KABANATA 17

119 0 0
                                    


KEZELLA

Andito ako sa veranda, it's already 4:30 in the afternoon at palubog na ang araw, sobrang ganda ng sunset. After kong malaman na buntis ako parang gumaan ang pakiramdam ko

" Baby I'm sorry kung masyadong nagpa apektu si mommy sa mga nangyayari, hindi kasi alam ni mommy na andiyan ka na pala sa tummy, pasensiya na kung palaging nagpaka pagod si mommy. Pangako mag-iingat na si mommy para sa'yo " hinimas himas ko ang tiyan ko kahit wala pa namang umbok ito. Kaya pala may hindi na nagkakasya ang mga sinosoot ko dati, akala ko nanaba lang ako ng kunti pero buntis na pala ako kaya pala lumaki ng bahagya ang balakang ko

" Wife. . . " Nabaling ang tingin ko kay Zeck ng lumabas siya rito sa veranda ng kwarto ko.

Umalis na kasi kanina si Trisha at ang doctor, nagpa-iwan rito si Zeck para alaagan kuno ako pero hindi pa kami bati, at hindi ko pa siya pinapatawad

" I know you're hungry, I really tried to make it perfect pero ganito talaga ang resulta " nahihiya niyang sabi at pinakita sa akin ang ginawa niya

Tumaas ang kanang kilay ko dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang puto cheese

" This isn't a puto cheese anymore Zeck. Toasted puto cheese na 'yan " mataray kong ika

Sabi niya kasi kanina magsabi ako ng gusto kong kainin then nag request ako ng puto cheese dahil matagal na akong hindi nakakain nun tapos ngayon makikita ko na nasunog yung puto cheese niya

" Gross! " Dagdag kong ika, napakamot siya ng batok at hilaw na napangiti

" Akala ko madaling gumawa nun, mahirap pala " nakangising saad niya

Ewan ko, naiinis ako sa pagmumukha niya sa tuwing nakikita ko siya

" Anong kakainin ko ngayon? " Malditang tanong ko at pina-ikotan siya ng tingin

" Mag oorder nalang seguro ako " hinugot nya ang cellphone sa bulsa niya kaya tinaasan ko na namn siya ng kanang kilay

" No! Ikaw ang gumawa, ikaw ang gusto kong gumawa ng puto cheese ngayon din. Dapat mga 5 pm tapos na, go! " Mataray kong utos habang naka kibit balikat at seryusong nakatingin sa kanya

" B-but. . . "

" That's my order Mr. Zeck Gideon Valdemosa, gusto mo bang magutom kami ng anak mo? " Pinandilatan ko siya ng dalawa kong mata kaya agad siyang tumiklo

" Yes, master " pagsuko niya at tumayo bago nag martsa papunta sa loob. Lihim akong napangisi

I know how happy he is nang malaman niyang magkaka anak na kami. Napaka priceless ng reaction niya kanina he even cried in front of me at sinabi niya sa akin kung gaano siya kasaya, damang-dama ko ang saya niya

Masaya rin ako para sa aming dalawa, masaya ako dahil unti-unti na kaming bumuo ng pamilya hindi ko lang pinapahalata sa kanya iyon dahil baka maiwan na naman akong luhaan. Gusto ko parin marinig ang paliwanag niya, gustong gusto ko lalo na ngayong gusto kong mamuhay kami ng matiwasay, gusto kong magpaliwanag siya sa akin para maunawaan at maintindihan ko, handa akong patawarin siya alang-alang sa magiging anak naming dalawa

Biglang na naman akong naduduwal kaya dali-dali akong pumunta sa loob at nagtungo sink at doon pinakawalan ang likidong gustong lumabas. Nakita ko si Zeck na agaran akong sinaklolohan at hinimas-himas ang likuran ko, nakakapanghina everytime nasusuka ako

Agad niya akong kinuhanan ng upuan at pinaupo bago binigyan ng tubig. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago pinakalma ang sarili

" Baby sabihin mo lang sa akin kung anong problema at anong masakit okay? I got you always " umupo siya ng bahagya sa harapan ko at hinahalik-halikan ang dalawang kamay ko

TAMING THE BEAST BILLIONAIRE Where stories live. Discover now