PLEASE KINDLY IGNORE ERRORS OR GRAMMATICAL ERRORS IN THIS STORY! I HOPE YOU ENJOY READING<3
-----------------------------------------------------
Alice's POV:We finally finished what we were doing, I stood up and stretched my arms, yawning as I did
Risa looked through her window then turned to me "Alice?" Tawag nito sa'kin
Napalingon naman ako sa kanya, grabe.. tinamaan nanaman 'ata ako ni kupido
Bumalik naman agad ang isipan ko sa realidad at sinagot siya "Yes? Bakit?"
"Naulan nang malakas... Gusto mo mag stay ka muna dito?" Para sa'kin, parang ang lambing ng tono niya ngayon
"Wait, I'll say it to dad muna" sagot ko sa kanya at ngumiti
I grabbed my phone and quickly texted my dad, I'm not really sure if he'll respond or see my text but it's important that I update him
After kong gawin iyon ay sumunod ako kay Risa na nasa balkonahe nila, tumabi ako sa tabi niya
pinagmasdan ko ang aming kapalirigan, bumalot ang katahimikan sa balkonahe, tila huni ng mga ibon na sinisilungan ang luntiang mga puno sa paligid at patak NG malakas na ulan ang aming naririnig
Tahimik man ang lugar na kinatatayuan namin ngunit komportable naman ako rito, mapayapa lang ang paligid
Time skip
"Alice, nag handa na'ko ng damit mo sa guest room, mag-palit kana" Sabi sa'kin ni Risa ng pumasok ulit siya sa kanyang kwarto
"Sige, salamat..." Tugon ko sa kanya at tumungo na sa guest room, medyo nahihiya nanaman ako sa kanya
Nag-hugas ako ng aking katawan at sinuot na ang inihandang damit sa'kin ni Risa, sakto lang naman siya sa hugis ng katawan ko
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at may nakita akong message, binuksan ko agad ito
Matapos ko naman itong sagutin ay binaba ko na ang cellphone ko sa lamesa na katabi ng kama
Sinubukan kong matulog ngunit hindi ko kaya, natatakot ako sa kulog at kidlat...
Dalawampung minuto lang ang kinaya ko mag-isa, nanginginig na ang katawan ko sa takot kaya nilakasan ko na ang aking loob na pumunta sa kwarto ni Risa
Yakap-yakap ko ang unan galing sa guest room na ibinigay sa'kin ni Risa, Nakabalot rin ako sa kumot dahil nilalamig ako
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Risa, Kumatok muna ako at nag-salita
"Risa...? Risa... Risa?..." Pag-tawag ko sa kanya ng mahina kasabay ang pag-katok sa kanyang pintuan
"Hmm? Sino 'yan?" Tugon nito sa akin
"S-si Alice 'to.." sagot ko naman sa kanya
"Pasok..." Sabi nito at agad kong binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto
"Bakit?" Tanong nito sa akin
"P-pwede bang dito a-ako matulog? Natatakot k-kasi ako sa kulog a-at kidlat" Nauutal kong pag-sabi sakanya dahil nahihiya ako
"Mhm.. Sige, dito ka na lamang sa aking tabi.. kung ayos lang sayo?" Sabi naman nito ng may pa-tanong sa dulo
"O-okay lang" nahihiya kong sagot, ramdam ko ang pamumula ng aking mukha sa oras na iyon
Agad akong tumabi sa kanya, magka-talikod naman kami kaya okay lang rin
Pero kahit gayón man, ramdam ko pa rin ang init ng aming katawan sa ilalim ng kumot, 'yon rin naman ang nakapagpa-tulog sa akin
Risa's POV:
Nang tumabi sa akin si Alice ay bigla nalang uminit ang aking katawan, Hindi ako gaano sanay na may katabi matulog
Rinig ko ang kulog at kidlat na tinutukoy niya sa akin kanina
Hindi ako maka-tulog ng maayos sa side kung saan ako naka-harap kaya humarap ako sa kanya, nagulat ako at naka-harap rin pala ito sa akin
Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa
Hindi ko maiwasan pag-masdan ang kanyang maamo at kabigha-bighaning mukha, Ang kinis at ang puti,
Ang ganda ng kanyang mga mata, simula rito hanggang sa kanyang labi ay napaka-ganda
I just know her parents give each other a high-five whenever they see her beautiful face.
Hindi ko nga alam kung bakit wala pa itong kasosyo, Sa gan'tong ganda niya? Wala pa siyang kasosyo? Medyo hindi ito kapani-paniwala para sa akin
Dahil...
Kung lalake ako, magugustuhan ko siya ng lubos.
Pia's POV:
may itatanong sana ako sa nakakatanda kong kapatid kaya ako ay pumunta sa kanyang silid
Kumatok ako sa kanyang pintuan ngunit walang sumasagot kaya binuksan ko na lamang iyon
Nagulat at kinilig naman ako sa aking nakita nang buksan ko ang kanyang pintuan papasok sa silid niya
Agad kong kinuha ang aking cellphone at sila ay kinunahan ko ng litrato
Kitang-kita mo pa nga na sobrang himbing ng kanilang tulog, magka-yakap pa talaga
Mapapa-"sanaol" ka nalang talaga sa posisyon nila ngayon, grabe 'yan ba talaga ay mag "kaibigan" or mag "ka-ibigan" ?
Napa-tawa at napa-ngiti na lamang ako mag-isa at iniwan na ang dalawang mahimbing ang tulog
˚₊‧꒰ა TO BE CONTINUED ໒꒱ ‧₊˚
-----------------------------------------------------
Hellurrr, Happy October month 😝
"My girl, my girl" Nanaman siguro yung iba d'yan HAHAHAHA, shanuh oill 🥹🥹Xori rin pala kasi ang tagal kong mag ud, Madami talagang binibigay na school works kaya tambak na ang gawain, Sabayan mo pa ng sunod-sunod na events.. jusko! 😔✋
YOU ARE READING
HIGHSCHOOL WITH U ᰔᩚ
FanfictionKILIG SERYE 😝😝‼️‼️ THIS IS FOR FUN AND ENTERTAINMENT ONLY This story is inspired by our old highschool love stories, the stories our parents might've told us when we were young or up until now. Alice and her "para-paraan" to her crushiekiks. Risa...