A day with Forevermore: One

2.4K 42 1
                                    

Nakangiti si Julie habang nagda-drive siya papauwi sa kanilang bahay. She can't wait to see her sweet husband and her three adorable kids. Every single day she feels like it's her first time to be a mom... her first time to be a wife. No one can ever describe how happy she was... how happy she still is.

Sino ba namang hindi sasaya kung nasa isang almost perfect family ka na? Syempre hindi naman mawawala ang away, no relationship is perfect, it's true. What makes it look perfect is when both of you are trying to make it healthy... trying to make it a growing one.

Raising kids is hard. Maraming differences ang mga anak nila ni Elmo, si Sophie outgoing, palagi itong kasama ng mga kapatid ni Elmo sa kung saan-saan, si Lance naman maka-mommy, kung nasaan si Julie gusto niya nandun din siya, si Ellie naman daddy's girl, spoiled kasi kay Elmo.

No wonder kung bakit kabi-kabilang feature sa magazines ang nakukuha nila. Isa na ngayon ang San Jose – Magalona family sa tinitingala sa showbizness hindi dahil sa na-achieve nilang mag-asawa na mga parangal kundi sa pagiging consistent sa pagpapahalaga sa pamilya.

After a few minutes nakarating na siya sa bahay nila, pinagbuksan siya ng kanilang maid. Laking pagtataka niya ng walang sumalubong sa kanya, wala kahit isa sa mga anak niya. Pagbaba niya ng kotse pumasok agad siya sa loob ng kanilang bahay at dun nakita niya ang kanyang asawa na nakasimangot habang ang wala namang imik ang mga anak niya. Hindi na siya nagtataka sa ganitong set-up. One look, alam na niyang isa sa tatlong anghel niya ang may ginawang hindi nagustuhan ng daddy nila.

"So wala talagang sasalubong sakin para magsabi ng - WELCOME HOME MOMMY!" Masayang sambit ni Julie para basagin ang katahimikan ng mag-aaama niya. "Okay mommy, wala silang paki sayo kaya ikaw nalang magwelcome sa sarili mo." Sambit niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang walang pinagbagong reaksyon ni Elmo.

Nang wala paring pumansin sa kanya ay nilapitan na niya ang mga ito. Umupo siya sa tabi ni Elmo at tiningnan ang mga anak niyang hindi makagalaw sa kinauupuan ng mga ito.

"I'm sorry kids if mom left you with a monster." Biro ni Julie sa mga anak niya, napangiti naman ang mga ito.

"Julie." Tumigil sa pagngiti ang mga anak niya ng magsalita na si Elmo.

"Yes monster?" Malambing na sambit niya kay Elmo habang pinagmamasdan niya ito.

"Can we talk outside?"

Cute na tumango si Julie kay Elmo na may halong ngiti. Pero hindi iyon umeffect sa asawa niya, hinawakan nito ang kamay niya para isama siya papunta ng garden. Nang makarating sila roon ay huminga muna ito ng malalim bago siya harapin nito.

"Ano bang problema honey?"

"Si Sophie."

"Si Sophie? Why?"

"She left with her friends, hindi sila nakabalik kaagad sa school so our driver waited for her. 6pm na sila nakarating dito and you know what?" Umiling si Julie. "Gutom na gutom si Lance and Ellie kasi binigay nila yung pagkain nila sa street children sa harap ng school nila."

"Uhh that's sweet."

"Honey!" Inis na sambit ni Elmo dahil hindi nage-gets ni Julie ang point niya.

"Okay, okay. I'll talk to her. Si Sophie lang naman ang problem natin di ba? Hindi ko mapapagsabihan si Lance and Ellie kasi what they did is the right thing to do. Yun naman ang tinuturo natin sa kanila, na wag magdalawang isip na magbigay sa mga nangangailangan."

"How can you be so cool with this kind situation Julie? I'm mad, you should be mad too."

"Honey-" Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Elmo sabay halik dito. "Nage-gets naman kita, galit ka kasi hindi nagpaalam si Sophie. Pinaghintay niya sila Ellie kaya nagutom yung dalawa pero kung magagalit ako ano ng mangyayari sating lahat? Di ba nga kapag galit ang isa satin dapat yung isa siya ang umiintindi sa sitwasyon? Hindi dapat parehong sara ang mga isip natin kawawa naman yung tatlo."

