A day with Forevermore: Five

2K 60 1
                                    

Katulad nina Sophie, Lance at Ellie, daraan din syempre sa interactive activities ang kambal na sina Orange at Blue. Hands on si Julie pagdating sa learning activities ng mga anak niya. She makes sure na mag-eenjoy talaga ang kambal sa individual classes na napili niya para sa mga ito.

Siya mismo ang nakikipagcoordinate sa mga instructors. Pati ang susuotin ng kambal sa mga klaseng iyon, siya rin ang nag-isip. Sa kanya lahat ng effort pagdating sa kaartehan pero syempre all of the expenses were paid by Elmo.

Dahil medyo busy si Elmo sa trabaho walang choice si Julie kundi ang maging single parent for a day. Nasa labas siya ngayon ng ballet dancing studio at nakikipagpilitan kay Orange para lamang pumayag na ito na pumasok sa ballet class nito.

"I don't want ballet Mummy." Iyak na sabi ni Orange habang patuloy siya sa pagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ni Julie.

"But honey we've already discussed this yesterday." Pinagpapawisan na si Julie sa katigasan ng ulo ng kanyang anak kaya tumigil na siya sa paghila rito at naupo sa harap nito sapat para mapantayan niya ang height ni Orange. "What do you want ba?"

"Karate." Maikling sagot nito kay Julie habang nahikbi.

"But baby that's not a girl thing." She paused. "Look at you-" Tiningnan ni Julie ang cute na customized orange tutu skirt at pointe shoe ni Orange. "Ang cute-cute mo oh."

Umiiling si Orange sa compliment ng kanyang ina habang patuloy siya sa pag-iyak. "I want Karate Mummy."

"But Orange-" Natigilan si Julie ng bigla siyang yakapin ni Orange ng sobrang higpit.

"Please?" Pakiusap ni Orange sa kanyang ina habang hindi ito nahiwalay sa pagkakayakap dito.

"Orange-" Pagod na sambit ni Julie.

"Please Mummy please?" Ulit pa ng bata.

Ano pa nga ba ang magagawa niya? Mukhang hindi na naman siya makakatanggi sa milyon-milyong sweet request sa kanya ni Orange.

Kahit sobrang kulit kasi ng kambal niya at sobrang sakit sa ulo ng mga ito, hindi parin niya magawang humindi every time na humihiling ang mga ito sa kanya ng mga bagay na alam niyang makakapagpapasaya sa kambal.

"Okay, okay." Pagsurrender niya sa pakikipagpilitan kay Orange. Tumingin naman kaagad sa kanya si Orange sabay punas nito ng luha ng marinig ang sagot ni Julie.

"Really Mummy?"

Tumango si Julie ng may ngiti sa kanyang mga labi habang pinupunasan ang naiwang bakas ng luha sa mukha ni Orange. "But you have to try this first today baby. Sayang naman outfit mo."

"Okay mum." Mahinang sambit ni Orange na mukhang dismayado parin sa desisyon ng kanyang ina.

"Great! Picture-an muna kita baby before I send you inside ha?" Excited na kinuha ni Julie ang kanyang cellphone, inayos muna niya si Orange bago niya ito kunan ng litrato. "Oh bakit ka nakasimangot?" Malambing na sabi ni Julie sa chubby niyang anak. "I'll send this picture to daddy, he's tired right now. Don't you want to make him smile?" Parang magic code ang word na daddy dahil tila ba'y nawala ang bad mood ni Orange at automatic na itong nagpacute sa camera ni Julie. "Ayan." Tuwang-tuwa si Julie ng makuha niya ang gusto niyang shot. "Let's go na honey." Hinawakan niya ng muli ang kamay ni Orange. Ang kaso hindi na naman ito sumama sa kanya. "What's wrong na naman anak?"

"Don't leave me there mummy." Takot na turo ni Orange sa dance studio na papasukan nila ni Julie.

"Orange, honey-" Umupo ulit si Julie sa harap ni Orange. Wala siyang pake kung anong itsura niya kahit nakadress siya, ang mahalaga sa kanya ng mga oras na iyon ay ang makausap ng maayos ang kanyang anak para matry na nito ang ballet. "Sabi mo kay daddy big girl ka na di ba?"

A Day with ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon