KABANATA 10

58 0 0
                                    

KEZELLA 

Papalapit ako sa pwesto namin kanina, doon nakita ko si zeck na prenteng naghihintay sa akin habang may mga pagkain na naghihintay sa mesa. Inayos at pinakalma ko muna ang sarili bago tumungo sa kanya 

" Zeck I'm sorry sa paghihintay nasa powder room lang ako " saad ko at niyakap, bahagya pa siyang nagitla 

" Why? what happened to you? Bakit hindi mo ako hinintay nang masamahan kita " Nag-alalan tanong niya

Umiling lang ako " hindi okay lang " sagot ko

" kumain ka na, I'm sure you're hungry " saad niya pero tinignan ko lang siya gamit mga matamlay kong mata " bakit? " Tanong niya ulit 

" Pwede umuwi na tayo? Pagod na ako " nakasimangot kong sabi, ito na ang huling pagpapa baby ko sa kanya dahil iiwan ko na siya bukas mammimiss ko ang lahat sa kanya

" Are you sure? kumain ka muna " umiling lang ulit ako dahil hindi ko na masikmura ang lugar na ito

" Okay, wife magpapaalam muna ako kay lolo " ika niya, tumango naman ako. He's perfect man kung ilarawan ko siya, I know he loves me and I do loved him too but hindi ko rin kayang mawala ang pamilya ko sa akin.

Umalis siya upang magpa alam sa kanyang lolo, hindi na ako sumama dahil plastikan lang din naman ang ibabato namin sa isa't isa ng lolo niya.

Ilang minuto ang dumaan, nakita ko si Zeck na papalapit sa pwesto ko kaya tumayo ka agad ako dahil gusto ko ng umalis sa lugar na 'to na pinalilibutan ng masamang tao. Totoo nga ang sinabi nila, iilan lang sa mga mayayaman ang makikisamahan mo dahil marami sa kanila ang mata pobre at mapang husga sa kapwa tao 

Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni zeck nang makarating kami sa parking lot ng kotse. Agad akong pumasok roon at sinandal ang ulo sa upuan. Pumasok rin si Zeck bago pina andar ang makina at pinaharorot.

Tumingin ako sa labas, ito ang kauna-unahan kong maka punta rito at makakita ng nagtatayugang building. Sadyang napaka laki ng Maynila 

Bigla ko namang naalala ang mga sinabi ng lolo ni Zeck sa akin kanina na nagpapasakit ng isip at damdamin ko. Bakit siya ang nag didisisyon sa buhay ng apo niya, akala ko pa naman maging maganda ang pakikitungo ng lolo niya sa akin dahil gusto niya akong makilala 'yon pala may balak siyang paghiwalayin kami nang hindi nalalaman ni Zeck 

KINABUKASAN Ay maaga akong nagising dahil may kung sinong humalik-halik sa mukha ko

" Wife, wake up " alo sa akin ni Zeck nagtalukbong ako ng kumot para hindi niya ako ma disturbo. Inaantok pa ako e 

" Wake up, wife pupunta ako ng Manila ngayon " hindi ko siya pinansin. I know because pupunta sila ni Cassandra sa England dalawa " wife " tawag niya ulit sa akin. Umupo ako, pinasadahan ko siya ng tingin dahil ito na ang huli kong makikita ang gwapo niyang mukha. Naka formal siya na kasootan at talaga namang bumagay sa kanya, mas lalo siyang gumwapo

" Ang gwapo mo, Zeck " puri ko sa kanya he just smile that make him more handsome

Ngayon palang ay nasasaktan na ako, nasanay na akong narito ayuko mang iwan si Zeck pero kailangan.

Oo nga naman tama ang lolo niya ano naman ang mapapala niya sa akin kung ako ang papakasalan niya, wala siyang mahihit-hit sa akin dahil mahirap lang ako, wala akong anumang yaman 

Wala akong laban sa lolo niya, sobrang yaman nila kaya wala akong laban at mas mabuting sundin ko nalang ang lolo ni Zeck at baka 'yon pa ang ikakapahamak ng pamilya ko. I know Cassandra is much better than me, sa yaman palang nito ay titiklop ako

" Sana maintindihan mo ako sa pagdating ng panahon " saad ko ng wala sa sarili

Kumunot ang nuo niga " Ano? What did you say? " Naguguluhan niyang ika, napabalik ako sa huwisyo

TAMING THE BEAST BILLIONAIRE Where stories live. Discover now