KABANATA 5

67 10 0
                                    

THIRD PERSON

Sa loob ng sasakyan ay hindi matigil ang iyak ni, Kezella mapula na ang kanyang mga mata sa kakaiyak at naririndi narin ang tiyahin nito sa mga hikbi ng dalaga. Hindi mawari'y ng dalaga kung bakit ganito ang kahihinatnan ng buhay niya kahit nama'y wala siyang kasalanang ginawa sa kapwa tao niya pero parang pinaparusahan siya nang diyos sa kanyang mga nararanasang sakit

" P*tik na yan! Ba't ayaw mong tumigil?! " Inis na ani nang tiyahin niyang masama " sobrang naririndi na ako sa iyak mo! Lolo! Lolo! P*gangina patay na ang lolo mo. Pinatay ko! " Talagang pinaninindigan pa ng ginang ang ginawa nito sa lolo ni Kezella

Mas lalong umiyak ang dalaga sa narinig. 'Diyos ko, iligtas niyo po ang lolo ko. Protektahan niyo po silang lahat' dasal ng dalaga sa isip

" Hindi totoo yan, hindi pa patay ang lolo ko! " Galit na sigaw ng dalaga habang ito'y umiiyak

" Nakakarindi ka, sana pinutok ka nalang ng ama mo sa kumot nang sa ganun ay hindi mo maranasan ang kalbaryong to " agad natawa ang ginang pagkatapos sabihin ang salitang iyon

" Ang sama mo! Wala akong kadugong kagaya mo at ni papa, dahil kagaya nang sinabi ni mama. Mas masahol pa kayo sa d*monyo! " Mas lalong humalakhak ang masamang tiyahin ng dalaga

" Dahil kaibigan namin si s*tanas " tila baliw nitong ika

" Bal*w! Isa kang bal*w! " Sigaw nang dalaga sa inis ngunit halakhal lang ang ginawad ng tiyahin nito

APAT Na oras ang biyahe bago sila makarating sa, Manila habang ang dalaga'y tulog na sa kakaiyak kanina

" Buhatin mo siya " utos ng ginang sa kanyang isang tauhan. Agad itong binuhat ng bodyguard na tila isang bagong kasal

Pumasok sila sa mamahalin at napakalaking bar. Sa daanan pa lang ay nakakasulasok na amoy ng sigarilyo agad ang bungad, sigawan, ka laswaan, at sayawan na tila hindi na alam ng mga taong ito ang kanilang mga ginagawa.

Nagising si Kezella dahil sa ingay at amoy na narinig niya. Agad siyang nangisay upang makatakas sa kamay ng tauhan ng kanyang tiyahin ngunit pinatayo lang siya nito at hinawakan ang braso upang hindi makatakas. Walang magawa ang dalaga  kundi ang ang sumunod dahil naka sunod pa ang armadong tauhan ng kanyang tiyahin sa kanilang likuran kaya't maling galaw niya lang ay talagang bubulagta siya

Hindi alam ng dalaga kung nasaan siya, ang alam niya lang ay gusto niya nang umuwi upang makita ang kalagayan ng kanyang lolo dahil labis siyang nag aalala rito

Hindi rin mapigilan ng dalaga ang tumingin sa mga kababaihan na pinag fiestahan ng mga lalaki na tanging bra at panty na lang ang soot habang nasa gitna ito ng intablado at sumasayaw pa ng sobrang laswa. May iilan din siyang nakikitang naghahalikan at halos gumawa na nang milagro, nag iinuman at masasayang pinagmamasdan ang babae sa harap na tila gustong gusto ang ganitong iksina. Halos mangilabot si Kizella sa kanyang mga nasasaksihan

Umakyat sila sa isa pang palapag na kung saan bumungad ang isang malditang bakla dahil sa makapal at matalim nitong kilay

" Hello mare, anong sadya natin? " Bungad agad ng bakla at bumeso sa ginang

" Meron akong dala " tukoy nito kay Kezella na prenting naka tayo at nakayuko lamang ang at hindi umimik

" Abaa maganda to ah, saan mo nakuha to? " Masayang ani ng bakla habang tinitignan ang dalaga nang kabuuan

" Ano ka ba! Bayad lang din 'yan sa utang ko. May nagka utang kasi sa akin " saad nang ginang habang natatawa ito

Akala pa naman nang dalaga ay kukunin siya upang ampunin pero hindi pala dahil dito pala siya balik dalhin nang kanyang masamang tiyahin

TAMING THE BEAST BILLIONAIRE Where stories live. Discover now