KC's POV
I am walking along the hallway when my phone rang. Aish! Sino ba tong istorbong to. 5 minutes na akong naghahanap at nagpapabalik-balik wala pa rin. Wala pa namang elevator or anything dito.
Sinagot ko na yung call without looking at the caller's ID.
"SINO KA BANG ISTORBO KA HA?!" I shouted. Shempre. Pede ako magtapang-tapangan. Di naman ako nakikita eh. Haha.
"Woah! Chill KC. Wala ba munang kamusta? Isang buwan din tayong di nagkita. Ikaw ha! PaKore-Korea ka na lang." Now I know kung sino to. Boses pa lang eh.
"Alam mo Geika ang daldal mo? Nagmamadali na nga ako tapos nagawa mo pang tumalak? Mamaya ka na nga magkwento. Ano bang kailangan mo? Ano bang section mo?" I asked her while still looking for my room.
"Haha. Ang sarap talaga asarin ng bestfriend ko. Umuusok na siguro ilong mo ngayon. Wala naman. Namiss lang kita." Umirap na lang ako pagsabi niya non. Araw-araw naman kami non nag-iiskype. "Umirap ka na naman siguro mag-isa noh? Haha. Alkaline ako. Ikaw?" Sus. Dapat pala kanina ko pa to tinawagan.
"Dun din. Teka, saan ba yun? Kanina ko pa hinahanap eh."
"Sa 4th floor. Katabi ng office ng student org. Pero wala pang tao dun. Di pa kasi na-oorganize yung student org. Sa malapit sa hagdan. Sa dulo. Nandun na ako eh." Aba!
"Bruhildang to! Di man lang ako hinintay at sinundo. Ewan ko sayo." Then I ended up the call. Kunwari tampo ako. Wala lang. Iyan pa matiis ko?
After 49 long years, kidding. After another 5 minutes nakarating na ako. Mukang andun na ang lahat. Teacher na lang. And as usual, center of attraction lang naman! And.. Bulungan here.. Bulungan there.. Bulungan everywhere. What do you expect from people nowadays? People nowadays are too judgemental and always look at the physical characteristics of something.
"Eww that nerd is so pangit. Pano siya nakapasok dito? Err." Sabi ng isang babaeng hipon. Shoot lang. Lakas ng loob manglait. Tingin tingin muna sa salamin para malaman mo kung may karapatan ka bang gawin yan.
"Oo nga. Yuks! She's so baduy or should I say it's so baduy! Haha" Sabi naman nung kasusap nung hipon, isang babaeng may make up na nanganak ng mukha. Aba!,Ginawa ba naman akong hayop? Hayop siya! Haha. Sabi senyu matapang ako... sa loob.
At marami pa akong narinig na bulungan. Hindi ko na lang pinansin. Then, nakita ko si Geika sa may bandang dulo, sa 4th row. Then, parang nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya. She smiled and pointed the seat beside her that is not occupied. I think nireserve niya yon for me. Dalawa na lang naman yung seats, yung isa sa tabi ni Geika at yung isa sa pagitan ng dalawang malanding girls. Oops! Sorry for he word. Hihi. I made my way sa pwesto sa tabi ni Gei at umupo.
Nagulat na lang ako nang yinakap ako ng bruhilda kong bestfriend.
"I missed you MOAOB!" Ayan na naman tayo sa MOAOB (Mo-we-yob) na yan. Alam niyo po meaning nyan? Meaning po niyan ay My One And Only Bestie. Diba po? Ang corny? Ako ang nerd dapat ako ang corny pero siya tong ang ganda gandang dilag napakacorny. Tawagan namin yan tuwing weekends. Pinilit niya ako eh.
Kumalas ako sa yakap. Pero to be honest, gustong-gusto ko na siya yakapin. Pero ang corny na niya talaga saka nasasakal na ako.
"Teka nga, teka nga, nasasakal na ako. Ang corny mo Geika (Ji-ka)! Di naman Sunday or Saturday ngayon!" Kahit malakas ang boses namin, di naman halata at napakaingay sa classroom. I guess di na ako ang center of attraction. And I'm happy for that, for now. Di matatapos ang school year nang di ako napagtatawanan. Tingnan nyo kanina pa lang e. Nagpout na lang siya. Ang cute talaga ng bestfriend ko. I wonder kung pano ko siya naging bestfriend. Di ba sya nandidiri sakin? Ahh. Nevermind. Di na yun inportante, basta I'm so thankful to have her as a bestfriend, period.
Teka, 8:00 na ah. Wala pa rin ang teacher. Alas otso kasi ang schedule namin hanggang 5:00. Napakaingay tuloy.
Bakit biglang lalong umingay? Tili ng tili ang mga babae. Well, pwera lang samin ni Gei. Lalo na sila JakarTAE parang nasa rollercoaser makatili. Kaklase ko pala tong mga to. Kamalas-malasan.
Napatingin na lang ako sa pinto. Ahh, kaya pala. Nandiyan na ang gangster ng Academy. Kidding. Ang campus heartthrob nandiyan na, si Miles Thau.
Inilibot niya ang mga mata niya. At parang biglang nainis? Ahh. Kasi yung vacant seat sa tabi ng mga malalandi. Sorry again. Pinuntahan niya yung mga barkada niya.. W-wait don't tell me..
"You. Bakit ka nandiyan? That's my place. Go away." As always, walang emosyong sabi niya dito sa katabi ko sa right side. Katabi ko kasi sa kaliwa si Gei.
Ngayon, sila naman ang center of attraction.
Umalis na ng nagmamadali yung guy. Mukang mabait pa naman. Transferee feels. Being OP at bullied. Naranasan ko na yan nung Grade 3, nung lumipat ako sa isang school. Kahit di pa ako nerd nun, nabubully ako.
Umupo siya sa tabi ko.. WAIT! SA TABI KO? ANG MAHANGIN NA HEARTTHROB NA TO?
Nakipag-apir muna siya kay Tom at sa isa niya pa yatang friend. Pero, yes, walang emosyon pa din.
Pag-upo niya tumingin siya sakin. And biglang nagsalubong ang kilay niya.
I heard him curse. Luh siya!
Tatayo na siya para siguro lumipat nang dumating si Mrs. Feliciano. Ah siya pa rin pala teacher namin. Nawala ang pag-iisip ko kay Mrs. Feliciano nang nakarinig ako ng ilan pang mura sa katabi kong si Miles.
"Aystt talaga!" Nako po! Kaya pala siya inis na inis kasi kung anong makita ni Mrs. Feliciano na sitting arrangement ay ililista niya na and iyon na yung arrangement sa buong school year. And, walang makakalusot diyan kasi pagkatapos mag good morning, lista agad pag first day. Tapos araw-araw na niyang iche-check kung may mga lumilipat, and kung nahuli. Detention agad bagsak mo. Meron pa nga dati inabot ng kick-out eh. Diba po? Napakaistrikto? Tas pag nakick out ka babalik ka ulit sa dati mong grade level. Like for example, 3rd year ka na nung nakick out ka, pag lipat mo sa ibang school magiging 2nd year ka ulit. Kasali daw kasi yun sa values. Yung pagiging masunurin sa rules. Kaya alam niyo na naman siguro kung bakit ganyan makareact si Miles.
"Good morning class." Bati ni Mrs. Feliciano.
"Good morning Mrs. Feliciano." Sagot ng buong klase habang nakatayo. Yung mga pasaway parang antok na antok at labag sa loob ang simpleng pagbati. Tulad nitong katabi kong isa.
Then the whole class and also Mrs. Feliciano sat down. And as expected, she already listed the sitting arrangements.
Looks like you are not just the one who will have a bad luck, Miles thau.
×××
Yasss! Nagmeet na sila.
Enjoy reading po!XOXO
BINABASA MO ANG
A Big Revenge
Teen FictionWhat if a nerd turned into a goddess? What if an ugly duckling turned into a swan? Back then.. There are many things that make her ask 'what if?' Back then.. There is a guy that is always making fun of her and doesn't really care if she got hurt in...