PLEASE KINDLY IGNORE ERRORS OR GRAMMATICAL ERRORS IN THIS STORY! I HOPE YOU ENJOY READING<3
-----------------------------------------------------Alice's POV:
Bumaba kami sa sinabing binababaan ni Risa, na enjoy ko naman yung biyahe ngunit mausok nga lang at medyo masikip
lalo na't hindi alam ni manong na nag ddrive kung pa'no tumansya ng body size ng tao, kung mag kakasya ba hindi
"Alice, mag-lalakad pa tayo galing dito papuntang bahay namin.. okay lang ba sa'yo?" tanong ni Risa nang tuluyan kaming makababa ng jeep
"okay lang naman" sagot ko sakanya sabay ngiti, tumango nalang siya at nag lakad na kami
habang nag lalakad ay hindi ko mapigilang itanong kung hanggang saan pa ang lalakarin namin
"malayo pa ba yung bahay niyo dito, Ris?" tanong ko sakanya at agad naman siyang sumagot saaking tanong
"hindi naman..."
"anong kanto ba 'yon?"
"kanto 10" saad niya sa'kin nang walang reaksyon o anuman
napahagikgik naman ako dahil sa paraan ng pag-kasabi niya nito sa'kin
"bakitk? ano meron?" tanong niya sa'kin na halatang nag tataka kung bakit ako natawa
ilang minuto pa ang nakalipas bago niya na realize "baliw, 'yon nga kasi 'yon" sabi niya't hinampas ang balikat ko
"yes, pero yung pagka-datingan niya kasi kapag sinabi mo" sagot ko sakanya nang natatawa pa rin na parang baliw kung akalain
⋆ ˚。⋆୨♡୧⋆ ˚。⋆
nakarating na rin kami sa bahay ni Risa at nagulat ako sa aking nakita, ito'y sobrang linis.. kitang-kita mo pa ang pag-kakinang ng kanilang mga gamit at sahig, ang sisipag grabe
tinawag naman ni Risa ang kanyang mga kapatid upang ipakilala kami sa isa't isa, sa totoo lang medyo nahihiya ako at kinakabahan pero syempre we can't show them that, dapat jolly lang, katulad ni Jollibee... hehe...
nang tawagin ni Risa ang mga kapatid niya ay biglang may lumabas galing sa isang silid, ito'y kalbo... kumikinang-kinang din ang ulo nito kagaya ng mga iba pang kagamitan sa loob ng ka-nilang bahay
"kapatid mo 'yan?" tinapik ko ang balikat ni Risa at siya'y tinanong
tumingin naman siya sa aking direksyon at sumagot "ha? yung nag-aayos 'yan ng CR namin dito"
siya po ba yung inidoro niyo? joke lang
matapos ang ilang minuto nang pag-hihintay na lumabas ang kanyang mga kapatid ay wala pa ring sumasagot at lumamabas
kaya nag patuloy na kami sa kanyang kwarto, pati dito sobrang organized...
"lagay mo nalang bag mo kahit saan, don't worry ako naman na nag-aayos ng kalat dito" ngumiti na lamang ako at binaba ang aking mga gamit na dala-dala dito
parang ang lambot tingnan ng kanyang kama, pati ba naman ito ay inaakit ako
"pasensya na kung makalat, ha? medyo 'di ko pa kasi 'to nalilinis eh" sabi sa'kin ni Risa, napatingin naman ako sa aming paligid nang may pag-tataka sa aking mukha
"ha? hindi pa ba 'to malinis sa lagay na 'to?" tanong ko sakanya
"hindi...?" sagot niya na para bang binabalik niya ang tanong ko sa'kin
naging tahimik ang silid na aming pinag-lulugaran, nahihiya nanaman ako dahil sa sitwasyon na kinalalagyan namin
ito talaga yung mga oras na kinakabahan ako, pag tahimik ang lugar na kinalalagyan
nagulat naman ako nang biglang may nag-salita at ako'y napabalik sa realidad dahil dito
"nagugutom ka ba? tara luto muna tayo pancit canton, hindi pa naman tayo nakakapag-simula ng ating gawain" pag-alok nito sa'kin
"sige" maligayang sagot ko sa kanya at sinundan siya palabas ng kanyang kwarto upang kami'y mag luto
nilabas niya ang pack ng pancit canton at kinuha ng lutuan para lagyan ito ng tubig at isalang na sa lutuan
hinintay niya itong kumulo bago ilagay ang pancit canton
tinitingnan ko lamang siya, inoobserbahan ang bawat galaw niya
nabalik naman agad ako sa aking katawan nang tawagin niya ako dahil luto na ang kanyang nilulutong pancit canton
sobrang simple nito ngunit kung tingnan at tikman ay sobrang malinamnam
hinalo niya ito at nag-salita "say ahh" utos nito sakin habang hawak-hawak ang tinidor na nakapulupot doon ang pancit canton
binuka ko naman ang aking bibig at ako'y kanyang sinubuan
"mhmm... ang sarap" sabi ko sakanya at napatawa naman kaming dalawa
˚₊‧꒰ა TO BE CONTINUED ໒꒱ ‧₊˚
-----------------------------------------------------nawala ko cellphone ko haha... eyuckz na koh, goiz.
YOU ARE READING
HIGHSCHOOL WITH U ᰔᩚ
FanfictionKILIG SERYE 😝😝‼️‼️ THIS IS FOR FUN AND ENTERTAINMENT ONLY This story is inspired by our old highschool love stories, the stories our parents might've told us when we were young or up until now. Alice and her "para-paraan" to her crushiekiks. Risa...