Kabanata 4

122 10 0
                                    




"Alone, Cian Reese?" A man asked, making me stop from writing notes. Napa-irap ako. Anak ng... bahagya kong inangat ang aking mga mata, dumako 'yon sa slacks at sa uniporme ng lalake, this time, nakita ko na ang ID nito. I looked up to him, pormal akong ngumiti nang bumungad ang maaliwalas na mukha ni Eros, may hawak siyang libro na Manga at bottled water sa isang kamay.

I guess he's a friend of mine now, too. Not that close though. Sa tuwing nakaka-salubong ko kasi siya sa hallways ay binabati niya ako ng Cian Reese tapos bigla siyang ngingiti, iyong charming na ngiti? Ah, basta! Nagmumukha siyang Prince Charming sa paningin ko. Hindi ko na kinakaya ang kilig na nararamdaman ko kaya sinabihan ko nalang siya na Reese nalang ang itawag niya sa akin. Hindi naman sa uncomfy ako, baka kasi mahalikan ko na siya nang wala sa oras. Ganun. Charot!

Hindi ko lang kasi maintindihan ang self ko, bakit ba kumakabog ang dibdib ko sa tuwing malapit siya? Sa tuwing nagtatama ang aming mga mata? Super ultimate crush ko naba siya kaya ganito nalang ang reaksyon ng puso ko? Gwapong-gwapo ba ako sakanya? Sarap na sarap ba ako sa malaki niyang katawan? Namumutok sa maskels? Wiw!

"Yup, ikaw? Spare mo rin ba ngayon? And I told you to stop calling me that, didn't I?" I chuckled, a bit irritated but I really find it... cute... when he calls me by my first and second name. Nakaka-gigil lang dahil kuhang-kuha niya ang kiliti ko! Kainis naman. Ngayon lang ako naging ganito sa mga naging crush ko.

"Yup, at practice sa basketball. Kakatapos lang namin." He scratched his nape and his cheeks turned pinkish, blushing. "Sorry, Cian Reese. Bagay lang kasi sa'yo." He chuckled. Kumalabog ang dibdib ko. Punyeta naman. Mukha siyang fuck boy talaga pero bakit ganito siya? Huhu.

I snorted and rolled my eyes. "Reese nalang! Hindi ako sanay!" Nagka-tinginan kaming dalawa. He smiled charmingly again, my heart thumped faster this time at the sight. Gosh...

"Mind if I share a seat with you?" Sabay tingin niya sa mga gamit kong naka-patong sa lamesa. Bahagya akong nataranta dahil sa gulo at naka-kalat ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa kaya inayos ko muna ang mga iyon bago tumango nang marahan sakanya at matamis na ngumiti.

"Sure! Have a seat!" Inilahad ko pa ang upuan sa harapan ko.

"By the way, napapansin ko lang na mag-isa ka palagi. Matagal na kayong friends ni Denzel?" Usisa ko nang maka-upo na siya at tinuon ang mga mata sa Manga. Is it bad to pry? Deadma.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Second year ako nang makilala ko si Denzel, bago lang ako rito sa Manila that time." Bago?

"Mga excited kasi sa Christmas break, kaya hindi na nagsi-pasok!" Aniya habang naiiling kaya natawa ako. Parang mga kaibigan ko lang! Hindi na nagsi-pasok.

Nakaka-inis lang! Si Cleo at Sean, nag-biyahe na pa-Tagaytay kagabi. Hello! May two days pa bago ang Christmas break. Si Vienne naman ay hindi ko na alam kung nasaang lumalop na, pupunta kasi siya rito sa Library dahil marami raw siyang gagawin. Kanina ko pa siya hinihintay. Habang si Serena naman ay nasa flight na patungong Singapore with her family. Ang sosyal naman niya, may pa-Singapore pa ngayong Christmas break. Drawing na naman tuloy ang plinano nilang mag-club kami. Ako at si Vienne na naman ang magkasama sa Pasko at Bagong Taon.

"Ikaw? Saan ka this Christmas break?" Tanong ko.

"Uuwi ako sa amin,"

Napakurap-kurap ako. "Oh, hindi ka taga rito?"

Umiling siya. "Taga Bicol ako—"

"Huh?!" Napalakas ang boses ko kaya naman mabilis kong tinakpan ang aking bibig nang mapatingin sa akin ang mga estudyante. Uminit ang buong mukha ko sa kahihiyan.

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon