Prologue 1 - Philippines

863 17 4
                                    

 NAIA Terminal II Centennial Airport

 

Suzy’s P.O.V.

Mainit, Mausok, Crowded.

 

As expected, nasa PIlipinas na nga ako.

 

”Young Lady, andyan na po ang sasakyan papunta ng bahay niyo.” Sabi ng isang lalaki na siguro ay nasa 40 yrs. Old. Siguro tauhan to ni Giordana.=___=

Naglakad na ako. Sinundan ko nalang siya. Baka mawala pa ako at ma kidnap. Sa ganda kong to. :P

Sumakay nako sa……………………………………..WOAH! ano to? Limousine! Marangyang marangya na talaga ang buhay ni Giordana! Marami nang nakuha ang babaeng yon sa Daddy ko. Isang dakilang BUWITRE! =__=

“Sakay na po kayo, Young Lady” sumakay nalang ako.

Napansin nio ba? Wala akong imik. Well, ganayan na ako. Simula nung nangyari sken nung December 25,20**. Anim na buwan na din ang nakakalipas. AY! D niyo pa nga pala ako kilala, tpos dada ako ng dada dito.

Annyong haseyo, I’m Suzy Bae. 16 yrs. Old. Half Korean and Half Filipino. Siguro nagtataka kayo kung bakit parang bagong bago lang ako sa Pilipinas. That’s because, hindi pa talaga ako nakakapunta dito even though half pinay ako. Sa Korea ako pinanganak at dun na din ako lumaki.Incoming fourthyear high school sa Choi Elite Academy. I am a Singer, sabe nila maganda daw ang boses ko. Bagay na bagay daw sa muka ko. I’m also a dancer. And yes, you heard It right. I am a dancer. Kaya ko ang lahat ng klase ng sayaw. Name it, ma pa Latin dance man yan, flamenco, Belly dance, modern, hip hop at ballet. Pero Ballet talaga ang favorite ko. Pero hindi na ako sumasayaw ngayon dahil sa isang aksidente. Siguro Nagtataka kayo kung bakit magaling ako mag Tagalog. It’s because, I really have to learn it. I have to be fluent in at least 5 languages. Namely, Tagalog, English, French, Korean and Japanese.

Pumasok ang sasakyan naming sa loob ng isang malaking gate na mukang gawa talaga sa totoong ginto. Magandang maganda ang lugar na to. Parang isang Malawak na malawak na Garden at may fountain sa pinaka gitna. 10 minutes nang tumatakbo ang sasakyan naming ng biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang……………….Huwow! Isa talagang Mansion ang bahay ni Giordana. Ang babaeng Buwitre =_______=

“Young Lady, andito na po tayo. Hindi ko pa nga po pala napapakilala ang sarili ko. Ako po si Butler Elmer. Ako po ang magiging katulong niyo sa lahat ng bagay dito sa Pilipinas.”

Ahh. So siya pala ang magiging parang P.A. ko ditto. Mehehehe. Ang daldal ko no? pero pag sa ibang tao, dedma lang! >:D

Bumaba na ako, at pag pasok ko ay sumalubong sa akin ang napaka raming maids at butlers. “Welcome Young Lady!”  aba’t binati talaga nila ako. Mukang mababait naman silang lahat. Kaso parang hindi pala. Sa pinaka dulo ay nakita ang Babaeng Buwitre na naka OPEN ARMS pa kasama ang Daddy. Para bang gusto akong yakapin. Eeew!

“Suzy! Iha! Good thing andito ka na! Na miss ka namin ng daddy mo!” Yuckk! Niyakap niya pa ako! Plastik tlaga ang babaeng to.

“Whatever.” Sabi ko. Kadiri! Kinikilabutan ako. Maliligo ako sa alcohol mamaya. =___=

“Suzy! Galangin mo naman ang Mommy mo! Mag sorry ka!” Daddy. Yeah! You heard it right! Mommy ko siya. Pero never ko siyang tatawagin na MOMMY! Dahil siya ang napangasawa ni daddy, 2 years after mamatay ni mama. Opo, namatay si mama dahil sa isang heart disease. Well, yun ang sabi ni Daddy. Bata palang daw kasi ako nung mamatay si mama. Kaya si Giordana nadin ang kinalakihan kong nanay. Pero, I still don't like her!

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Daddy. Nilapitan ko nalang si Butler Elmer para tanungin kung saan ang kwarto ko.

“Nasa 5th floor po ang kwarto niyo young lady. Samahan ko na po kayo.” Tiningnan ko sa gilid ng mata ko sila daddy at nakita kong nagiiyak iyakan pa si Giordana. Plastic =___=

“Suzy! Bumalik ka dito!” sigaw ni daddy. Pero d ko nalang pinansin. Sumakay na kami ng elevator ni Butler Elmer. \(*o*)/

Sosyaaaal :D 

---------------------------------------to be continued lateeer

Hahay! Tapos na chapter 2 part 1! Yieee! Ang saya naman! Nasa 50 reads na sya! Kahit 50 lang! masarap pden sa feeling! Kse may tumatangkilik ng gawa mo. Thankyou! Sa mga nagbabasa nito! Thankyou talaga! :D

Mamaya or bukas nalang ang part 2! Au Revoir~

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon