Kabanata 14

258 16 3
                                    




I woke up this morning feeling energetic. Kaya naman habang nag-aayos ako ay kausap ko ang kaibigan ko sa video call sa Messenger. Himala, active ang mga chararat. Kitang-kita ko mga recent post nila sa social media kasama ang family nila.

"Tell us more about what happened in the party! At Anong ginawa niyo sa Calaguas Island?! Gosh! Ibang klase pala 'yang dream guy mo!" Kinikilig na sabi ni Serena at sunod-sunod ang pang-uusisa niya kaya mahinang natawa si Vienne na nagbabasa na naman ng Manga pero nakikinig sa usapan namin. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok gamit ang aking mga daliri matapos ko itong i-blower. Smooth and manageable! Baka Sunsilk 'to?

Ano? Hindi pa ba sila satisfied sa fairytale-like storytelling ko? Eme.

I smirked, not planning to spill more. "Nasa Baguio ka ngayon 'di ba? Padalhan mo naman ako ng strawberries!" I changed the topic, she scrunched her nose at me.

"That's it? Hindi kayo nag-sex? Ang hina mo naman pala sa crush mo—"

"Sa panaginip ko kami nag-sex..." I sighed dreamily as I rested my chin on my palms. Pumasok sa isip ko ang guwapong mukha ni Eros. Alam na alam ko na i-handle ang kabastusan ni Serena. Palibhasa kasi laspag na siya. Chariz.

"Serena..." Sita ni Vienne na umismid kaya humagikhik si Serena.

"Joke lang! Ano? Hindi na mabiro, Ven?"

My cheeks flushed when I remembered our call last night. Ano ba naman 'yan! Wala naman kaming label tapos ang lakas ko mag-daydream na kami? Eh, super crush ko lang naman siya! Gosh.

Antagal naman kasi akong ligawan ni Eros, halata namang may feelings siya sa akin. At may feelings din ako sa kanta. Torpe talaga. Hinihintay ko nalang na umamin siya sa akin, payag naman akong magpa-ligaw sa kanya. Huy! Charot lang!

But seriously, no matter how I liked Eros as a person, hindi ko nakikita sa sarili ko na magiging boyfriend ko siya. Wala pa naman din sa isip ko na pumasok ulit sa relasyon. At lalong ayaw kong ma-involve sa lalaking mabango ang pangalan sa publika at kilala ang pamilya.

Like hello? Their family is into politics!

Kaya ayos na sa akin na friends lang kaming dalawa. Crush crush lang gano'n.

Lalabas ulit kaming dalawa ngayon ni Eros, kasama ang pinsan niyang si Hunter, si Kuya Hermideo at ang kanyang girlfriend na si Ate Reign. Kakain kami sa Hills and Garden for lunch tapos gagala sa SM Daet.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko ma-solo solo si Eros, paano ko siya chuchupain kung palaging may kasama? Laro! Kimi lang.

Lumipad na naman ang mga paru paru sa aking tiyan. I squealed like a little girl kaya naman inokray na ako ng mga kaibigan ko. And random ko raw tumili ng impit, ih. Ayon, hindi ko na napigilan na sarilinin ang kilig ko kaya todo support ang mga bading sa akin.

Umamin na raw ako na gusto ko si Eros? Hay naku! Umamin naman na ako noon sa kanya. Ang tagal lang mag-first move ni Eros, baka gusto niya, ako pa ang manligaw sa aming dalawa. Chariz. Baka mabalitaan nalang nila na dedu na ako, dahil ipina-ligpit ako ni Governor slash General Hernando Marasigan, na Lolo ni Eros.

Shucks! Katakot...

"You should never beg for attention, Serena. Tapos sabi nga ni Reese, trust your instincts. If you feel something is wrong, confront agad." Pangangaral ni Vienne sa kaibigan naming may bago na namang kausap at ine-entertain, not that I want her to settle again. It's just that, we haven't met the guy in person pero nakita na namin ang itsura dahil pinakita niya sa amin ang litrato and now she's asking for our advice again, na hindi na naman niya pakikinggan. Kausap na pala niya 'yung lalake, matagal na. Ngayon niya lang nasabi sa amin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon