Prologue 9 - WTFH?!

394 9 1
                                        

Suzy’s P.O.V

 

Andito ako sa lobby ng bahay/mansion namin. Hinihintay ko kasi si T.O.P para sunduin ako. One week na ang nakalipas mula nung pambubully nila Amber sakin. Hindi naman na nila ako ginugulo………………………..pag kasama ko ang Black Knights at SISTAR. Pero pag ako lang mag-isa. Alam na. Pero hindi ko na sinasabi pa sa kanila. Wala pa namang ginagawa si Ren na matindi. Pero pag nakikita niya ako, Binabangga niya ako.

“Hey. Good Morning! Ang lalim ata ng iniisip mo?” Dumating na pala si T.O.P. Hindi ko manlang napansin!

“Hahah! Hindi naman!” Tinawanan ko nalang yung sinabi.

“So, Let’s go?” Tumango naman ako, para makapunta na kami sa school. Inilahad niya naman yung braso niya. Kumapit naman ako dun. Ganito kami araw araw. Parang kami na noh? Pero akala niyo lang yun. Mag best friends lang kami. Pag nasa school naman, hindi kami ganito na may skinship. Pero lagi kaming magkasama. At Sobrang OVER protective ni T.O.P! Pag kasama ko ang Black Knights lagi akong nasa gitna, tapos nakapalibot sila sakin. Pag pupunta ako ng restroom, papasok din sila ng restroom tapos nakabantay sila sakin kahit na magsusuklay lang ako ng buhok ko! Grabe diba? Pero okay lang. Kasi nararamdaman kong totoo silang kaibigan.

“SIS!” Ugh! Ayos na sana eh! Masaya nako eh! Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko siya. Unti unti nakakalimutan ko na siya. Pero tuwing nakikita ko tong babaeng to? Bumabalik lahat.

“Pwede bang sumabay ako sa inyo SIS?” Mas lalo akong nainis ng makita kong suot niya ang uniform ng CEA!

“Ba’t suot mo yan?” Malamig kong tanong sa kanya.

“Ah! Ito ba? Hahah! Duon na ako sa school niyo mag-aaral!” Napapikit ako, pati ba naman sa school, hindi niya ako patatahimikin? Mula sa bahay hanggang sa school makakasama ko siya! May tumulong luha sa mata ko. Kaya hinatak na ako ni T.O.P papunta sa sasakyan niya.

“Hindi ka pwedeng sumabay.” Malamig na sabi ni T.O.P

Sumakay agad ako sa sasakyan ni T.O.P. Pagkaupo ko sa passenger’s seat, umiyak na agad ako.

“Tahan na. Hayaan mo na yun. Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi natin siya magiging kaklase.” T.O.P. Alam kasi ni T.O.P kung bakit galit na galit ako sa half sister ko.

Pinaandar na ni T.O.P ang kotse niya. Nakarating naman agad kami sa CEA.

“Yoona, samahan niyo muna si Suzy, may kukunin lang ako.” T.O.P. Lumapit agad sila Yoona sakin.

“Suzy! Ano na?” Yoona

“Ha? Anong ano na?”

“ANO NA?! KAYO NA BA?!” Hyorin at Tiffany

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon