A day with Forevermore: Seven

2.3K 83 6
                                    


I'll make this clear

I will always be here

I love you

I do, I do...

Sinasabayan ni Julie ang kanta ni Marie Digby na I do habang siya'y nagpapark ng kanyang mommy car, isang fortuner, sa kanilang garahe. Kung anong inis niya kanina dahil sa traffic sa daan, ganoon naman ang pagkachill niya ngayon habang inaayos niya ang paggarahe sa tabi ng kotse ni Elmo.

Bago siya bumaba ng kanyang sasakyan, kinuha muna ni Julie sa passenger seat ang mga pinamili niya mula sa grocery store. Ang kasambahay lang nila ang sumalubong sa kanya kaya di niya naiwasang magtaka, off kasi ni Elmo sa trabaho at yung kambal naman walang special classes so supposedly dapat nasa bahay lang sila.

"Manang, nasaan po sila Elmo?" Tanong ni Julie habang iginagala niya ang kanyang mga mata sa first floor ng kanilang bahay.

"Ah, nasa kwarto sila ng kambal, Julie." Mabilis namang sagot ng kanilang kasambahay.

Tiningnan muna ni Julie ang relo niya bago niya muling kausapin ang helper nila. "9am palang ah, pinapatulog na po agad ni Elmo yung kambal, Manang?"

"Nako hindi, Julie." Ibinaba na nito ang mga pinamili ni Julie sa lababo. "Kanina kasi habang pinapakain ni Elmo yung kambal biglang nag-away yung dalawa dahil sa hotdog. Ayun napaakyat tuloy ng daddy nila sa taas-" Lumapit ito kay Julie para ibulong ang sunod niyang sasabihin. "Dinidisiplina ata kaya pinaakyat dun."

"Ganun po ba." Napabuntong hininga si Julie. "Yung kambal talaga imbis na makapagpahinga daddy nila ini-stress pa."

Natawa nalang si Manang ng sabihin iyon ni Julie. Ganoon kasi si Elmo, simula't sapul pa, ito na ang matiyagang nagdidisiplina sa mga bata- ang pinagkaiba lang ibang klaseng mga bata ang dinisiplina nito ngayon, hindi lang isa kundi dalawa at hindi pa iyon, magka-edad pa at parehong ubod ng kulit at tigas ng ulo.

"Sige na sundan mo na sa taas ako na ang magluluto, sigurado kailangan ka ng asawa mo ngayon." Sabi nito habang bahagyang tinutulak si Julie papalabas ng kusina.

"Sure po kayo, Manang?"

"Oo naman, alam kong pagod ka rin. Halatang nag-aadjust pa yang katawan mo sa pagbabalik mo sa trabaho." Ngumiti ito kay Julie. "Para makapagrelax ka rin."

Nailing si Julie habang natawa. "Sa tingin mo ba Manang makakapagrelax ako?"

"Ganyan talaga Julie ang pagpapalaki ng bata, lalo na kapag kambal. Medyo masakit sa ulo kaya pag nairaos niyo ni Elmo, sundan niyo ulit." Biro niya.

"Nako-" Natawa na naman si Julie sabay hampas ng light sa noo niya. "Sa lima pa nga lang Manang hindi na magkasya oras namin, pano pa pag nadagdagan pa?"

"Kung sabagay." Pagsang-ayon nito. "O siya, puntahan mo na ang asawa mo mamaya hindi na humihinga yun sa pagsasaway sa kambal." Natatawang biro ng matanda.

"Mabuti pa nga po." Nakangiting sabi ni Julie bago niya puntahan si Elmo at ang kanyang kambal.

***

Nagmadali si Julie sa pag-akyat sa hagdan. Nang makarating siya sa kwarto nina Orange at Blue dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng mga ito. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kwarto ng dalawa ay bumungad na kaagad sa kanya ang boses ni Elmo.

"Okay Orange, let's do this again. I'll give you a slice of hotdog. It's only one. What will you do?" Tanong ni Elmo kay Orange na tahimik na nakatingin lang sa hotdog na hawak ng daddy nito. "Here, take this." Alok ni Elmo sa bata, kinuha naman ni Orange ang kapirasong hotdog na inabot sa kanya ng kanyang ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Day with ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon