A day with Forevermore: Three

1.4K 44 0
                                    

Dalawang araw narin ang nakalipas noong huling nakita ni Elmo ang kanyang napakagandang asawa sa tabi niya. Days like these are normal to them. May mga araw talaga na hindi sila nagkikita pero at the end of the day, naghahanap parin sila ng paraan para makapagbond sa mga anak nila kahit absent ang isa sa kanila.

Right now he's driving to the studio where Julie's having her photoshoot. Tapos na naman niyang ihatid ang mga bata sa school, si Ellie naman may sumpong kaya hindi na niya nagawang isama pa sa kanya dahil ayaw din naman nitong sumama kahit anong pilit niya.

Tumigil siya saglit sa favorite coffee shop nila ni Julie para umorder ng coffee. Six thirty in the morning palang, wala siyang ibang magawa kaya naisipan niyang dalawin si Julie sa shoot nito.

When he got there, nakita niya ang kanyang asawa nagsasayaw kasabay ng kanta ni Katy Perry na darkhorse habang hinihintay ang turn niya na kunan. Simple lang ang suot ng asawa niya, white sando – showing her cleavage – and jeans para sa campaign nito with Levis. Nakakulot ang buhok nito like her usual hairstyle, tama lang din ang pagkakamake-up sa kanya kaya naman nagstandout talaga ang natural beauty ng kanyang asawa.

Whenever he sees Julie that simple, he can't help himself from falling over and over again. Mga sandaling tulad noon, narerealize niya na nakajackpot siya sa asawa. Bukod sa maasikaso ito sa mga anak nila ay hindi niya rin maipagkakaila ang pagkaversatile nito. What he like the most about Julie is her pleasing personality, the love she has for other people and of course her commitment to their family.

Hindi na niya makuhang magloko pa, no matter how tempting the situation may get because he got it all. Nasa asawa na niya lahat ng hinahanap niya, and like what their fans were saying, total package talaga si Julie.

Umupo na si Elmo sa highchair at nagsimula ng manuod ng shoot ni Julie habang hawak-hawak niya ang binili niyang coffee kanina. Napapangiti siya while he was watching his wife, napakakulit kasi ni Julie sa set, wala paring pinagbago ang asawa niya.

Nang maramdaman ni Elmo na maraming nakatingin sa kanya ay bigla siyang naawkardan sa kinauupan niya. It always happens. Para laging may intriga sa kanila ni Julie sa tuwing binibisita niya ang asawa niya. What's the point? Mag-asawa na naman sila. Tapos na sila sa ligawan stage, but still para parin silang loveteam na pinagbubulungan kung sila ba o hindi.

Wala na siyang ibang magawa pa kundi ang tumawa sa mga naririnig niyang bulungan. They weren't negative though. More of kilig bulungans.

After fifteen frames, nag-stop sila para makapagpahinga si Julie. Nakita naman siya kaagad ng kanyang asawa at nagmadali itong lumapit sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi.

"Hindi ka nagsabi na magvi-visit ka." Tiningnan niya ang two cups of coffee na hawak ni Elmo. "Are those for me?"

"Hindi isa lang." Natatawang sambit niya kay Julie.

And then she pouted. "Gusto ko brewed."

"Favorite mo frap di ba?"

"Sawa na ako dyan, brewed nalang sakin please?" And then she gave him her puppy eyes look that was very hard to resist.

"Sige na." Ibinigay na niya kay Julie ang brewed coffee na dapat ay sa kanya.

"Yes!"

"Julie-"

"Hmm?" Tumingin sa kanya si Julie habang nainom ito ng kape.

"Halika-" Lumapit naman kaagad ito sa kanya. Nang makalapit na si Julie ay kaagad niyang itinaas ang sando nito sapat para hindi masyadong kita ang cleavage ng kanyang asawa. "Don't show your skin too much."

She laughed at Elmo's reaction. "Ang conservative mo naman masyado, parang totoo ah."

Natawa rin si Elmo sa pang-aasar ng kanyang asawa. "Ako lang dapat nakakakita niyan hindi ibang tao."

A Day with ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon