Wala nang maisip na title si otor. Sorna.
KC's POV
I'm still in the state of shock. Kasi naman ang isang gwapong nilalang—shocks ang landi ko —ay inaya akong maglunch. Ay, wag pilingers. Kasama nga pala si Geika. Pero, you know. Aish! Basta! Tsaka! Aba! Kahit naman nerd ako, alam ko ang mga terms na ginagamit ng mga kabataang tulad ko ngayon. Tulad ng shocks, ganun. Tsaka, hindi ako yung nerd na walang alam sa buhay. Di ako manang, well sa pananamit lang siguro pero sa pag-iisip hindi.
Natigil ako sa pag-iisip when I felt someone flickered my forehead. "Ano bang problema, Romualdez?!" Pasigaw kong tanong kay Geika. Aba naman! Pitikin daw ba ako sa noo. Impernes, masakit yun. I heard someone chuckled. It's probably not Gei kasi halakhak yun kung tumawa. Nahiya naman ako dun at napayuko na lang.
"Lutang. Nagtatanong yung tao eh." Sabi niya. "Ako payag ako, basta libre ha! Hahaha." Dugtong pa niya habang pinapalo-palo sa balikat si Neil. Hmmph! Chansing din to eh.
"Of course. So...Stelle, are you joining?." Neil said while giving a wide smile. God! Who can resist that smile and those tantalizing eyes? Jusko Kristelle! Tumigil kang nerdidita ka! Pero kahit naman siguro mga sobrang relihiyosong babae mahuhulog diyan sa makalaglag-panty na smile nyan eh. Pati nga siguro mga lalaki eh. Haha.
I took a deep breath before talking. "Aishh! Fine! Magmumuka na naman akong! Aish! Ewan!"
"Wow ha KC. Choo-choosy pa ba?" Sabi pa ni Gei. Inirapan ko lang siya.
"Yun! Thanks Stelle." Ayan na naman po tayo sa smile na yan! Jusko po Neil! Magtigil-tigil ka, baka mawala pagkanerd ko dahil diyan.
Nginitian ko na lang siya ng pilit until parang may naalala si Brain. Na mukang naalala din ng brain ni Gei na kumare ng brain ko.
Processing.. 86%..
Processing.. 89%..
Processing.. 91%..
Processing.. 97%..
Processing.. 99%..
Thinking session.. 100% completed.."Stelle?!" Sabay pa naming tanong ni Gei.
"Oh. Yeah. I'll call you Stelle from this day onwards. Mmm.. If you'd let me to." Again, with his trademark smile. Yung parang sa isang member nung favorite boyband ni Geika. Yung Kpop. Ano nga yun? Ekso. Yun, yung ngiti ni Neil ay parang kung paano ngumiti yung isang member dun na di kataasan tapos malaki yung mata, yun. Pero mataas si Neil. Haha.
"Ah.. Okay." Wala namang problema dun. Maninibago lang siguro ako na bukod kay Jakarta, may iba pang taong di ako tinatawag na KC.
"Madaya!" Nagulat kami sa pagsigaw ni Gei. Pati yung mga tao dito sa hallway ay napatingin. No need to worry naman na may mangbubully sakin kasi laging pag gantong oras. Ang mga nasa hallway na lang ay ang mga nerds. Yeah, marami ding nerds dito. Nagtataka nga ako kung bakit ako yung palaging nabubully.
BINABASA MO ANG
A Big Revenge
Teen FictionWhat if a nerd turned into a goddess? What if an ugly duckling turned into a swan? Back then.. There are many things that make her ask 'what if?' Back then.. There is a guy that is always making fun of her and doesn't really care if she got hurt in...