A day with Forevermore: Six

1.9K 66 1
                                    

"Hun!" Hingal na intrada ni Elmo ng makapasok ito sa kwarto nila. Sinenyasan siya ng huwag maingay ni Julie dahil kakapatulog lang niya ng kambal, at maging siya nakaidlip narin – nagulat lang talaga siya sa pagtawag sa kanya ng kanyang asawa kaya siya nagising.

"You will not believe this." Lumapit si Elmo kay kay Julie na nakahiga na sa kama nila. "Chineck ko lang yung room ni Sophie. Look what I've found." Inabot niya rito ang isang nakatuping plain bond paper.

"What's this?" Napatayong sabi ni Julie ng kunin niya ang bond paper na inabot sa kanya ni Elmo.

"Basta read that."

Kahit na medyo hilo-hilo pa si Julie sa biglaang paggising niya ng alas dyes ng gabi pinagbigyan niya parin ang hiling ng kanyang asawa na basahin ang kung ano mang nakasulat sa bond paper na iyon.

And it says...

Dear Sophia,

I want you to know that you are the most beautiful pokemon I've ever seen. I saw your mom yesterday at the supermarket, she talked to my mom. I realized that she is a beautiful pokemon too. Anyway, mom and I will bake some cookies tomorrow. Can we go to your house to bring you some?

PS I hope your dad isn't a cookie monster.

Your friend,

Nathan

"Uh. Ang sweet naman." Touched na sabi ni Julie sabay tingin kay Elmo with full smiles.

"Sweet?" Inis na sabi ni Elmo. "Hindi mo ba naintindihan yung binasa mo?" Iritang sabi niya sa kanyang asawa.

"Of course naintindihan ko." Natatawang sabi ni Julie dahil umuusok na ang ilong ng kanyang asawa sa galit.

"Bakit sweet?"

"Because it's really sweet honey."

"Hindi eh." Inagaw ni Elmo mula kay Julie ang sulat at nagpaikot-ikot sa kwarto nila habang binabasa iyon. "Hindi talaga."

"Anong hindi?"

"Manliligaw to." Nangangamabang sabi ni Elmo ng magtama ang tingin nila ni Julie.

At dahil sa salitang binitawan na iyon ni Elmo, sumabog na ang tawa ni Julie. "Woops." Pagpigil niya sa kanyang pagtawa ng maalala niya na tulog sa tabi niya ang kambal at hindi makakatulong ang pagtawa niya sa inis nararamdaman ni Elmo ngayon. But she can't help it, she can't help but laugh.

"Hindi nakakatawa." Umupo si Elmo sa couch nila sa kwarto, hawak niya parin ang sulat na medyo nagusot na.

"Hun-" Inalis ni Julie ang kumot na nakabalot sa legs niya para makatayo at makapunta sa couch kung nasaan ang kanyang asawa. "It's just a letter. You know our daughter better." Pinatong niya ang braso niya sa balikat ni Elmo at nagbaba-taas ng kilay ng tumingin ito sa kanya. "Di ba nagrhyme pa." She said with a cute giggle.

"Honey-" Humarap si Elmo kay Julie para hawakan ang magkabilang pisngi nito. Hindi niya kasi makuha na hindi magets ng asawa niya ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. "Look. You have to listen to me okay?" Sandali niyang pinagmasdan ang asawa niya. "They're just kids-"

"Exactly."

Tinakpan ni Elmo ng hinlalaki niya ang labi ni Julie. "Let me finish first."

"Okay." Sagot niya ng tanggalin ni Elmo ang hinalalaki nito sa labi niya.

"I know what we have now is great and I don't regret any of it. But honey-" Napakunot ang noo niya habang tinitingnan si Julie. "She doesn't have to go through what we've been through." Napabuntong hininga nalang si Elmo. "I know she's growing up-"

"Way too fast." Dagdag ni Julie.

"Yeah, way too fast." Pag-agree naman ni Elmo. "But honey you see, no matter how old she gets, she's still our baby and we have to protect her, kaya please no dating muna."

Natawa na naman si Julie. Gusto niyang magseryoso sa sitwasyong tulad na iyon pero hindi niya magawa dahil mas nangingibabaw ang pagkatawang nararamdaman niya kesa sa pinaglalaban ni Elmo.

"Kanina ka pa tawa ng tawa."

"Because you sound like my dad." Natatawang sabi parin niya. "But seriously hun-" Sinubukan niya ng magseryoso. "They're just friends. I know Nathan's mom, tsaka wala pa sa isip ng anak natin yan. She's been a good girl and she knows very well her boundaries. We have talked about this before pa this letter came. Sophie's intelligent enough to understand our past." Halata parin niya sa mukha ni Elmo na hindi ito kumbensido. "You know what she said to me?"

"Ano?"

"She said that she'll wait for God's timing until someone like her dad comes along."

"She said that?"

"Yeah, she said that." Pinisil ni Julie ang ilong ni Elmo. "Kaya wag ka ng mag-inarts dyan. She's still your baby girl. Walang aagaw." She assured him.

"Ang hirap pala ng may anak na babae."

Tumango si Julie. "Relate si Papa dyan." Tumawa ulit siya. "Oh before I forget, there's something that you have to read too." Tumayo si Julie at pumunta sa side table malapit sa kama nila. May kinuha lang siya roon saglit bago siya bumalik muli sa tabi ni Elmo. "Here." Isa iyong letter na nakasulat sa paper pad ng grade three.

"Letter na naman?" Tanong ni Elmo.

"Wag kang mag-alala hindi yan bigay kay Ellie ng kung sino. Paper pad niya lang yan."

"Ellie wrote me a letter?"

Umiling si Julie. "Orange did."

"She can write?" Laking patataka ni Elmo.

"Nagulat din ako ng inabot niya yan, she told me that Ate Sophie, Ate Ellie and Kuya Lance taught her and Blue how to write."

Napangiti si Elmo ng kunin niya kay Julie ang paper pad na iyon. Ganun kasi ang culture ng mga anak nila sa kanilang bahay, mahilig magbigay ng mga letter ang mga bata kahit walang okasyon. Kapag naappreciate nila ang mommy at daddy nila binibigyan nila ito ng personalized letter.

Dahil first time na makakabasa ni Elmo ng sulat galing kay Orange, he read it right away.

Dear Dada,

Dont be mad.

Can I do Karaty?

I promes I wont hirt you or Mum.

I could fite off robbers, its great don't you think?

So can I do it with Blue?

Mum said if you say yes she will too.

Sing to make sure.

Thank you,

Orange

Natawa si Elmo, biglang nawala ang inis niya kanina ng mabasa niya iyon. "Sing to make sure?"

Natawa rin si Julie. "Yan din ang hindi ko maintindihan." Ihinilig niya ang ulo niya sa braso ni Elmo. "So dada-" Ngumuso si Julie para ituro yung isa pang letter na hawak ni Elmo. "Don't you think it's about time to return that to Ate Sophie?" Tumingin siya kay Elmo sabay ngiti rito. "Akala ko ba don't touch what's not yours?"

Napangiti rin si Elmo kay Julie. "Alright. I'm sorry." Inakbayan niya ito sabay halik sa noo ng kanyang asawa. "I don't know what I would do without you."

Ngumiti muli si Julie habang pinapakiramdaman ang mahigpit na pagkaka-akbay sa kanya ni Elmo. "So do I, honey." Ipinatong niya ang kanyang kamay sa legs ni Elmo sabay tapik dito. "So do I."


A Day with ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon