Kabanata 13

348 14 4
                                    




Kumakalabog ang dibdib ko dahil sa kahihiyan na natamo. I bowed my head at him and didn't say a word before walking past him, going out of the comfort room even though I could feel my face heating up.

His dark eyes followed me.

Nang makalabas ako ay tiningnan ko ang sign at... gosh! He's right! Men's washroom nga ang nagamit ko. Mabuti nalang ay walang tao kanina nang gumamit ako, kung hindi pa siya gumamit ay hindi ko malalaman...

Isang beses kong nilingon ang comfort room bago ako napalunok ng dalawang beses.

I rolled my beautiful big doe eyes with poise and graciousness.

A good looking bitch don't gonna worry. Ano naman kung namali ako ng washroom na ginamitan? It's not like I did something wrong or whatever. Wala namang nakaka-alam sa mga tao rito na tinatago ko Espada ni Panday sa thong ko. Hays.

At least naka-tayo pa rin ako minsan umihi kapag ihing-ihi na talaga ako. Hindi ko ba aminin? Deadma.

Sinalubong ako ni Eros na nag-aalala ang guwapong mukha. It must have been evident in my facial expression so I cleared my throat before smiling at him.

"Bakit?"

"It's nothing, uh, si Hunter—"

May biglang umakbay sa akin na braso kaya agad akong bumaling dito. Dumaan ang iritasyon sa mukha ko pero agad iyong nawala nang makita ko ang itsura ni Hunter na malaki ang ngisi habang naka-tingin kay Eros na kunot na kunot ang noo at salubong ang makakapal niyang mga kilay.

"Heard you're looking for me, Reese? Bakit?"

"Ah, kasi—"

Bumaba ang mga mata sa akin ni Hunter at bumilog ang mga mata niya at umawang nang bahagya ang kanyang bibig. He stared at my face so intently that I had to move and was about to push him because he was too close, hindi na ako kumportable lalo na nang mas inilapit niya ang kanyang mukha pagkatapos yumukod. His forehead creased as he was scrutinizing my face.

What is he doing?!

I grimaced when he pulled me even closer using his arm, kasi nga naka-akbay siya sa akin, as he scanned my face with his stunned eyes. Tinulak ko ang kanyang pisngi gamit ang hintuturo ko. Feeling close naman 'to!

Pero keri na, guwapo naman siya tapos yummy rin ang bortang katawan. Mabango. Puwede na maging kalaplapan. Chariz!

Malandi ba ako? Crush ko pinsan niya tapos ngayon sasabihin ko na puwede siyang maging kalaplapan?

Mabuti nalang talaga ay hindi siya bad breath dahil kung mabaho ang hininga niya ay baka nasampiga ko na siya sa pisngi. Maarte kaya ako. Hindi ba ako maarte?

Tumuon ang mga mata niya sa kissable lips kong hugis-puso, na talagang kinai-inggitan ng mga chararat sa akin.

"Are you really a trans? Bakit sobrang ganda—"

"Get your arm off of her, Hunter. Can't you see that she's uncomfortable?" Sikmat ni Eros at siya na mismo ang humawi ng braso ni Hunter sa balikat ko habang masama ang tingin sa pinsan.

"Dude, chill. Eh, friends na kaya kami ni Reese. At ikaw na mismo nag-sabi na hinahanap niya ako, nabitin tuloy ako kay Victoria,"

Friends? Siya lang naman ang nakaka-alam na friends na kaming dalawa...

"Bakit mo nilalapit ang mukha mo sa mukha niya? You look like you're going to kiss her or something!" Umiigting ang pangang sikmat ni Eros. Shucks...

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon