KABANATA 3

136 8 0
                                    

KEZELLA 

Alas sais trese na pero hindi pa kami tapos mag insayo. Kami lang din ang gumawa ng steps dahil madali lang namin, una naming pinagpractisan ang modern 

Hindi naman pala sila mahirap turuan dahil seryuso sila sa pag papractice namin, kung may ibang hindi pa makuha agad ang steps ay tinuturuan ng classmates ko. Ito talaga ang susi ng tagumpay e, ang pagtutulungan ng bawat isa sobrang matutuwa ka talaga kapag ganito ka pursegido ang mga ka klasse mo 

Pasado alas otso na nang gabi pagkatapos naming mag insayo, napagdisisyonan naming pumunta sa bahay nina Nhate dahil ito ang napagka sundu-an namin na doon kami maghahapunan sa kanila, uuwi na sana kami ni Ashley at Camelle pero pinigilan nila kami kaya wala kaming nagawa kundi sumama.

Isang village ang pinasukan namin kaya't gayon nalang ang pagka mangha sa iilan sa amin. Marami kasi kaming ka klasse na mayayaman kaya't kaming mahihirap mamangha talaga kapag bago pa naka apak sa magandang lugar. Hindi nga sana kami papapasukin ng security guard kanina buti nalang at dumating si Nhate dala ang kotse niyang Ford, ang yaman niya talaga 

Nang makarating kami sa tapat ng gate sa bahay ni Nhate ay agad agad kaming pinagbuksan ng dalawang gwardiya na parehong naka uniporme, dalawang gate talaga ang binuksan nila para makapasok kaming sabay-sabay. Grabe ang laki ng bahay nila, sa sobrang laki ay parang maliligaw ka sa loob nito sobrang ganda dahil halos lahat ay salamin 

" Grabe ang ganda dito " manghang saad ni Ashley habang tumingin sa kabuo-an ng bahay 

" Sinabi mo pa " sang ayon ni Carolin 

" Pumasok na kayo " aya ni Nhate habang nasa malaki siyang pintuan nila nag aabang 

" Talaga namang bigatin ang anak ng mayor " saad ni Josh, napakamot nalang ng batok si Nhate 

Pumasok kami sa loob ng bahay at hindi namin akalain na mas lalo pa pala kaming mamangha sa ganda ng loob, malaking chandelier agad ang umagaw sa attention namin at ilang mga furnitures na alam kong mga mamahalin. Nakita ko naman ang mga kasambahay nila na abala sa paghahanda ng mga pagkain at mas lalo pa nilang binilisan ang kilos nila nang makita kami nito. Masyado seguro kaming nakaka abala

" This is so insane " manghang manghang saad ni Carolin habang nililibot ang paningin sa kabuo-an ng paligid

" Oh andito na pala ang mga ka klasse mo anak " sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita na alam naming ina ni Nhate dahil sa soot nitong magarang kaso-otan idagdag mo pa ang mga kumikinang-kinang na mga alahas, sobrang ganda niya kahit may edad na

" Hi mom " bati ni Nhate sa mommy niya

" Hello po " 

" Magandang gabi po " 

Kanya-kanyang bati namin

" Magandang gabi rin sa inyo, oh siya segi ma-upo na kayo, at marami akong pinahandang pagkain, I'm sure gutom na kayo " naka ngiting sabi ng mommy niya pagkatapos bumaba ng hagdan. Tahimik lang kaming lahat magkaka-klasse 

Sumunod naman kaming lahat ng pumunta si Nhate sa hapag kainan. Grabe pati mesa ay gawa sa mamahaling salamin at ang haba talagang pinaghandaan nila ang pagdating namin dahil naka handa na lahat 

Nang maka upo kami ay sakto naman ang pagdating ng ama ni Nhate, si mayor Salazar.

" Hello mayor " bati namin. Ngumiti lang si mayor bago bumeso sa pesngi ng kanyang asawa niya at umupo sa dulo at gitnang bahagi.

Bago namin simulan kumain ay nagdasal muna kami. Pagkatapos ng dasal ay agad kaming kumain, nakita ko pa Hiro na naunang sumandok ng kanin at ang dami pang kinuha, actually matakaw talaga siya sa pagkain kaya't palihim kaming natawa 

TAMING THE BEAST BILLIONAIRE Where stories live. Discover now