"So okay sayo yung ginawa ni Sophie?"

"I'm not saying that it's okay, ang bata niya pa para tumakas pero naaalala mo pa ba ang reason kung bakit ayaw natin papasukin ng showbiz ang mga anak natin kahit marami ang nagsasabi na ipasok na natin sila?"

"Yes. We want them to have a normal life, a happy childhood."

"Let me ask you something, sino ang naghatid kay Sophie papabalik ng school?"

"Ysabel's mom, she accompanied them."

"Okay, ako na ang bahala dito. Babalik tayo sa loob, kakausapin natin sila and please don't show them your scary face." Tumabi siya kay Elmo para humawak sa braso nito. "Pati kasi ako natatakot."

He giggled. "So how was your day?"

"Good, but it could have gone better kung hindi scary face from you and sad faces from our children ang naabutan ko."

"I'm sorry Mommy doo."

She smiled. "It's okay daddy doo, mas okay nga na sabay natin tong isosolve ng magkasama.So ano pasok na tayo?" Tango lang ang sinagot ni Elmo.

Same reactions parin ang naabutan ni Julie ng umalik sila sa pwesto nila kanina. It's like their kids are glued on the sofa.

"Sophie. Lance. Ellie. Can someone explain to me why daddy is mad?"

"Mom I'm sorry. Daddy's mad at me because I gave my food away." Nangingiyak-ngiyak na pagpapaliwanag ni Ellie.

Kaagad namang lumapit si Julie kay Ellie para hindi na matuloy ang pag-iyak nito. "No honey it's okay, what you and Kuya Lance have done is right okay?" Tumango ito sa kanya. "Pero baby sa susunod magsabi ka na nagugutom ka para mabibilihan ka ng food. Ikaw din Lance ha?"

"Yes mommy." Lance and Ellie said in unison.

"How about you Ate Sophie?"

"Mommy-" Nakayuko si Sophie dahil hindi ito makatingin sa mommy at daddy niya. "I went to the mall with my friends.I'm sorry if I didn't text you or daddy."

"Sophie." Tinabihan niya ito. "Okay lang naman samin ng daddy mo if you want to spend time with your friends pero don't ever forget that you have younger siblings who are waiting for you. Your dad is worried that's why he's mad. I am mad at you too but since you asked for an apology, okay na tayo."

"Really mom?" Nakangiting sambit ni Sophie.

"Yes sweetie pero pano ang prolema mo ngayon si daddy-" Lumapit siya kay Sophie para bumulong dito. "He's still mad you know. Go to him and say sorry."

Kaagad namang sinunod ni Sophie ang sinabi ng kanyang mommy."Daddy-" Nakatingin lang si Elmo kay Sophie. "I'm sorry and I promise not to do it again."

"Not ever?" He asked.

"Not ever." And then she hugged Elmo.

"Okay you're forgiven." He hugged her daughter back. "Sa susunod na gagawin mo yan inform us para hindi kami mag-alala sayo."

"Okay dad."

"Sorry din dad." Cute na sambit naman nila Lance at Ellie.

"Bakit hindi niyo ako i-kiss at i-hug para hindi na galit si daddy sa inyo?"

Kaagad naman nagtakbuhan ang dalawa papalapit kay Elmo at Sophie, niyakap ng mga ito si Elmo at pinudpod ng halik.

"Okay kids, ayokong sirain ang moment niyo but you have to wash up before dinner." Lumapit siya sa mga ito at humalik din sa mga anak niya. "Sige na, sa room nalang namin kayo matulog tonight."

"Talaga mommy?!" Sabay sabay na sambit ng tatlo.

"Yes, yes and a yes!"

"Yeeey!!" Nagpaunahan na ang tatlo sa pag-akyat para makapagprepare na bago ang dinner.

Ngayon, si Julie nalang at Elmo ang naiwan sa sala.

"Halika nga dito." Hinigit ni Elmo si Julie sa tabi niya sabay yakap dito. "Has anyone told you how great you are?"

"Yeah, my husband's constantly saying that to me every day."

He smiled. "I love you Julie."

"I love you too Moe." Yumakap din siya kay Elmo."Happiness is family huh?"

Hinalikan ni Elmo ang noo ni Julie. "Yup. Family is happiness."

A Day with ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon