BUWAN NG WIKA SPECIAL !

225 33 2
                                    

ANG KABANATA NA ITO AY HINDI PARTE NG MGA IBANG KABANATA NA AKING ISINULAT NGUNIT ITO AY ESPESYAL KONG ISINULAT PARA SA ATING BUWAN NG WIKA.
-----------------------------------------------------
HUMIHINGI AKO NG PAUMANHIN SA MGA MALING PAG GAMIT NG SALITA O MGA ERRORS SA KWENTO NA ITO, SANA ITO'Y INYONG MAGUSTUHAN<3
------------------------------------------------------
Risa's POV:

Ngayong araw ang Buwan ng wika namin, ako'y nasasabik ngunit medyo kabado rin sapagkat ako'y sumali ng patimpalak at hindi ko alam kung ako'y mananalo o hindi

Ang tema ngayong buwan ng wika ay "Filipino, Wikang Mapaglaya.”

Ang aking kasuotan ay katulad lamang ng ibang mga tradisyonal na kasuotan ng ating kapwa pilipino

Natalaga rin saakin ang pag kuha ng mga larawan upang ito'y aming ma-ipakita sa ibang mga tao

|~ ⋆⭒˚.⋆🪐 ⋆⭒˚.⋆ ~ |

Pagka-pasok ko sa aming paaralan ay agad akong nabighani sa kasuotan ng ibang mga estyudante

Ang kasuotan nila ay nag bibigay simbulo ng ating wika at bansa

Sobrang nagagalak ako na may ganitong kaganapan sapagkat ako'y nagagandahan sa ating kultura na itinataglay

Pumasok ako sa aming silid-aralan at ang mata ko'y agad pumunta sa nag iisang tao

ANG GANDA MO NAMAN BINIBINI..

Inilalagay ko lang aking mga gamit sa aking upuan ng biglang

Tinawag kami na pumunta na sa lugar kung saan magaganap ang mga patimpalak

"Halika na Ris, punta na tayo at tayo'y tinatawag na" sambit saakin ng nag iisang tao sa silid-aralan

Agad naman niyang hinawakan ang aking kamay at kami'y pumunta na sa lugar ng pangyayarihan ng mga patimpalak

Habang kami'y tumatakbo papunta roon ay parang humihinto ang aking mundo sapagkat siya'y aking kasama

Nang makarating na kami sa lugar ay humanap kami ng upuan at umupo room

"Risa, diba sumali ka sa patimpalak ng pag-tula? Huwag kang sana kabahan ha, pag-kakatuwa lang naman 'yon hindi mahalaga ang manalo dahil manalo man o matalo importante ay ikaw ay masaya at iyong ginawa ang iyong nakakaya" pag papaalala ni Alice saakin

"Maraming salamat Alice, sobrang nakakatulong ito saakin kung hindi mo lang alam" Sambit ko sakanya ng may ngiti

Matapos ang ilang minuto ay nag simula na rin ang kaganapan

Nasaksihan namin ang mga iba't ibang talento na taglay ng aming mga kapwa estyudante

matapos ang mga ibang Grado sa kanilang pag-ganap ay ako na Ang susunod

Tumingin ako sa aking katabi at siya'y ngumiti saakin na para bang sinasabi na "kaya mo 'yan!"

Maligaya naman akong umakyat sa entablado at kinuha ang mikropono

Alice's POV:

Ang aking matalik na kaklase na si Risa ay sumali ng patimpalak, kitang-kita ko na siya'y nasasabik rito

Taas noo naman siyang pumunta sa entablado, halos wala kang makikitang kaba o takot sakanyang mukha

Nang nag simula siya sakanyang pag awit ay biglang tumigil ang aking mundo, para bang siya at ako lang ang nasa paligid

Ang boses niya'y sobrang nakakabighani, Ang sarap pakinggan..

Sa mga oras na iyon ay napakapayapa ng paligid, Ang kanyang maharlikang boses lang ang aking naririnig

Pati ang mga ibon na nasa sangga ng luntiang puno ay sumasabay sakanyang pag awit..
--------------------------------------------------------
NAWA'Y TAYO'Y NAG KAROON NG MALIGAYANG BUWAN NG WIKA! 🫶

HIGHSCHOOL WITH U ᰔᩚWhere stories live. Discover now