KABANATA 1

201 11 0
                                    

KEZELLA

Tulala akong nakatingin sa kawalan nang nasaksihan at naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Si mama, ang ina kong wala nang buhay na naka handusay nang makapasok ako sa loob ng aming bahay ang daming dugo na kumalat sa papag habang ama ko'y tila natauhan sa kanyang ginawa ngunit bigla nalang rin itong tumawa na tila wala sa kanyang sarili't katinu-an na parang baliw

" Hija, okay ka lang ba? " Untag ni lola, Mersing sa kawalan. Isa siya sa kapitbahay naming sumaklolo kanina

Paghingi ko ng tulong kanina'y siya at ang asawa niyang si lolo Damian agad ang unang pumunta sa amin upang sumaklolo. Kanina lang ay dinampot si papa ng mga pulisya at kanina lang din kinuha ang bangkay ni mama

" O-opo lola " bahagya pang nautal unang pagbigkas ko sa unang kataga dahil seguro sa pagkabigla ko

" Pasensiya kana hija hindi agad kami nakasaklolo, sana buhay pa ang mama mo " malungkot na saad ni lola, Mersing. Hindi ko naman siya masisisi dahil wala silang kasalanan, ang ama ko ang may kasalanan

" Lola, wala naman po kayong kasalanan bakit ho kayo humihingi ng pasensiya? Si papa po ang may kasalanan, wala na pong iba " sabi ko. Pinipigilang hindi maluha

Sobrang nakakadismaya si papa at sobra ko siyang kinamumuhi-an, akala ko pa naman mahal na mahal niya kami, akala ko hindi niya kami sasaktan pero mali ako dahil nakaya niyang kunin ang buhay ni mama ng wala man lang kalaban-laban

" 'wag ka ng umiyak hija, lakasan mo ang loob mo may dalawa ka pang kapatid kaya't tatagan mo ang iyong loob " hindi ko na namalayan na tumulo na pala talaga ang mga luha sa mata ko, napakagat labi ako bago tinu-on ang paningin sa dalawa kong kapatid na ngayon ay pilit pinapatahan ni lolo, Damian

Doon ko nakita ang mga kapatid kong kawawa dahil walang humpay ang iyak nilang dalawa. Wala pa silang kamuwang-muwang at hindi pa nila alam ang mga nangyayari ngunit sa nakita koy parang alam na nila ang mga pangyayari

" Hindi ko po alam ang gagawin lola " ika ko sabay hagulgol ng iyak " ano nang gagawin namin? " Dagdag ko

Tinapik ni lola, Mersing ang balikat ko " 'wag kang mag alala ako muna ang mag aalaga sa inyo magkakapatid kami ng lolo, Damian mo hanggat walang ibang mag-aalaga sa inyo " sagot ni lola, agad akong napatingin sa kanya at niyakap ng mahigpit

" Salamat po lola parati kayong andiyan para sa amin, kahit paman noon ay lage niyo na kaming tinutulungan walang katapusan ang pasasalamat ko sa inyo " mahaba kong usal habang nakayakap kay lola, Mersing

ILANG Buwan ang nakalipas napag alaman kong humihit-hit si papa ng ipinagbabawal na gamot at nagbebente rin ito kaya pala kada uwi niya sa bahay galing baryo ay tila wala siya sa sarili, palaging humihingi ng pera kay mama, kinakamot ang ilong, nanlilisik ang namumulang mata

Ilang buwan naring nailibing ang mama ko, ni isang kamag-anak ay walang dumalo tanging mga kapitbahay namin ang tumulong sa lahat ng gawain dahil sa katunayan wala kaming kamag anak rito sa probinsiya na tinirhan namin maski kamag-anak ni papa ay wala rin ewan ko ba kung bakit wala kaming kamag anak rito. Gabi-gabi kong iniisip kong anong gagawin ko, buti nalang at andiyan si Lola Mersing at Lolo Damian na nag-aalaga sa amin

Sina lolo at lola ay may anak na tatlo puro lalaki at kasalukuyang naninirahan sa Manila ang isang  panganay na anak dahil sa meron itong business na pinapatakbo habang ang dalawa ay pumunta ng ibang bansa at doon may trabaho at sariling kompanya, ganyan ka yaman ang mga anak ni lolo at lola pero titignan mo silang dalawa ay simple lang dahil sa bahay nitong kubo pero sobrang malinis at puno pa ng halaman at gulay dahil mahilig mag alaga si Lolo at lola ng mga tanim. Kada buwan ay pinapadalhan lang ng pera sina Lola, Mersing at Lolo, Damian ng kanyang mga anak, wala naman silang mga kasama pa dito sa bahay nila maliban sa amin dahil doon na nakapag asawa ang mga anak nila at meron na rin silang apo roon.

TAMING THE BEAST BILLIONAIRE Where stories live. Discover now