga suot ng mga Reyna sa mga napanuod nyang korean sageuk dramas o gaya nung mga japanese at chinese royalties.

"that's the late Felicity Valdez Zhang. she's the deceased Xiao Liung Zhang's wife. si Xiao, apo sya ni Ahn Zhang na founder ng Metroceanna." salaysay pa nito.   "pinagawa ang parteng ito ng parke, kasama ang Lotus Pond at Persephone's Bloom nung first death anniversary nya. ayon pa sa chief of staff ni Papa, ang panganay'ng apo ni Lady Felicity na si Avril ang nagpagawa nitong lahat para sa namayapa nyang lola. at ang mga kumpol ng mga malalagong halaman na yan ay ang Kadupul o Reina de Noche. pero sa mga chinese, tinatawag nila ang bulaklak na yan na Tan Hua." anito.

"grabe, nakakamangha talaga lahat ng 'to. kung ganun, para pala itong Taj Mahal o 'di kaya'y Lea's Temple. wow..." she said breathlessly, looking at the whole place with pure admiration.

"ganun na nga. mga bantayog sila na sumisimbolo sa malalim na pagmamahal at respeto ng mga naiwan sa mga kadugo nilang pumanaw na."

Eugene said, holding her hand again. magkatabi silang dalawa na nakatayo sa harap ng rebulto. pumihit ito paharap sa kanya, then pull her close. untit-unting yumukod ang ulo nito palapit sa kanyang mukha.

parang mabibingi na sya sa lakas ng tibok ng kanyang puso nang gadangkal na lang ang layo ng mga mukha nila...

dalawang pulgada na lang.

isang pulgada.

malapit nang maghugpong ang kanilang mga labi nang---

*************0o0******************







METROCEANNA TALES III: Close to You Where stories live. Discover now