"you ready?" she look over her shoulder and look at the person asking. she nodded and didn't say a word. muli nyang binalik ang tingin sa malawak na karagatan.
nasa roofdeck sya ng isang private yacht na kasalukuyang naglalawig sa napakaganda ngunit tahimik na katubigan ng Benham Rise. dalawang buwan na magmula nung umuwi sya ng Pilipinas ngunit hanggang ngayon---sariwa pa ang sakit na para bang kahapon lang nangyari.
"ipapatawag na lang kita kapag handa na ang lunch."
anito. hindi sya kumibo ulit at nanatiling nasa karagatan ang tanaw, na kakulay ng kanyang mga mata.
she look down at her hand and at the ring on her finger. uminit ang kanyang mga mata at muling nagsipatakan ang kanyang mga luha. huminga sya ng malalim saka hinugot ang singsing---
at tinapon iyun sa dagat. wala na ito. hindi nya na makikita pa.
ang sakit, ayaw mawala. para iyung sugat na may nana at nagpapahirap sa kanya ng paulit-ulit. it's hard, but there are things that you must let go. you cannot hold on to something you no longer have.
"Ma'am Eugene, kakain na raw po." anang isang staff.
"susunod ako." tugon nya.
"sige po. maiwan ko na kayo."
her smartphone ring. she fish it out from her pocket and look at the screen. pinindot nya ang bluetooth earpiece at sinagot ang tawag.
"Pa." sagot nya.
[Anak, sigurado ka bang ayaw mong sumakay sa private plane? nakaantabay lang yun if you ever change your mind.]
"hindi po, salamat na lang Pa. hindi po magandang tingnan na gumamit ako ng ganyang perks na aktibo pa kayo sa public service. ayos lang po ako."
[nauunawaan ko. magpakatatag ka, Euler. malalagpasan mo rin lahat ng yan, anak. magtiwala ka lang.]
she supress a sob and tried to keep her voice steady. ayaw nyang dagdagan pa ang iisipin ng ama.
"thanks, Pa. kailangan ko na pong mag-lunch. bye po."
[okay, anak. ingat ka lagi. bye.]
she tap the end call and put the phone back in her pocket. bumaba na sya ng roof deck.
nakahanda na ang mga pagkain pagkarating nya sa hapag. ngunit sa totoo lang, wala syang gana na sumubo man lang.
may Caviar, Buttered Shrimp, Clam Chowder at iba pa. ngunit tiningnan nya lang ang mga ito at hindi pa kumain kahit may nakahain na sa plato nya.
"kumain ka na, kahit konti lang. pabalik na tayo sa ciudad para sa flight mo." ani Stellar sa kanya. she slouch on her seat.
"sa eroplano na lang siguro ako kakain. wala talaga akong gana, Stellar." aniya. "masasayang lang yang mga hinanda nyo."
tumayo na sya at bumalik sa roof deck. naupo sya sa recliner at tumingala sa alapaap.
maaliwalas iyun, though maulap. parang buhay nya dati. maaliwalas, kalmado. maulap man, ngunit maayos at kaya nyang harapin. na kahit ga'no kataas, kaya nyang abutin.
ngunit ang alapaap ngayon sa loob nya ay madilim, malamig at may namumuong unos.
pagod na ang puso nya. sa pagpunta nya pabalik ng Brazil, sisimulan nyang muli ang mabuhay. tutuparin nya ang pangarap at tatalikuran ang mga dapat talikuran.
letting go is hard and painful. ngunit mas mabuti na ang ganun keysa manatili sa sakit ng nakaraan.
"pangalawang beses na 'tong hinatid kita sa pag-alis mo. the last time, durog kang umuwi. huwag naman sanang maulit pa yun." ani Stellar nang papunta na sya sa departure area. ngumiti sya at tinapik ang balikat nito.
"wag kang mag-alala, hindi na. once is enough." sagot nya. sinukbit nya ng maayos ang backpack.
"hangad ko lagi ang kasiyahan at pag-unlad mo, Eugene. sana---maghilom sa paglipas ng panahon ang puso mo. at sana, huwag kang matakot magmahal muli." anito. tumango sya at kumaway dito.
sa pag-take-off ng abyon, magsisimula na rin syang buuoin ang durog na bahagi ng buhay nya.
she'll move forward.
she'll rise up stronger. braver. fiercer, than she was before.
*************0o0******************
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES III: Close to You
General FictionSweden has long been having a crush on the snob and elusive Eugene Legazpi. isa iyung pagtatangi na matagal nyang itinago sa kanyang puso dahil sa dalawang dahilan--- langit at lupa ang agwat nila. at higit sa lahat, may gusto dito ang bestfriend ny...