Chapter 4

6 0 0
                                    

Nakayuko lang ako habang nakaupo sa hospital bed. May benda din ang kaliwang braso ko dahil nagkafructure sa pagkatukod ng bumagsak ako. Nasalo ng kamay ko ang bigat ko.

Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko at damang dama ko ang masamang titig sa akin ni governor. Nakapameywang ito sa harapan ko. Kaming dalawa lang ang natira dito sa loob ng room. Walang nagsasalita sa amin kaya ramdam na ramdam ko ang pagpintig ng puso ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko sa unang araw ko doon.

"What a stupid action is that, Aurianna!?" napapitlag  ako dahil sa pagtaas ng boses niya. Ramdam ko ang galit nito. Nangingilid na din ang mga luha ko. Nanatili lang akong nakayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang nagngangalit niyang mga mata.

"Look at your arm, wala ka na ngang kwenta. Paninindigan mo pa", lahat ng tuwang naramdaman ko kaninang umaga ay bigla na lang naglaho dahil sa binitawan niyang salita. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hindi ko na inaasahang masasabi niya yun sa akin. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I'm s-sorry, G-governor", umiiyak kong sabi. Dahan dahan akong bumaba ng kama at lalabas na sana ng kwarto ng hawakan niya ako sa kabilang braso ko ng mahigpit.

"Where do you think your going, woman?" nanindig ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa lamig ng boses nito. Kita ko ang pag igting ng panga nito. Nagwawala na ang puso ko sa kaba dahil sa labis na takot sa kanya. Hindi ko alam kung si governor pa ba itong kaharap ko.

"N-nasasaktan p-po a-ako", nakangiwi kong sabi sa kanya.

"Walang lalabas ng kwartong ito, akin ka at dito ka lang. Naiintindihan mo. Now. Sit. and don't make me pissed again", mahina pero damang dama mo yung pagkaawtoridad sa bawat salitang binibitawan niya. Sa labis na takot ay nanginginig ang katawan kong naglakad pabalik sa kinauupuan ko kanina.

Lumabas ito at pabalang na isinara ang pinto. Inihiga ko ang sarili ko sa hospital bed at napahagulgol ng pag iyak. Ang sakit lang isipin na sasabihan niya ako ng wala akong kwenta. Akala ko nagbabago na siya dahil sa biglang pagtrato niya sakin ng tama pero hindi pala. Umasa lang siguro ako na magbabago ang tingin niya sa akin. Patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko hanggang sa makatulog ako sa kakaiyak.

"Look at her face, kuya. She cried a lot but kinda beautiful pa din", naalimpungatan ako sa maliit na boses ng isang babae at ramdam ko din na may nakatitig sa akin.

"Stay away from her, baby girl. You might wake her up", boses ni governor sa malambing niyang boses. Ang sarap pakinggan sa tenga. I find it cute. Gusto ko imulat ang mga mata ko at sampalin ang sarili ko dahil sa karupukan ko. Narinig ko lang ang malambing nitong boses ay nakalimutan ko na agad ang sinabi niya kanina.

"I like her, kuya. I want her to be my ate. She's pretty", gusto kong mapangiti dahil sa narinig kong sabi ng bata. Pinanindigan ko ang pagpikit ko dahil gusto ko pang marinig ang pag uusap nilang dalawa.

"Your pretty too, baby...... just like her", pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa huling sinabi niya. Ramdam ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na nagagandahan pala siya sakin. Yan tayo self, aasa ka nnmn.

"Call the doctor kuya, her face turn to red", may halong pag aalala sa boses nito at lalo ding nagpapula sa pisngi ko. Narinig ko nmn ang mahinang pagtawa ni governor that makes me want to open my eyes para makita yun. Minsan lang iyon mangyari sa tanang buhay niya.

"No, she's fine,baby....", sabi nito sa bata. Gusto ko na lang sa ganitong posisyon para malambing lang ang boses niya.

"Kuya, i want to pee", sabi ng bata sa kanya.

"Just go too yaya ynah, outside", utos nito sa bata. Naramdaman ko nmn ang paggalaw ng hinihigaan ko. Nakaupo pala ito sa tabi ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya kami na lang natira dito sa kwarto.

"You can open your eyes, i know your awake", malamig na sabi nito. Nakaramdam ako ng lungkot ng bumalik sa dati ang tono ng boses nito. Dahan dahan kong ibinukas ang mga mata ko. Nakita ko itong nakaupo sa gilid ng kama ko habang nakatingin sa akin. Walang emosyon ang mga mata nito.

"P-pasensiya na", mahina kong sabi bago dahan dahang umupo ng kama. Napakagat ako ng labi ko ng tumayo siya at alalayan ako sa pag upo.

"Dinalhan kita ng pagkain, sabi ng doctor pwede kana lumabas bukas", mahabang sabi nito. Kinuha nito ang pagkain at inilagay sa tapat ko. Hindi ko alam kung paano ako makakakain dahil sanay ako sa kaliwang kamay. Kukuhain ko na sana ang kutsara ng kanang kamay ko ng bigla niya itong kinuha at sumandok bago itinapat sa bibig ko.

"Open", maikling sabi nito. Hindi ako makapaniwalang sinusubuan ako ng gobernador. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko at kinain ang isinubo niya. Nasa ganoong posisyon kami ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang babae. Napakacute nito sa suot niyang pink na dress. Kamukhang kamukha din ito ni Governor. Sa pagkakaalala ko ay ito ang batang kausap niya kanina.

"Hi ate, your awake na po pala", nakangiting bati nito sa akin. Ngumiti nmn ako sa kanya pabalik. Ang sarap niyang iuwi sa bahay.

"Hello, ang cute mo nmn", sabi ko dito. Naglakad ito palapit kay governor. Nakita ko nmn binuhat niya ito at pinaupo sa kandungan niya para silang mag ama.
Nakakapagtaka din dahil kamukhang kamukha niya talaga ang bata even her eyes.

"I'm Akeisha po, ano pong pangalan niyo", magalang tanong nito sa akin.

"Ate Aurianna, but you can call me ate rian", nakangiti kong sabi sa kanya. Masaya akong nakikipagkwentuhan kay akeisha habang damang dama ko ang mabibigat na titig sa akin ng gobernador.

****

Please vote.. Thank you

Governor Series #1: Reuben LevingtonWhere stories live. Discover now