Prologue

22 1 0
                                    

"Walang hiya ka, Governor Levington. Oras na makatakas ako ito ay sinisigurado kong lalabas lahat ng baho", nanggagalaiting sigaw ni Mayor Alcantara habang nakatali ang kamay at paa sa isang metal na bangko. Matagal tagal din ang pinagsamahan naming dalawa sa politika pero ng malaman kong tinitira niya ako patalikod ay hindi ako nagdalawang isip na ipakidnap siya.

Nakangisi akong naglakad papunta sa kanya at umupo sa harap niya upang pagpantayin ang mga mukha namin. Tinapik tapik ko ang pisngi nito at nakangisi habang nakatingin sa kanya.

"yun ay kung buhay ka pang lalabas dito, Mr. Alcantara", napangisi ako ng gumuhit ang takot sa mata nito pero nawala din agad. Pinipilit niyang patapangin ang sarili niya.

"Hayop ka, Levington. Tinuring kitang kaibigan tapos ganito gagawin mo sakin. Hayop ka talaga!?" sigaw nito sa mukha ko. Tumayo ako at ginulo pa ang buhok niya bago siya tinalikuran. Narinig ko pa ang pagsigaw nito pero hindi ko na ito pinansin pa.

"Alam niyo na ang gagawin niyo sa kanya and make sure na walang kahit anong ebidensya ang makikita dito dahil oras na masabit ang pangalan ko.... pamilya niyo ang pupuntiryahin ko.. Lalo kana at bagong anak ang asawa mo", kita ko ang gulat sa mukha ng isang kong tauhan dahil hindi niya inaasahan ang sasabhin ko. Nakangisi akong tumingin sa kaniya at hinawakan siya sa balikat bago lumabas ng kwartong iyon. Nakalabas na ako ng abandonadong bahay ng makarinig ako ng ilang putok ng baril. Nakangisi akong sumakay ng kotse ko at mabilis na pinaandar paalis doon.

"I am Governor Reuben Levington and don't make me your enemy because i can be a devil you don't want to see",

‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺‧͙‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺‧͙‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidence.

This story contain a matured scene so please read at your own risk.

This is my first time writing a story so please expect that this story is full of grammatical and typhographical errors.

Please vote and comment😘

Governor Series #1: Reuben LevingtonWhere stories live. Discover now