Chapter 3

10 1 0
                                    

We made it Again. And. Again. And. Again. Tanga na ba ako kung sabihin kong nahuhulog na ako sa kanya kahit na napakared flag niyang tao.

Nakahilig ang katawan ko paharap sa kanya. Nakatitig lang ako sa natutulog nitong mukha. Hindi ako makapaniwalang dito siya natulog. Ito ang unang beses na natulog siya sa tabi ko. Umaalis na kase ito agad pagkatapos namin. Kaya sobrang saya ng puso ko ng paggising ko ay ang mukha nito ang bumungad sa akin.

Halata sa mukha nito ang pagod pero hindi namn nakabawas sa pagiging pogi ng mukha niya.

Kilala siya bilang butihing gobernador ng bayan namin. Marami na itong napatunayan sa mga tao sa mura niyang edad. High school pa lang ako ay tumatakbo na ito bilang gobernador at hanggang ngayon ay wala pa ding nakakapagpababa sa kanya sa pwesto. Hindi din nmn masisisi ang tao dahil tumutulong talaga ito sa mga nangangailangan. Napakalinis ng pangalan nito kung tutuusin.

Marami ding mga kababaihan ang nagkakagusto sa kanya. Maging ako ay nabighani din sa kanya pero hindi ko nmn pinangarap na maging bayarang babae niya. Inipit niya lang ako sa sitwasyon para pumayag sa gusto niya. Wala din nmn ako magagawa dahil kahit ibenta ko ang kaluluwa ko ay hindi sasapat pambayad utang sa kanya.

Nakita ko ang paggalaw nito kaya agad kong ipinikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin.

"I know your awake, i can feel your stare at me", mahinahong sabi nito kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Nagharumintado ang puso ko ng hapitin nito ang katawan ko palapit sa kanya. Rinig na rinig ko ang pagpintig ng puso ko.

"I need a secretary and naisip kita", lalong tumindi ang tibok ng pusok ko. Natuwa ko sa isipang ako agad ang naisip niya.

"p-pwede nmn ako, wala din nmn akong ginagawa dito", mabilis kong sabi sa kanya. Nakita kong tinitigan niya ako sa mukha na para bang pinag iisipan kung itutuloy pa ba niya ang pagkuha sa akin bilang secretary.

"I have rules, woman. I don't want to see you talking to anyone, if your going to ask something then tell me, if you have any concerns, tell me. It's only me your going to talk too, understand?" sabi pa nito sa maawtoridad na boses kaya tumango na lang ako.

"O-okay po, Governor", sabi ko.

"Good girl, now get dressed dahil madami akong gagawin ngayon", sabi niya and i frozed when he kissed me on my forehed na maging siya ay natigilan din sa kanyang ginawa pero nakabawi din agad. Naglakad na ito papunta sa banyo at walang pakialam kahit wala itong saplot na kahit ano.

" What took you so long?" magkasalubong ang kilay na sabi nito sa akin. Nahirapan kase akong itaas ang zipper ng suot kong dress kaya natagalan ako. Naabutan ko itong nakasandal sa isang magarang kotse sa harap ng bahay.

"S-sorry", nakatungo kong sabi. Halatang ubos ang pasensiya niya sa kakahintay sa akin. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at kaagad nmn akong pumasok kahit nahihiya ako dahil gobernador pa ang pinagbukas ko ng pinto para sa akin. Umikot na ito sa kabilang side at sumakay. Nagulat pa ako na siya ang magdadrive pero naalala kong wala nga pala itong kasama sa tuwing pumupunta dito.

Kumalabog ang puso ko ng biglang lumapit ang mukha niya sa akin. Halos maduling na ako dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagclick at saka siya bumalik sa kinauupuan niya. Kinuha niya lang pala ang seatbelt. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Nagsimula na siyang buhayin ang makina at pinaandar na ito. Ilang minuto pa lang kami sa pagkaalis sa bahay ay nakaramdam na agad ako ng antok. Ipinikit ko na lang muna ang mata ko dahil mukhang malayo layo ang byhae namin.

Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. Kukurap kurap kong iminulat ang mga mata ko at ang governor iyon.

"Were here", bulong nito sa akin. Nandito na nga kami sa harap ng isang mataas na establisyemento. Pakiramdam ko ay nakabalik ako sa lupang sinilangan ko.

Nabalika ako sa reyalidad ng bumukas ang pinto sa gilid ko. Nahihiya akong bumaba dahil baka may makakita sa amin.

"Remember our deal, Aurianna. Don't talk to anyone", sabi nito habang naglalakad kami papasok ng kapitolyo. Pansin ko ang pagtingin sa amin ng mga nagtatrabaho doon.

"Walk beside me, woman. Walang nangangagat dito", sabi pa nito. Sa bawat nadadaanan namin ay kusang yumuyuko ang mga empleyado pero parang wala lang iyon sa gobernador dahil dire diretso lang ang lakad nito.

"Good morning, Governor", bati sa kanya ng isang magandang babae na tantiya ko ay mga kaedaran ko din lang. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din siya pabalik. Mukha nmn siyang mabait.

"Ituro mo nga sa kanya ang mga dapat niyang gawin, cream. She's my new secretary", sabi pa nito bago pumasok na ng kanyang opisina.

"So, your the new secretary pala. Ang ganda ganda mo", kinikilig na sabi nito.

"Mas maganda po kayo", nahihiyang sabi ko sa kanya.

" Btw, nasa loob nga pala ng opisina ni governor ang mesa mo. Nakakapagtaka nga kase pinalipat niya doon", sabi pa nito. Madame pa siyang itinuro sa akin tulad ng schedule niya at oras ng pagkain. Nag enjoy akong makipag usap sa kaniya kaya hindi ko na namalayan ang oras.

"Goodluck, Sis", natutuwa ako dahil naging kaibigan ko agad siya. Pagkapasok ko ng office ay naabutan ko itong nakaupo sa mesa niya habang nakasuot ng salamin at nagbabasa ng isang papeles.

"Staring at me is rude, woman", sabi nito. Kaagad nmn akong umiwas ng tingin sa kanya. Nakita ko ang magiging mesa ko at kaagad akong naglakad papunta doon. Hinawakan ko pa ang laptop na nasa ibabaw habang tuwang tuwang pinagmamasdan ang aking mesa. Malapit ako pinto kaya malaya kong matititigan ang gwapo niyang mukha.

"What's my schedule?" kaagad kong kinuha ang isang maliit na notebook na binigay sa akin ni cream.

"May meeting ka with Mr. Santos, mamayang 2 pm and dinner with your family ng 5 pm", basa ko sa nakasulat. Hindi nmn na ako nakakuha ng sagot sa kanya kaya ibinalik ko na ang tingin ko sa mesa ko.

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng makarinig ako ng sunod sunod na katakot kaya tumayo ako at kaagad ko itong binuksan ngunit naunang itulak ng papasok ang pinto kaya natumba ako sa sahig. Napangiwi ako ng maitukod ko ang kamay ko sa pagbagsak ko kaya parang may lumigdas na kung ano sa sino ko dahilan para mapaiyak ako sa sakit.

"Shit!?" napaiktad ako ng marinig ang galit niyang boses.

"I'm sorry, hindi ko alam na may tao sa pinto", nag aalalang sabi ng lalaking kumakatok kanina. May pagkahawig ito kay governor kaya kapatid niya siguro ito.

"Don't you dare touch her, dylan", malamig na sabi ni reuben ng akmang hahawakan ako ng tinawag niyang dylan.

Napataas nmn ang dalawang kamay ni dylan na parang sumusuko at dahan dahang lumayo sa akin. Napatili ako ng maramdaman ang pag angat ko sa ere. Buhat niya ako palabas ng opisina niya kaya kitang kita ko ang titig ng mga empleyado. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa labis na kahihiyan.

Governor Series #1: Reuben LevingtonWhere stories live. Discover now