Kabanata 6

66 6 0
                                    




We woke up a bit late the next day. Ala-dos na ng madaling araw kami naka-tulog ni Vienne. But look at us? Papasok kami ng school kahit na lutang at puyat. Perfect attendance kami ni bakla! Kaya tularan niyo kaming dalawa. Eme.

"Reese!" Sunod-sunod na katok ni Vienne sa pinto kaya nabulabog ako sa pagdi-daydream sa crush kong si Eros habang nag-totoothbrush ng aking ngipin. Bumusangot ako. Gosh? Bakit ko ba iniimagine na naglalaplapan kaming dalawa? Letche.

Iba siya sa mga lalakeng nakakasalamuha mo, Reese. Iba siya! Which I found really interesting. All about him is interesting.

"Oo! Patapos na—"

"We're late! Ano? Isang oras kana riyan sa banyo! Hurry the fuck up!" Bulyaw niya sa akin. Isang oras? I did not even scrub my hot and sexy body thoroughly since we were in a hurry! Tapos sasabihin niyang isang oras na ako rito sa banyo? Mema siya.

"Ang flexible mo talaga, Reese!" Namamanghang puri ni Khaym sa akin habang nag-stretching ako. P.E namin ngayon at mabuti nalang ay sa babae na ako ngayon, hiwalay kasi ang girls and boys every physical activities. And I have never been this confident during Physical Education. Prevention and management of exercise and sport-related injuries namin ngayon, which I find this course relaxing, stress-free from all of the academic work.

But then, I am a woman. I am not gay, I am not a boy. A woman. A girl. At heart and mind. Just because I still have it down there doesn't mean it would justify that I am not a woman.

The tip of my fingers reached the ground, my toes as I curled my body. Break time namin ngayon at lumabas si Ma'am Ayeras matapos ang physical activity namin.

"Reese, do the thing nga! Please!" Hagikhik ni Christelle kaya agad kong pinaunlakan ang hiling niya. Impit silang tumili habang pinapanood akong baluktutin ang aking katawan sa yoga mat. They took out their phones and recorded my craziness. Ginulo ko ang mahaba kong buhok at kinalat iyon sa buong mukha ko.

"Waaaa!" I acted like I was Sadako and imitated her Grudge noise which made them laugh. At saktong pag-bukas ng pinto ng gymnasium ang pag-pasok nila Ma'am Ayeras, ang aming teacher ngayong P.E, kasama sina Sir Avellana at ang mga basketball varsity na mga naka-jersey. Oh my?!

Mabilis kong inayos ang sarili samantalang tarantang itinago nila Khaym ang kanilang mga phone sa bulsa ng pants.

Actually, I was not surprised that Eros is one of the varsity. I have seen him play before, practicing. May one-time kasi na inaya ako ni Serena na manood during our spare. Napa-baling si Eros at ang mga kasama niya sa pwesto namin nang tinuro kami ni Ma'am Ayeras. Our eyes met. Ngumiti ako sa kanya.

Kakaway na sana ako nang umilag siya sa akin ng tingin, namumula ang mukha at ilang beses na napa-lunok dahil tumataas-baba ang kanyang Adam's apple sa kanyang leeg. Lumabi ako dahil siniko siya nung kanyang kasamang lalaki na si... wait?

Is that Atreus? Iyong sinasabi ni Vienne na rapist at mahilig mag-advantage sa mga babae kuno? Gosh! Teammate ni Eros ang gagong 'yan? Paano ba nalalaman ng best friend ko ang mga issue rito sa school?

Bakit paba ako magtataka? Eh, ang laki ng mga tainga niya, supot pa. Hindi ko naman nakita last time iyong Atreus nung manood kami ni Serena noong practice game.

I grimaced when I saw how Atreus dribbled the ball onto the ground while conversing with Eros who looked amazed by what he was doing. Nag-uusap ang dalawa at ma-presko ang bawat kilos nung Atreus. Typical conyo boy. Oh my gosh, Eros! Lubayan mo ang lalakeng iyan at baka mahawa ka! Eme.

"Oh? Reese!" Bati ni Sir Avellana sa akin kaya kumaway ako sakanya. His eyes went down at my exposed flat stomach, showing my navel piercing. At bago pa ako maka-react nang sumilay ang nakakakilabot na ngisi sa kanyang labi ay tinawag na kami ni Ma'am Ayeras upang ipagpatuloy ang ginagawa.

Sins of the Rebels (Lush Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon