A day with Forevermore: Two

1.5K 41 0
                                    

It's a normal day for Julie, normal in a sense na kailangan niyang ihatid ang mga anak niya dahil may promise sila ni Elmo na there's this day in a week na isa sa kanila ang maghahatid sa mga bata. Since lunch time pa ang meeting niya with Elmo's mom na manager niya rin, siya na ang nagkusa dahil alam niyang busy si Elmo ngayon sa tinatapos nitong project with the network.

After niyang ihatid ang mga bata sa kanya-kanyang rooms ng mga ito ay nastuck pa siya sa mga tao na gustong magpapicture sa kanya. Even teachers, gumawa ng time makapagpapicture lang sa kanya. Alam niyang parang cliché na dahil parati naman siyang nakikita ng mga ito sa tuwing may awards ang mga anak nila ni Elmo pero hinahayaan niya parin ang mga ito.

Ayaw niya kasing tawagin siyang suplada o kung ano dahil hindi naman talaga. Ever since sumikat siya at ang loveteam nila ni Elmo, hindi niya napabayaan ang mga fans niya at nila. Kahit si Elmo nahawa narin sa habit niya na makipagkita sa mga fans, minsan pa nga nagugulat nalang siya kapag nag-stop over sila dahil hindi lang simpleng stop-over iyon, pinagbigyan kasi ni Elmo ang isa nitong taga-hanga na makita silang dalawa in person.

After all those picture taking, sa wakas, nakasakay narin siya sa kotse niya. She's now heading to Milky n Sunny, her mother-in-law's favorite place. Almost most of their meetings ata doon ang venue. Hindi naman siya nagrereklamo, hindi na kasi unusual iyon para sa kanya.

Naroroon na ang byenan niya ng dumating siya sa kanilang meeting place. Her mother-in-law's using her phone, probably tweeting or posting a photo in instagram, it's usual. There's nothing to be surprised about. Nang makalapit siya sa ina ng kanyang asawa ay nakipagbeso muna siya rito bago siya umupo sa tapat nito.

"Hi mom, what's the good news?"

"Umorder na ako ng food para satin, I know what you want kaya hindi na kita hinintay para mag-order ng food para sayo. Anyway here's your new offer." Inabot niya ang sliding folder kay Julie na naglalaman ng mga dokyumento, marahil bagong endorsement na naman iyon.

Matapos mabasa ni Julie ang new offer para sa kanya. She couldn't say a word. Hindi siya makapagsalita dahil hindi siya makapaniwala sa offer sa kanya. She's being asked to endorse the largest American lingerie retailer. Yes, it's an offer from Victoria Secret. They will be opening a store in the Philippines and they have this 'hot mommas' campaign na gusto nilang pangunahan ni Julie.

"Why me?" Iyon nalang ang nasabi ni Julie dahil hindi parin siya makapaniwala sa offer na iyon sa kanya.

"Alam kasi nila na isa ka sa mga celebrity moms na hindi parin sira ang figure and kung titingnan ang fan base mo mas lalaki ang market share nila. You know how to get people's attention Julie, yun ang marketing strategy nila ngayon. If you'll say yes to this makakatulong din to sa career mo."

"Pero mommy, I have three kids and I have a husband. It's not that easy to say yes. Para narin akong nagstrip in public yan."

"No Julie, you're the brand endorser, you're their new face. Fashion show lang naman yun."

"And what about the billboards mom? Nako mukhang against si Moe dito. Magagalit yun for sure."

"Then don't let him know. Sign the documents para kapag nalaman niya wala na siyang magagawa. I know he'll understand Julie."

"But mom, we promised to decide things together. Hindi ko po kaya 'to. I'm sorry."

"Why don't you ask him first? Elmo's a great man, alam kong papayagan ka niya. Not unless ayaw mo nito."

"It's a privilege mom pero ayoko namang mabato ang pamilya namin ng sobrang daming issue. This is a serious matter."

"I know anak, marami ang nagkakandarapa sa offer na 'to. Please don't waste it. You didn't choose Victoria Secret, they chose you."

A Day with ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon