A day with Forevermore: Four

1.5K 40 0
                                    

May mall show ngayon si Elmo sa Cebu and the kids wanted to go with him. Dahil free naman si Julie for the rest of the week, pinagbigyan niya na ang mga anak niya. They flew with Elmo and she even promised her kids that they will be watching Elmo's mall show.

Syempre ang mga fans ng San Jose – Magalona fambam tuwang-tuwa na lalo na ng mabasa nila ang tweet ni Elmo na...


Na sinundan pa ng tweet ni Julie na lalo pang mas nagpakilig sa mga fans ng mga ito na hanggang ngayon ay baliw na baliw parin sa loveteam nila.

Makalipas ang ilang segundo ay nagreply na isa-isa ang sister-in-laws ni Julie pati narin ang kanyang ina na si Marivic San Jose at ang kanyang mother-in-law niya na si Pia Magalona.

Hindi na na napansin pa nila Elmo at Julie ang mga tweet sa kanila ng kanilang pamilya dahil inubos nila ang kanilang oras sa eroplano sa kanilang mga anak, nakipagkulitan sila rito, tawanan at hagikhikan hanggang sa makarating sila sa Cebu.

When they arrived they immediately went to Spice Fusion to have their dinner there. After their dinner they went to Radisson Blu Hotel, they rest for a few hour and then they prepared for the mallshow after that.

Wala silang ibang kasama, even yaya ng mga bata ay hindi na nila sinama dahil gusto nilang lumabas ng sila lang this time. Hands on si Julie sa mga anak niya, siya ang nagstyle sa mga ito. And as always, kahit anong suot naman ng mga anak niya cute parin ang mga ito.

Dress ang suot nila Sophie at Ellie, doon nagkakasundo ang magkapatid, sa pagsusuot ng ibang dress. Ang tanging pinagkaiba lang nila ay si Sophie she prefers to look like a princess kaya flats ang gusto niyang terno ng suot niya, si Ellie naman rock chic mas prefer niya ang sneakers kesa sa sandals, boots o flats, astigin siya tulad ng kanyang mommy. Si Lance naman tulad ni Elmo magdamit, idol kasi nito ang daddy niya, the usual "Lance Style" khaki pants, vans and a longsleeves na sara hanggang dulo.

Nang matapos na ang duty ni Julie sa mga bata ay nag-asikaso na siya ng sarili niya habang nanunuod ng Oggy and the cockroaches ang mga ito. Julie likes to keep it simple – she decided to wear white tanktop tucked-in on her high waisted jeans, a blue blazer as her cover up and black flats. She pulled all her hair up, she twisted it to form a bun.

Halos sabay lang silang natapos ni Elmo, sinuot nito ang prinepare na outfit ng kanilang stylist na maroon pants, white shirt, a leather jacket and black sneakers. Napangiti si Julie ng makita niya na nagkapareho sila ng white top ni Elmo, actually bukod sa gusto ni Elmo ang blue at orange naman kay Julie, nagustuhan na nila lately ang white. Halos lahat nga ng suot nila sa stolen pictures nila kapag lumalabas silang pamilya ay puti.

"Tara na? Aayusan ka pa nila dun di ba?" Nang marinig ng mga bata ang salitang 'tara na' ni Julie ay parang naging kiti-kiti ang mga ito na atat na atat ng umalis.

"Tara na mommy." Sabay-sabay na aya ng mga ito sa kanya.

"Sige tara na." Inabot ni Elmo kay Julie ang handbag nito sabay karga kay Ellie. Siya narin ang naglock ng room nila para mahawakan ni Julie si Lance at Lance, medyo may pagkaclumsy kasi ang mga anak nila, again, mana sa mommy.

Pagdating nila sa lobby ay may may hiyawan agad silang narinig. Mga fans nila iyon, sa totoo lang sanay na nila, para ngang extended family na nila ang mga ito. No pun intended. Parang pamilya na talaga ang tingin nila sa mga ito, hindi na iba sa kanila ang makahalubilo sa kanila maging ang kanilang mga anak.

May kaunting hi-hellos and photo op ang nangyari pero kinailangan narin nilang magpaalam dahil kailangan na nilang pumunta sa SM City Cebu para hindi sila malate ng dating. Well, pupunta rin naman doon ang mga fans nila kaya hindi masyadong nahirapan sila Julie at Elmo sa pagpapaalam sa mga ito.

A Day with ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon