Suzy’s P.O.V
“Suzyyyy~ Eo leo na~ Suzzy-ah~ Eo leo nah~” (Suzyyyy~ Wake up~ Suzzy~ah~Wake upp)
Hmmmm…..Nagising ako dahil sa alarm ko cellphone.~hay. Dapat palitan ko na to simula ngayon. Haay.
Bumangon nako at nag punta na sa cr ko para gawin ang daily routines ko. Pagka ligo ay isinuot ko na ang uniform ng bago kong school. Hindi ko dn nakalimutan na magsuot ng mga accessories para magmuka akong isang NERD. Naglagay na din ako ng black na contact lense para hindi nila Makita ang tunay na kulay ng mga mata ko. Grey kase ang kulay ng mata ko. Pagkalabas ko ng cr ay nakitang kong nakahanda na ang pagkain ko at nakapatong ito sa ibabaw ng coffee table ko. Pumunta ako sa Balkonahe ko habang dala ang mga pagkain ko. Nakita ko naming sumunod sakin si Paris. Kumain na din ako para makaalis na ako.
Pagkababa ko sa Ground Floor ng palasyo ay nakahilera na ang mga maids at butlers.Sa pinaka harap ay si Tito Elmer. “Good Morning Young Lady” bati nila sken. D ko naman pinansin ang iba pero nginitian ko si Tito Elmer.
Maganda na sana ang araw ko kaso nasira agad. Aga aga =____= alam na. Ang babaeng buwitre.
“Suzy! Good morning! Umalis na ang daddy mo ng maaga para pumunta sa kumpanya naten.” Sabay yakap saken at beso beso.Kinikilabutan nanaman ako. PWE!
Itinulak ko ang mga braso nia na naka pulupot saken. Bigla namang nag-iba ang expression niya. Mula sa nakangiti na halata namang plastic ay tinaasan niya ako ng kilay.
“Aba! Sinuswerte kang bata ka ah! Kahapon pa ako nagtitimpi sayo ha!” Sabay sampal sakin.
Dahil sa sakit ay napaluha nalang ako. Hindi dahil sa masakit ang sampal niya sakin. Kund dahil, kung buhay pa si Mama, ay hindi sana mangyayari to. Tumalikod nalang ako para umalis na papuntang CEA. (Choi Elite Academy)
Sumakay na ako sa Limousine naming para pumunta ng school. Si Tito Elmer ang mag ddrive. Napansin niya sigurong umiiyak ako dahil tinapik tapik niya ako sa may balikat.
Choi Elite Academy
“Sige po Tito Elmer, Bababa na po ako.”
“Sige Iha, Mag-iingat ka.”
Bumaba na ako ng tuluyan. Habang naglalakad ako papuntang Registrar ay nakarinig ako ng mga bulungan. Actually parang di naman bulungan kase parang pinaparinig talaga nila.
“Yuck! Tingnan mo oh! It’s like sooo Eeww! Sobrang nerdy!”
“Oo nga girl! Look at those shoes! Halatang Mumurahin lang!”
Ang kapal ng muka nitong babaeng to. Mas mahal pa to sa buhay mo. Pero hindi nila alam na mayaman kami. Scholar lang kasi ako dito. Nagtitipid kasi ako. Hindi naman kasi si daddy ang gumagastos sa mga kaylangan ko. Ako ang gumagastos para sa sarili ko, galing sa sairili kong pera.
“Shemaaiii! So Kadiri! There’s another ugly nerdy sa school naten!”
BINABASA MO ANG
Run Away
Teen Fiction(Former I'm a Dancer and He's a Gangster!) A life full of LIES. Will you choose to LIVE with it? or RUN AWAY from it?