KABANATA 12

97 0 1
                                    


KEZELLA

Nang makarating kami sa Empire Company ng kleyente ko ay sa labas palang andami ng mediang kumukuha at nag aabang sa amin, well hindi na bago sa amin ang ganitong tagpo

Sobrang laki ng kompanya at may ilang palapag, kung sa taas ka titingin ay malulula ka talaga rito sa ibaba sa tayog ng building

Binati pa kami ng dalawang security guard sa labas ng glass door ng kompanya. Sa lobby palang ay pinag titinginan na kami ng mga empleyadong nakapansin sa amin, may iilan ring nakangiti at kumukuha rin ng mga litrato

" Good afternoon Mr. Delgado. Our boss is already waiting you and Miss Salsiva in his office " bungad sa amin ng babaeng nasa front desk, binalingan ako nito ng tingin at ang ngiti na halatang may kung anong gustong itanong, seguro curious siya sa nangyari sa pesngi ko

" Okay thanks " tanging sambit ni Ali. Agad kaming umalis at nag lakad papuntang elevator, buti nalang rin at kami ang nakasakay lang rito ngayon. Hinayaan kong si Ali ang mag pindot ng button dahil siya naman ang may alam kung saan kami hihinto na floor

Sa elevator palang ay nadagdagan na naman ang kaba ko. Nakita ko naman ang pinindot ni Ali na 20 floor, hindi naman talaga maipagkakaila na madaming floors ang gusaling ito dahil ito ang main building ng may-ari ayon sa sabi ni Alindrei

Nang makahinto kami sa floor na pinindot ni Ali kanina ay agad kaming lumabas roon at naglakad sa office ng may-ari

Sa harap palang ng pinto ng office ng CEO ay mas dumoble na ang kabang nararamdaman ko, shocks! Bakit ang likot ng puso ko?

Nakita naman namin ang isang lalaking nag-aabang sa labas at kita ko rin ang maliit na name tag niya sa kaliwang bahagi ng dibdib niya na Secretary Troy

" Good afternoon sir, ma'am. Pasok po kayo sa loob " binuksan nito ang pinto ng office ng amo niya kaya agad kaming pumasok roon habang nagpa-iwan ang personal assistant ko sa labas ng office

Mangha akong napatingin sa kabuuan ng office niya dahil sa laki at ganda, black and white ang kulay, sobrang linis rin at amoy na amoy ko ang perfume ng panlalaki na talaga namang nanoot sa ilong ko. Mangha pa akong napatingin sa salamin na dingding dahil kita ang kabuuan ng lugar sa labas

" Have a seats " a cold baritone voice said. Bigla akong nanlamig sa kinatatayuan tila naging tuod ako, nagdadalawang isip akong lumingon sa nagsalita na 'yon dahil sobrang pamilyar ng boses niya. Sana nagkakamali lang ako

" Thank you Mr. Cozares" para akong nabunotan ng tinik sa lalamunan ng magsalita si Ali dahil mali pala ako ng akala

Agad akong lumingon habang may maliit na ngiti sa labi " Hello— " babati sana ako kay Mr. Rosario nang makita ko ang mukha niya...

Nanlaki ang mata ko

Parang akong aatakihin sa puso ng makita ang mukha ni Zeck sa harapan ko, prente itong nakatingin sa akin tila kanina pa ako tinititigan. Nanuyo bigla ang kalamnan ko, hindi na makapagsalita sa kaba

" Kezella what's wrong? " Tanong ni Ali. Umiling lang ako bilang sagot habang hindi inaalis ang tingin kay Zeck

Ang mariin niyang titig ay hindi ako tinatantanan, para akong pinapatay sa isip niya dahil sa titig niyang  kakaiba

" Keze sit-down " saad ni Ali, napalunok ako ng sarili kong laway at nabalik sa huwisyo. Pilit kong pinapakalma ang sarili sa kaba at umupo sa tabi ni Ali

T*ngina kailan pa naging Cozares ang apilyedo niya?

" I'm sorry for inconvenience but Cozares isn't my last name " He said in a cold tone as he sat down on the couch. Tinitigan ako nitong muli kaya nag iwas ako ng tingin

TAMING THE BEAST BILLIONAIRE Where stories live. Discover now